5. Her Bruises

692 68 23
                                    

Chapter 5: He Bruises

Landon

Pagkatapos ng 3rd cycle ng Chemotheraphy ko, limang araw akong naka-confine sa Ospital para makapagpahinga at i-monitor ang buong katawan ko. Sa katunayan niyan, itong 3rd cycle ng Chemo ko ay medyo delay na noong huli ako nagpa-chemo, sa kadahilanan na wala pa kaming nakahandang perang pambayad para doon noon. Magpasalamat na lang daw ako kasi walang nangyaring masama sa akin kahit na-delay na iyon.

Bago kami umuwi, katulad ng gawi noon, niresetahan ako ng nurse ko ng gamot para sa side effect ng Chemo na maaari kong maramdaman at ipinaalam sa amin no'ng doktor 'yong mga result ng test na isinagawa sa akin. So far, ayos pa naman ang sarili ko.

Umaga ako na-discharge at umuwi ng bahay. Medyo nanghihina pa ang katawan ko at nahihilo dahil sa tinutukoy nilang side effect. Siguro tatagal pa ito ng one week.

"'Nga pala, Landon. Next month naka-schedule ang 4th cycle ng chemo mo pero kailangan pa rin natin bumalik-balik dahil ipapa-check up ka pa at magkakaroon ka pa rin ng mga test para malaman kung tumatalab sa iyo ang chemo mo," sabi ni Mama habang nasa kuwarto ko. Tinutupi ang mga damit ko.

"'Ma, sakto lang po ba 'yong pambayad? Baka kapusin tayo sa susunod."

"Hindi mo kailangan problemahin iyon, anak. Kami na ng bahala doon."

"Salamat po."

"Ilan Chemo na lang, gagaling ka na. Bubuti na ang katawan mo. Sana nagtuloy-tuloy na."

Tumango't ngumiti lang ako sa kanya.

"Sige, magluluto pa 'ko sa baba." Naglakad na ito palabas ng kuwarto.

Napalingon ako kaliwang bahagi ko, saktong nandoon ang salamin kung saan kita ang mukha ko. Mapait akong ngumiti habang tinitingnan ang sarili. Iba na ulit ang hitsura ko. Marahan kong sinuklaan ang buhok ko gamit ang mga daliri, napasimangot ako dahil unti-unti itong nalalagas katulad noon. Babalik na naman ako sa pangit kong hitsura.

"'Tol! Guwapo ka pa rin. Buhok lang iyan, maliit na bagay. Tutubo rin iyan." Hindi ko napansin nandito na pala si Kuya Cody sa kuwarto namin. Nahuli niya akong hawak ang buhok ko. Inihagis nito ang sarili niya sa kama. "Huwag kang mag-alala. Kahit ganyan na ang hitsura mo, magugustuhan ka pa rin ni Zara," dagdag pa niya.

"Gag*," natatawa kong sabi. Isinuot ko ang kulay dilaw kong beanie at tumayo mula sa pagkakahiga.

Kailangan kong pumuntang Hanging Bridge ngayon. Ilan araw ko rin siyang hindi nakikita't nakakausap. Ilan araw ko rin tiniis na hindi siya makasama, kating-kati na ako para makita siya ulit. Siya lagi ang laman ng isip ko habang nasa Hospital ako, inaalala kung kumusta na ba siya.

"Saan ka pupunta?"

"Kanino pa ba?" natatawa kong sambit. Ngumiti lang siya ng nakakaasar sa akin. Alam kong alam niya kung sino ang tinutukoy ko Agad na akong naglakad paalis.

-

Mabuti na lang at pinayagan ako ni Mama na umalis ulit mag-isa. Ngunit, kinailangan kong magdala ng shoulder bag, kung saan nadoon ang mga gamot at tubig ko kung sakaling may mangyaring hindi maganda sa akin. At para inumin 'yong gamot ko na pang-7:30 AM. Hindi ko masisisi kung bakit ganiyan si Mama, pinprotektahan niya lang ako.

Nang pagkarating ko, agad ko siyang nakitang nakaupo. Nakatulala at wari ko'y malalim ang iniisip nito. Nagtago muna ako sa likod ng puno dahil may naisip akong kalokohan.

"Psst," tawag ko sa kanya pero hindi siya natinag dahil diretso pa rin ang tingin nito sa kawalan. Maging sa pangalawa at pangatlong beses kong pagtawag, wala pa rin siyang kibo. "Zara," may kasamang hangin kong pagtawag sa kanya para magmukhang nakakatakot, ngunit bigo pa rin ako.

Napakunot ako ng noo kaya napagdesisyunan ko nang lapitan siya. Umupo ako sa tabi niya pero hindi niya pa rin napapansin ang presensiya ko, deretso pa rin ang tingin nito. Sa isang iglap, bigla akong binalot ng kaba at pagtataka.

"Zara!" Siniko ko siya.

"B-bakit?" matamlay niyang pagkakasabi pero may kasamang gulat. "'And'yan ka na pala." Tumalikod ito sa akin na ipinagtaka ko naman.

"Hindi mo ba ako na-miss?" pabiro kong pagkakatanong pero lumipas ang ilan sandali, hindi siya tumawa o umimik manlang. "Zara, ayos ka lang ba? Bakit ka nakatalikod sa akin?"

Alam kong medyo iba ang histura ko ngayon, pero hindi naman niya kailangan talikuran ako. Ako pa rin naman si Landon. Iyon ba 'yong rason kung bakit ayaw niyang humarap sa akin? Ayaw niya akong makitang pumapangit na?

Hinawakan ko ang kanan balikat nito. "Huy, harap ka naman sa akin, oh. Anong problema?"

Hindi niya ulit ako pinansin pero rinig kong humihikbi ito. "Umiiyak ka ba?" nag-aalala kong tanong.

Dahil nagmamatigas talaga siya na ayaw humarap sa akin, ako na ang gumawa ng paraan para makita siya. Tumayo ako at umupo sa kung saan siya nakaharap. Akala ko, makikita ko na ang kabuuan ng mukha nito pero nadismaya naman ako nang bigla itong yumuko at niyakap ang dalawang binti. Napakamot ako ng sintido. "Bakit ba, ayaw mong humarap sa akin? May problema ba? Limang araw kitang hindi nakita, tapos ngayon ayaw mong magpakita."

Marahan kong hinaplos ang buhok nito. "Bakit ka naiyak? Zara, limang araw lang ako nawala, naging ganyan ka na. Masyado mo naman dinamdam 'yong pag-alis ko. Nandito na ako, Zara. Miss mo lang ako, eh."

Hindi pa rin siya kumikibo at patuloy pa rin sa paghikbi. Hindi ko na talaga ito matiis kaya hinawakan ko ang ulo nito at dahan-dahan inangat. Pagka-angat ko, agad akong natigilan nang makita ko ang hitsura niya. Pakiramdam ko, pati buong kalamnan at paligid ko ay tumigil din. Napalunok ako ng laway. Kaya pala hindi siya matigil-tigil sa pag-iyak. Pulang-pula ang mga mata nito, bumalik na naman ang malaki niyang pasa sa gilid ng labi at may isang guhit ng sugat sa magkabilang pisngi. Bugbog na bugbog ang mukha nito. Halos nag-iba ang mukha nito mula no'ng huli ko siyang nakita. Hindi ko inaakalang makikita ko siya ng ganito.

Sandaling namayani ang katahimikan at hindi pa rin maalis-alis ang mga mata ko sa mukha niya. Ramdam kong nangingig na ang ibaba kong labi dahil sa pagkabahala.

"S-Sino may gawa.. niyan s-sa iyo?" nauutal kong tanong dahil sa gulat. Tila, lahat ng lakas ko, nawala dahil sa kanya. Hindi pa rin matigil-tigil ang pag-agos ng mga luha niya habang deretso ang tingin sa akin. "Sino bumugbog sa iyo? Anong nangyari? Bakit ka naging ganyan?"

Hindi niya sinagot ang tanong ko, bagkus binanggit niya ang pangalan ko.".. Landon." Agad ko na siyang niyakap. Sa isang sandali, ramdam kong nababasa na ang damit ko dahil sa luha niya. Sa bawat paghikbi niya, ramdam ko 'yong akibat na sakit.

Nakatulala lang ako habang hinahagod ang likod nito, hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko. Limang araw lang akong nawala, naging ganito na agad ang hitsura niya. Hindi puwede ito, hindi ako papayag. Ayaw kong nakikitang nagkakaganito siya. Ito 'yong pangalawang beses na nakitaan ko siya ng pasa pero hindi ko inaakalang mas grabe na ito. Hindi ko tuloy ma-imagine kung anong nangyayari sa kanya habang wala ako. Hindi ko ma-imagine kung gaano kasakit niya tinatanggap ang mga pasa't sugat niya.

------

wish i could see your smileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon