45. Very Shocked

337 19 2
                                    

Chapter 45: Very Shocked

Landon

"Z-Zara?" ayan agad ang unang salitang lumabas sa bibig ko nang pagkamulat ko ng mga mata. Gaya ng inaasahan, nasa loob na ulit ako ng Hospital dahil sa histura ng kuwarto na unang tumambad sa akin. Hindi pa ako nakakapagpalit ng damit ngunit may nakakabit na sa akin na dextrose. Ganoon pa man, may bahid pa rin ng suka at dugo ang aking suot, medyo tuyo na nga lang ang mga ito. Napapangiwi na lamang ako dahil sa naiwang amoy nito, hindi kaakit-akit. Samantalang ang aking mukha naman ay malinis na. Siguro napunasan na nila.

Nasa tabihan ko si Zara, nakaupo ito sa isang maliit na silya habang nakasubsob naman ang ulo nito sa higaan ko. Halatang nakatulog na siya sa kahihintay kung kailan ako magkakaroon ng malay. Nakita kong hawak niya pala ang kaliwang kamay ko kung nasaan nakakabit ang dextrose sa akin, napangiti ako sa sarili ko at hindi mapigilan para kiligin doon. Naisipan kong huwag na lang iyon bitawan, sa halip mas lalo ko pa itong hinigpitan.

Pansin kong wala pala siyang kasama sa pagbabantay sa akin at mukhang gabi na ngayon dahil sa madilim na paligid mula sa labas ng bintana.

Pinilit kong abutin ang maikli niyang buhok gamit ang kanang kamay ko para himas-himasin ito. Maya-maya, pansin kong gumalaw siya dahilan para itunghay na niya ang kaniyang ulo. Nagising ko na pala siya.

Nagtama ang mga mata namin pagkatapos niyang humikab. Ningitian ko siya na para bang walang nangyaring hindi maganda.

"Hi."

Napaawang ang bibig niya. "Gising ka na?" hindi makapaniwala niyang tanong.

Napanguso ako. "Hindi pa. Tulog pa rin ako."

"Weh?"

"Luh. Ano bang nangyayari sa iyo? Malamang gising na ak—" Natigilan ako nang bigla niya akong dambahan ng isang yakap.

Nanigas ako bigla.

Natagalan ako nang ilang sandali bago suklian iyon dala ng gulat. Nag-aalinlangan pa ako kung tama bang ipulupot ko rin ang mga braso ko sa kaniya pero wala na rin akong nagawa, kun'di pagbigyan siya. Alam kong hindi iyon ang unang beses na niyakap ko siya pero nandito pa rin sa akin ang hiya.

Sandali kaming nanatili sa ganoong posisyon hanggang marinig ko ang kaniyang paghikbi.

"Umiiyak ka ba?" nag-aalala kong tanong.

Hindi niya sinagot ang tanong ko, sa halip ay dahan-dahan siyang humiwalay sa akin at muling umupo sa silya. Hindi siya tumitingin sa akin nang diretso dahil abala siya sa pagpupunas ng luha niya gamit ang kaniyang mga kamay. Tama ang hinala kong umiiyak nga siya.

"Huy, ano ba? Ba't ka naiyak?" ulit ko sa tanong ko.

"Tinakot mo ako. Ikaw kasi, sinabi ko sa iyong bawal iyon sa iyo pero pasaway ka talaga."

Bahagya akong natawa.

"Huwag kang tumawa. Walang nakakatawa. Naiinis ako sa iyo. Alam mo naman na namatay si Lola dahil sa akin at ayaw ko rin dumating sa puntong pati ikaw, mamatay rin dahil sa akin. Hindi ko kakayanin 'yon, Landon. Pinag-alala mo ako nang sobra. Akala ko, katapusan mo na. Sorry kung iyon ang iniisip ko pero hindi ako handa sa biglang atake ng sakit mo. Nakakaawa rin kasi 'yong hitsura mo. Inom-inom ka pa kasi ng beer diyan, eh. Ang kulit mo. Kung nakikita mo lang na sobra mo akong pinapatay sa pag-aalala habang wala ka nang malay. Tarantang-taranta na ako. Hindi ko malaman gagawin ko."

Napayuko ako ng ulo dahil sa pagsisisi.

"Sorry." Hinawakan ko ang kamay niya "Pangako, hindi na mauulit iyon."

"Kapag sinabi ko kasing bawal, bawal. Huwag ka nang mapilit at makulit!"

Tumingin ako sa kaniya at dalawang beses ko siyang matipid na tinanguan habang may maliit na ngiti sa aking mukha; 'yong hindi labas ang mga ngipin.

wish i could see your smileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon