22. Are You Okay?

462 28 3
                                    

Chapter 22: Are You Okay?

Landon

Humilata lang ako nang sandali sa kama para hintayin ang paghupa ng kirot sa aking ulo. Nang medyo mawala-wala na ito, pinilit kong dumaretso agad sa Hanging Bridge para puntahan si Zara, ayun kasi ang sinabi ko sa kanya. Ayaw ko naman na huwag siyang siputin na lang dahil sa masamang nararamdaman ko ngayon. Pagkarating ko, napangiti agad ako dahil halata sa kanya na inaabangan niya talaga ang pagdating ko dahil nakatayo ito at may parang tinatanaw-tanaw sa may direksyon ko.

Nang sa wakas na natanaw niya na ako, sinalubungan niya agad ako ng sunod-sunod na mga tanong kahit hindi pa ako tuluyang nakakalapit sa kanya. "Landon? Kumusta? Ayos ka lang ba? Bakit bigla kang umuwi? May masakit ba sa iyo? Sabihin mo sa akin! Hoy!"

Saka ko siya sinagot nang makalapit na ako sa kanya. "Nag-aalala ka ba?" Humagispis ang ngisi sa aking labi.

"Hindi ba obvious? Ano? Ayos ka nga lang?"

Bahagya akong natawa dahil sa ekspresyon ng mukha niya. Hindi ko kasi inakala na ganyan pala siya mag-alala.

"Sagutin mo ako, huwag kang tumawa!" sigaw niya sa akin.

"Oo nga, ayos lang ako." Niglagpasan ko siya at umupo sa kahoy ng Hanging Bridge. Upong nakaduyan ang dalawa kong mga paa sa tulay. Sumunod siya sa akin at nakiupo na rin sa tabihan ko.

"Bakit kasi ganoon 'yong inakto mo kanina? Kinabahan tuloy ako."

"Sus, huwag mo na nga iyon isipin. Wala lang iyon," sabi ko. "Mabuti pang maglaro na lang tayo."

Dala ko na ngayon 'yong side bag ko, kung saan nandoon nakalagay 'yong mga gamot ko. Dinala ko na 'yon ngayon kasi meron pa kong iinumin na gamot mamaya. Ayaw ko nang mangyari 'yong nangyari kanina na nakalimutan ko.

"Laro?" ulit niya.

"Oo."

"Anong klaseng laro?"

"Heto." Ipinakita ko sa kanya yong hawak kong headphone na hiniram ko sa Kuya ko at 'yong sariling kong MP3 player. Ito lang 'yong ginagamit ko kapag nakikinig ng mga music, hindi kasi ako nagamit ng phone sapagkat wala ako no'n. Pinagbabawalan ako ni Mama dahil baka makasakop daw ako ng mga negative vibes doon at hindi raw iyon makakatulong sa sakit ko. "Laro tayong 'whisper challenge'."

"Saan mo naman nalaman 'yong laro na iyan?" tanong niya.

"Noon pa. Ito 'yong nilalaro namin ni Kuya no'ng hindi pa kami nalipat dito."

"Paano ba laruin iyan?"

"Halimbawa, isusuot mo itong headphone," paninimula ko, "Pagkatapos, may ipapatugtog ako na dapat todong-todo 'yong volume para siguradong wala kang maririnig. Sunod, may bibigkasin akong mga salita sa iyo na dapat, susundan mo 'yong pagkakabukas ng bibig ko para mahulaan mo 'yong sinasabi ko. Game?" nakangiti kong pagyaya sa kanya. "Bawal ang KJ, ha!"

Maliit siyang napairap sa akin. "Oo na pero may consenquence ba 'to?"

"Siyempre naman! Hindi puwedeng mawala 'yon."

"Eh, ano?"

"Itong lipstick." Itinaas ko 'yong lipstick na hawak ko at ipinakita iyon sa kanya. "Pahiran tayo sa mga mukha kung sakaling hindi natin mahulaan 'yong mga sinasabi natin. Ano? Game ka na ba?"

"Sabihin mo muna sa akin kung sino ang may-ari ng lipstick na hawak mo. Sa iyo iyan, 'no?"

Humagalpak ako ng tawa dahil sa sinabi niya. "Pati pa naman ito, kailangan pang ipaalam sa iyo kung sino ang may-ari. Ninakaw ko lang ito sa loob ng bra ni Mama."

wish i could see your smileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon