34. Zara's Promise

413 31 1
                                    

Chapter 34: Zara's Promise

Landon

Habang lumalalim ang gabi, kasunod naman niyon ay ang paglamig ng simoy ng hangin. Kaya imbes na tumambay muli sa Hanging Bridge, napagdesisyunan na lang namin ni Zara na umupo sa loob ng tent habang nakaharap sa campfire. Sinadya namin buksan ang siper ng tent para madampian manlang nang kaunting init ang mga balat namin.

"Sayang, bakit hindi mo dinala 'yong gitara mo?" tanong sa akin ni Zara habang ngumunguya ng sitsirya na kabubukas niya lang. "Wala tuloy tayong ibang magawa. Kun'di, kuwentuhan lang."

"Nakalimutan ko kasi. Sorry."

Sandali kaming natahimik pareho at tanging pagnguya niya lang ang naririnig namin.

"Gusto mo?" pag-aalok niya sa akin ng sitsiryang hawak niya.

Marahan akong umiling. "Hindi. Bawal ako niyan, eh. Okay na ako rito sa pakwan."

"Ay, ganoon ba? Pero nakainom ka na ba ng gamot mo?"

"Oo. Kanina pa."

"Mabuti naman. Baka mamaya, mahimatay ka diyan bigla. Lagot ako sa Mama mo."

"Hindi iyon mangyayari," natatawa kong komento. "Saglit, lalagyan ko lang ng check sa bucket list ko itong nangyayari ngayon." Kinuha ko 'yong bag ko na kung nasaan 'yong mga gamot ko at 'yong nag-iisang notebook kong dala.

"Lalagyan mo na agad? Hindi pa nga natatapos itong gabi, eh."

"Ganoon na rin naman 'yong gagawin ko. Saka, bawal bang maging excited lang dahil sa wakas, may nagawa na ulit akong isa sa mga gusto kong gawin? At excited na rin talaga akong mapuno pa na ito ng maraming-maraming check," nakangiting sambit ko pero hindi ako nakatingin sa kanya dahil abala ako paglalagay ng check sa bucket list ko.

Siyempre, tinatakpan ko 'yong bucket list ko gwmit ang kamay ko dahil ayaw kong baka masilip ni Zara 'yong mga nakasulat dito.

"Mabuti pa iyan dinala mo pero 'yong gitara mo, hindi. Ba't parang kasing atat na atat kang gawin agad lahat ng mga nandiyan?"

Isinarado ko muna 'yong notebook ko bago sinagot 'yong tanong niya. "Ganito kasi iyan, ayun kasi 'yong ipinangako ko kay Yala. Dapat, marami ng madadagdag na check dito kapag ipapakita ko na ito ulit sa kanya. Maliban din diyan, nainggit din ako sa kanya. No'ng ipinakita niya kasi sa akin 'yong bucket list niya, halos lahat ay may mga check na. Kumpara sa akin na bilang pa lang sa daliri. Saka, ayos na rin iyon. Ang mahalaga, magawa ko na ngayon 'yong mga gusto kong gawin bago pa mahuli ang lahat."

"E di, ibig sabihin, ipinakita mo na iyan sa kanya? Totoo? Pero bakit sa akin, ayaw mo? Ang daya naman!"

Muling kumurba ang ngisi sa akin labi habang nang-aasar naman ang mga tingin ko sa kanya. "Sus, nagseselos ka naman."

"Ewan ko sa iyo." Idineretso niya ang tingin niya sa campfire at muling ngumuya ng sitsirya.

"Aminin mo na nga kasi. Halatang-halata naman sa mukha mo, eh."

"Ano nga? Bakit ba ayaw mong ipakita sa akin iyan?" Pag-iiba niya ng usapan.

Nagkibit-balikat ako. "Nahihiya nga ako sa iyo."

"Huh? Bakit?"

"Wala lang. Trip ko lang."

"Trip mo lang mahiya sa akin? Ganoon ba iyon?"

"Oo."

"Baliw," sambit niya.

Bahagya akong natawa. "Basta. Hindi puwede sa iyo," sambit ko. "Teka? Gusto mo, 'pag magpapa-check-up ulit ako sa Hospital, isama kita at dalawin natin si Yala doon para maipakilala kita sa kanya? Gusto ka kasi niyang makilala, eh. Puwede ba iyon?"

wish i could see your smileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon