1. Can I Get A Hug?

2.7K 140 87
                                    

Chapter 1: Can I Get A Hug?

Landon

"Kaunting sakripisyo lang ito, Landon. Magiging ayos ka rin. Smile!" sinunod ko ang sinabi ko dahilan para ngumiti ako sa aking sarili habang nakaharap ngayon sa salamin dito sa loob ng banyo ko.

Ngayon na 'yong araw na kailangan na namin ng aking pamilyang lumipat sa bahay nila Tito Ferdy para doon muna manirahan nang panandalian. Kasalukuyan na kasing ibebenta itong bahay na tinitirhan namin ngayon, sapagkat may mahalagang paggagamitan ang pera kapag naibenta ito. Saka, mas malapit 'yong Ospital sa bahay ni Tito kaya mas convenient kung doon muna kami maninirahan.

"Landon!" tawag sa akin ni Mama mula sa Living Area, senyales na kailangan na namin umalis. "Bumaba ka na, aalis na tayo."

"Opo!"

Bago muna ako tuluyang lumabas ng banyo, humarap muli ako sa salamin at huminga nang malalim. Isinuot ko ulit ang ngiti sa aking labi at sinulyapan ang mga itim na pasa sa aking binti at braso.

Kusang bumaba ang aking ngiti. Dahil sa mga pasang ito, kinakailangan naming isakripisyo itong bahay para mawala at mailigtas ang katawan ko.

"Lalabanan mo ito, pare," sabi ko ulit sa sarili.

Tuluyan na akong lumabas ng banyo at pumuntang Living Area para kunin 'yong asul kong gitara. Hinding-hindi ko iiwan itong bagay na ito dito dahil importante ito sa akin. Isa ito sa ginagamit kong paraan para mapagaan manlang ang loob ko, sa pamamagitan ng bawat pagkumpas ng aking dalari sa kuwerdas ng gitara ay siya namang nagbibigay ng napakagandang tinig sa aking tainga. Tinig na nakakapagpalakas ng loob ko.

"Ma-mi-miss ko itong bahay natin," ani ni Mama habang nakaharap sa bahay namin at sa huling pagkakataon, pinagmamasdan ito.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya sa likod, ipinatong ko ng ulo ko sa balikat niya. "Sorry, Mama."

Bahagya niyang hinimas ang kanan pisngi ko. "Ayos lang, anak. Basta, ang mahalaga mapagamot ka at mapagaling ka. Mas importante ang buhay mo kaysa sa bahay na ito."

"Pero, 'Ma. Kina Lolo't Lola itong bahay, eh. Ipinamana nila sa inyo. Sigurado po ba talaga kayo na ibenta ito? "

Inayos niya ang sarili upang mapahiwalay ako sa yakap sa kanya at para humarap siya sa akin. "Siguradong-sigurado. Para sa iyo, anak."

"Salamat po sa pagtulong sa akin. Pangako po, magpapagaling po ako. Hindi ko po sasayangin 'yong pera niyo para sa akin. Pagsubok lang po ito. Hindi po ako susuko. Hindi ko pa nga po natutupad 'yong mga pangarap ko at hindi pa akong nagkaka-girlfriend." Napatawa si Mama dahil sa huling sinabi ko.

"Alis na tayo!" Rinig naming pagyaya sa amin ni Tito Ferdy pagkatapos niyang ilagay ang iilan na gamit namin sa loob ng sasakyan niya. Kapatid siya ni Papa. Pero si Papa, meron nang ibang asawa.

"'Tol, lalaban ka sa sakit mo, ha? Mag-babasketball pa tayo at tutulungan mo pa ako manligaw," ani ni Kuya Cody sa akin.

"Ayan ka na naman, eh." Malakaw akong ngumiti sa kanya. "Huwag nga kayong mag-aalala. Tulad nga sabi ko kay Mama, magpapagaling ako. Ayaw kong mapunta lang sa wala itong bahay na ipagbebenta natin. Cancer lang iyan, kayang-kaya ko iyan. Lalaban ako at hinding-hindi ako nagpapatalo," positibo kong pagkakasabi. "Tara na! Excited na akong makita 'yong bahay ni Tito Ferdy."

Lahat sila ay ngumiti sa akin bago magsimulang sumakay sa loob ng saksakyan ni Tito. Siya ang maghahatid sa amin papunta sa bahay niya. Pasalamat nga kami kasi kahit itinakwil na kami ng kapatid niya, tinutulungan niya pa rin kami. Sa totoo lang, siya ang nagmimistulang tatay namin. Palagi niya kaming binibisita rito sa bahay pero 'yong tunay namin na tatay, matagal nang hindi nagparamdam.

wish i could see your smileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon