CHAPTER 42

311 7 0
                                    


DAVE POV

Nanatiling tahimik si Loraine kaya naman kinausap ko siyang muli.

"Love Ayos kalang ba talaga?" tiningnan ko siya nang may pag aalala kanina pa kasi ito tahimik sa bahay. Akala ko matutuwa siya ngayong nasa mall na kami dahil First time naming pumunta ditong magkasama.

"Ayos lang ako. Napagod lang siguro ako sa biyahe natin kahapon" sambit nito na walang kagana gana

Matapos nang sagot niya na yon ay nagpaalam naman siya pumuntang restroom kaya inantay ko na lang muna siya.

Kanina pa kami naglilibot dito pero wala manlang itong kareareaksyon.
Sinilip ko ang binili kong Cellphone para sa kaniya. Kaninang nagpaalam akong may pupuntahan ay lihim akong bumili nang sarili niyang cellphone dahil alam Kong namimiss niya na si Clinton.

Napapangiti ako habang inaantay na lumabas si Loraine sa Restroom nang may tumawag sa akin.

"Kuya?" tawag ni Inon sa kabilang linya

"Si Ate Beatrice nasa Hospital" sabi pa nito kaya naman nataranta na ako.

"Pupuntahan ko kayo diyan" sabay patay ko nang tawag

Nang makita kong lumabas na si Loraine sa Restroom ay agad agad ko siyang hinila papuntang parking lot at agad agad na pinaandar ang sasakyan.

"Pasensya kana Love may Emergency lang. Idadaan muna kita sa bahay" natataranta ko nang sambit sa kaniya. Tumango lamang ito bilang tugon.

Nang makarating kami sa tapat nang bahay Bumaba na agad ito. Naalala ko naman ang cellphone na binili ko sa kaniya kaya tinawag ko ulit siya.

"Love?" agad naman itong lumingon kaya lumabas ako nang sasakyan at inabot ko sa kaniya.

"Love naka save na diyan ang number ni Kuya Charles, Lily, Finity, Art, Inon, Fernando at ang akin may load na rin yan. Tatawagan kita mamaya ha" sabay halik ko sa labi niya at takbo sa kotse.

Bago ko pinaandar paalis ang sasakyan ay nakita ko pa siyang kumaway sa akin.

Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa hospital na sinabi ni Inon.
Nakita ko sina Inon, Finity, Fernando, lily, Art at ang ama ni Beatrice. Pumunta naman agad ako sa kanila.

"Anong nangyari sa kaniya?" alalang tanong ko sa kanila

"Mabuti na ang lagay niya. Kinakausap pa siya nang doktor kaya hindi kami makapasok iho" ama ni Beatrice ang sumagot

Nang lumabas ang doktor ay agad kaming pumasok nang ama ni Beatrice upang kamustahin ang lagay niya.

SECRETLY MARRIED ❤️                     (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon