Nagliligpit si Dave nang mga gamit ni Beatrice dahil maaari na daw itong umuwi basta huwag lang daw itong papagudin at ma stress dahil masama sa kaniyang pagbubuntis. Malaki laki na rin ang tiyan nito kaya todo todo ang Pag aalaga namin nang ama niya sa kaniya.Naisip niya si Loraine ayaw niya itong tawag o itext na hindi muna siya makakauwi ngayon dahil ayaw na niyang magsinungaling pa rito na nasa trabaho siya.
Ang totoo niyan ay palagi siyang nasa hospital para alagaan si Beatrice at ang bata sa sinapupunan nito. Matatapos na rin naman to kaya konting tiis nalang at makakasama ko nang muli si Loraine.
"Babe. Tara na ayuko na dito" pagmamaktol na turan ni Beatrice
Isinakay ko na siya sa wheelchair niya at itinulak ito. Mag papa assist nalang siya para kunin ang mga gamit ni Beatrice dito sa room at mailagay sa kotse.
Pagkabukas na Pagkabukas nang pinto ay parang nawasak ang puso niya nang mabungaran si Loraine na lumuluha habang nakatingin sa kaniya.
"Lo-Love?" utal pang tanong ni Dave
"Nagsinungaling ka sakin. Ito Pala ang pinagkakaabalahan mo at hindi ang trabaho mo" mapait pang turan nito
"Let me explain" hinila ko agad ang kamay niya upang hindi siya makatakbo. Nang tuluyan akong makalabas sa kwarto ay nakita ko pa si Raphael na nakatingin lang sa amin.
"Love patawarin mo ako" sabay yakap ko dito at tuluyan nang napaiyak
Kumalas siya sa akin na galit na galit at pinaghahampas ako sa dibdib.
"Minahal kita. Binigay ko ang lahat sayo. Pinagkatiwalaan kita pero sinasaktan mo lang ako nang paulit ulit. Akala ko totoong mahal muko pero kalokohan lang Pala lahat. Akala ko nasa trabaho ka yon Pala matagal kanang dito nag pupunta" isang maglakas na sampal ang pinakawalan nito at tuluyan nang sumalampak sa lapag.
Lumuhod naman ako para maging magkapantay kaming dalawa.
"Sorry patawarin mo ako" yon nalang ang mga nasabi kong salita
Bigla kaming may narinig na sigaw sa kwarto ni Beatrice kaya napatayo nalang ako. Tatakbo Palang sana ako sa kwarto na iyon nang magsalitang muli si Loraine.
"Oras na iwan muko dito at pumunta ka sa kaniya ibig sabihin lang non ay tinatapos mo na ang lahat sa ating dalawa."
Napatigil ako sa tinuran niya pero hindi ko pwedeng pabayaan ang bata sa sinapupunan ni Beatrice. Wala itong kasama sa loob nang kwarto at ako lang ang inaasahang tumulong sa kaniya. Hindi ko kakayaning may mawalang inosenteng bata sa Mundong to.
Wala na akong nagawa at tuluyan nang pinili ang nararapat na desisyon na satingin ko ay pagsisisihan ko habang buhay.
BINABASA MO ANG
SECRETLY MARRIED ❤️ (COMPLETED)
RomanceIsang araw lamang na pagkikita Isang laro ang ginawa Isang araw ang sisira Sa dapat na itinakda. Larong kasal-kasalan ay nauwi sa totohanan. Isang mapaglarong tadhana ang nangyari sa kanila Loraine De Guzman at Dave Jaycee Stone. paano nila ito mata...