LORAINE POVHuminto na ang sasakyan kaya bumababa na kami. Sabi niya hindi pa daw ito ang Lugar kong saan kami pupunta. Naglakad lang kami nang naglakad habang bitbit naman niya ang mga bagahe namin.
Habang naglalakad ay iniisip ko ang pagkanta nito sa loob nang sasakyan. Masasabi Kong hindi lang siya gwapo kundi magaling din siyang kumanta.
Nakarating kami sa isang dagat at merong iisang bangka ang nag aantay sa amin. Napakunot nuo ako dahil sobrang layo naman ata nang meeting place nila. Hindi ko na napigilang magtanong kay Dave kahit ayaw ko pa siyang kausapin.
"bakit ang layo naman nang meeting place niyo?" takang takang tanong ko.
"ayaw kasi namin nang istorbo sa pag uusap namin" simpleng sagot nito
"Eh bakit mo pa ako sinama dito?" tanong ko sa kaniya. Dahil kong ayaw nila nang istorbo edie sana silang dalawa nalang ang nag usap
"hindi ka naman istorbo para sa akin" nang banggitin niya ang mga katagang yon ay hindi ko mapigilang mamula. Napatingin nalang ako sa ibang dako nang dagat at hindi na nagsalita.
Nang makarating na sa pangpang ay agad na binayaran ni Dave ang bangkero at rinig na rinig ko pa ang sabi nito sa matanda.
"two weeks po kaming mananatili dito tatang. Kaya please po next next week na po kayo bumalik. Maraming salamat po" napatingin ako sa kaniya. Anong two weeks? Nababaliw na ba siya. May trabaho siyang maiiwan.
Nang makaalis na ang bangkero ay nauna na ring naglakad si Dave kaya Tumakbo ako para abutan siya.
"Hoy Dave? Anong two weeks ang sinasabi mo? Ano yon dalawang linggo kayong magmemeeting? " tanong ko dito
"Depende love kong magkabati kami within 2 weeks. Kong hindi edie madadagdagan ang pag stay natin dito" simpleng sagot nito. Nagkahinala na ako sa binabalak niya kaya kinabahan na ako.
"Ano bang pinagsasabi mo ha? Asan na yang kameeting mo." naiinis kong tanong sa kaniya dahil patawa tawa pa ito.
"Gusto mo na ba siyang makilala?" mapang asar na tanong nito
Wala na akong nagawa kundi ang tumango nalang dahil parang nahubulaan ko na talaga ang plano niya.
"Ayan oh" turo nito sa akin sabay karga na parang isang sako.
"AHHHHHHHHHHH ibaba muko" inis kong sabi habang sinusuntok ang likod niya. Tumakbo takbo pa ito kaya naalog alog din ako.
Nakarating kami sa isang malaking bahay. Wala manlang Katok Katok si Dave at Binuksan agad ito. Ibinaba niya rin ako at mahilo hilo pa ako pero hindi ko pinalampas ang pagkakataon at pinaghahampas siya.
Tawang tawa naman ako nang simula na itong nagtatakbo.
Natigil ito nang marinig niya akong tumawa. Lumapit ito sa akin at Hinawakan ang mga kamay ko."Love Sorry na. Hindi ko kayang makita na galit ka sakin. Patawarin muna ako" sabay luhod pa nito
"Huwag ka ngang lumuhod diyan. Umalis na tayo dito baka dumating ang may-ari at pagalitan tayo" sabi ko dito habang hinihila siya patayo.
"Hindi ako aalis dito hanggat hindi mo ako napapatawad" mariing sabi nito habang hawak hawak ang kamay ko.
"O sige na bati na tayo. Basta huwag mo nang sirain ang pangako mo sa susunod. OK?" agad agad naman itong tumango at binuhat akong muli na nagpatili sa akin
"Ibaba muko. Baka dumating na ang may-ari nito Dave." mariin kong sabi sa kaniya
"Huwag kang mag alala kay mama tong bahay na ito. Pinamana ito sa aming magkakapatid" sabay ngiti nito.
Matapos naming mag kaayos ay inayos muna namin ang mga gamit namin at kumain na ng hapunan. Si Dave ang nagluto dahil babawi daw ito sa kasalanan niya.
BINABASA MO ANG
SECRETLY MARRIED ❤️ (COMPLETED)
RomanceIsang araw lamang na pagkikita Isang laro ang ginawa Isang araw ang sisira Sa dapat na itinakda. Larong kasal-kasalan ay nauwi sa totohanan. Isang mapaglarong tadhana ang nangyari sa kanila Loraine De Guzman at Dave Jaycee Stone. paano nila ito mata...