3. Peace Offering

949 91 24
                                    

Chapter 3: Peace Offering

Landon

Inabot na ako ng gabi habang nakahiga sa kama ko at naka tulala sa kisame ng kuwarto. Punong-puno pa rin ako ng pagsisisi at inis sa sarili. Kahapon 'yong unang beses kong nakausap si Zara at malakas 'yong kutob ko na mukhang magiging huli na iyon pero siyempre hindi ko hahayaan.

Malay ko ba na mao-offend ko siya sa tanong ko. Siguro sa isang sulok ng isip ko, alam kong meron siyang malalim na rason kung bakit may pasa siya sa gilid ng labi niya. Hindi naman siya masasaktan sa tanong ko kung wala, 'di ba?

Kanina pa akong umaga nakakulong sa kuwarto ko, lumalabas lang kapag kakain. Nag-iisip pa rin ako ng paraan para humungi ng sorry kay Zara. Ganito kasi akong tao, ayaw na ayaw kong may na-a-agrabiyado ako. Kung maaari, babawi ako kung anong maling nagawa ko. Kumbaga, ayaw kong makasakit.

"'Tol, kakain na tayo ng hapunan sa ibaba. Pumunta ka na," bungad sa akin ni Kuya Cody nang pumasok ito ng kuwarto.

"Sige, susunod ako."

-

"Anak, may good news ako para sa iyo. Bukas makukuha ko na 'yong perang napagbentahan natin ng bahay. Puwede na natin ipagpatuloy 'yong chemotheraphy mo." Hindi pa ako nakakaupo sa hapag-kainan, ayan agad ang salubong sa akin ni Mama. Kitang-kita sa mga mata nito ang galak at tuwa.

Malakaw akong ngumiti sa kanya. "Talaga po? Sa wakas, gagaling na ako!"

Napatawa si Tito Ferdy at Kuya Cody sa naging reaksyon ko. Ramdam ko 'yong saya nila para sa akin.

Umupo na ako sa upuan.

"Sa isang araw, babalik na agad tayong Ospital, baka kasi lumala pa iyang kondisyon mo kung sakaling hindi natin maipagpatuloy agad ang session ng chemo mo. Ipapagamot na ulit kita. Lalaban ka na ulit," nakangiting tugon ni Mama pero ramdam ko 'yong pag-aalala. Marahan niyang hinawakan ang kamay ko at ikinilong sa palad niya.

"Sige po. Excited na akong gumaling," nakangiti kong tugon kahit sa loob-loob ko, kinakabahan ulit ako. Iniisip ko kung paano ulit ako maghihirap sa loob ng hospital. Ilan araw na naman ako magtitiis sa sakit ng turok ng mga gamot. Mamamaga na naman ang likod ng palad ko. Kung paano ulit malalagas itong mga buhok ko na ngayon ay medyo mahaba na at kung paano ako makakaramdam ng kirot sa katawan ko dahil sa side effect ng chemo. Pero ayos lang iyon sa akin, basta ang mahalaga, gumaling ako.

"Lalaban ka kahit pagod ka na, ha?" tugon ni Mama.

"Paulit-ulit na naman ba, 'Ma? Kahapon ko pa sinasabing lalaban ako. Hindi ako magpapatalo."

Ngiti lang ang isinukli niya sa akin. Nagsimula na kaming kumain.

"'Nga pala, may binili akong solo pack na ice cream kanina para sa dessert natin ngayon. Apat iyon. Nasa fridge. Kunin mo nga, Cody," sambit ni Tito pagkatapos namin kumain lahat ng hapunan.

Agad na kinuha ni Kuya Cody ang mga ice cream sa fridge at dinala sa lamesa. Kinuha ko agad 'yong double dutch na flavored at sisimulan na sanang buksan ito kaso natigilan ako bigla nang may naisip akong ideya.

"'Ma at Tito Ferdy, lalabas lang po ako ng bahay. Sandali lang po."

Hindi ko na hinintay kung ano ang sasabihin nila dahil agad na akong tumayo sa upuan at nagsimulang tumakbo palabas ng bahay. Tumakbo ako papunta sa harap ng bahay nila Zara. Ibibigay ko sa kanya itong ice cream bilang peace offering ko sa kanya dahil sa nagawa kong mali.

"Tao po."

Kinakabahan ako, baka hindi niya tanggapin.

Paulit-ulit akong kumatok sa pintuan nila ngunit hindi pa rin ito bumubukas. Nagtaka na ako kaya bahagya akong sumilip sa bintana nila at pansin kong madilim ang paligid.

wish i could see your smileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon