Maaga palang ay nagising na si Loraine para maghanda nang makakain. Gusto niyang pagkarating ni Dave ay magulat ito at mag tanong Kong anong okasyon at doon ko sasabihin na nagbunga na ang pagmamahalan naming dalawa.Ilang oras ang lumipas ay walang Dave ang dumating. Wala rin itong text o tawag sa kaniya kong anong oras siya uuwi.
Inayos na lang niya ang mga inihanda niya at nag ayos nang kaniyang sarili. Binalak nalang niyang magpa check up para alamin Kong ilang weeks o months na si baby.
Palabas palang siya nang gate ay natanaw niya si Raphael na kumakaway sa kaniya. Kunyari ay hindi niya ito nakita dahil ayaw niyang magalit si Dave at kong Ano pang isipin.
Nabigo siya sa Pag iwas dito nang ang binata na ang lumapit sa kaniya.
"Oy Loraine hindi muna ako pinapansin ah. " hingal pang turan nito sa akin.
"Ahh eh hindi naman. Hindi lang kita nakita" Palusot ko pa dahil ayuko namang supladahan siya.
"Saan ka pupunta ngayon?" tanong nito
"Ah eh. Magpapacheck up ako" simpleng sagot ko
"Bakit masama ba ang pakiramdam mo?" may Pag aalala sa mga mata niya
"Hindi. Buntis ako Raphael" maikling turan ko
Gulat na Gulat ang reaksiyon ni Raphael. May dumaloy na sakit sa kaniyang push. Sa ikalawang pagkakataon na nagmahal siya ay nakuha pa rin ito ni Dave.
"Wala ka bang kasama. Sasamahan na kita masyadong delikado sa isang Buntis ang maglakad na walang kasama kong Saan Saan" paliwanag ni Raphael
Ilang minuto pa ang lumipas ay napapayag din ni Raphael si Loraine na sumakay sa kaniyang kotse upang samahan mag pa checkup.
Nagulat pa si Loraine dahil Hospital ang pinuntahan nila at hindi isang Center para sa mga Buntis.
Nang makarating sila doon ay pinahiga na siya nang doktora samantalang si Raphael ay nasa gilid lamang niya.
"Wow mommy. Twins ang baby mo" masayang bati nang doktora agad ko namang tiningnan ang monitor at nakita ko nga sila doon. Naluha pa ako nang bahagya dahil totoo ngang magkakababy na ako.
"Huwag kang umiyak mommy. Masama sayo ang ma stress" paliwanag pa nito
Pinatahan naman ako ni Raphael at inalo alo.
"Nakakatuwa naman kayong mag asawa" sabi pa nito na ikinatigil ko. Sasabihin ko sanang hindi ko asawa si Raphael nang magsalita itong muli.
"Alam niyo ganyan din ka sweet sina Mr. Stone at si Mrs. Beatrice" ngiting ngiti pang turan nito
Natigilan ako sa mga sinabi niya. Kumabog nang husto ang puso ko.
BINABASA MO ANG
SECRETLY MARRIED ❤️ (COMPLETED)
RomanceIsang araw lamang na pagkikita Isang laro ang ginawa Isang araw ang sisira Sa dapat na itinakda. Larong kasal-kasalan ay nauwi sa totohanan. Isang mapaglarong tadhana ang nangyari sa kanila Loraine De Guzman at Dave Jaycee Stone. paano nila ito mata...