31. Truth

430 30 1
                                    

Chapter 31: Truth

Landon

Pagkatapos kong sabihin 'yong mga salitang dapat matagal ko nang ginawa, ramdam kong napatigil siya sa paglalakad at dahan-dahan siyang napalingon sa akin. Hindi ko muna siya pinansin dahil abala ako sa todong pagpupunas sa mga pisngi ko para pigilan umagos ang mga luha ko. Peste, bakit kailangan kong maging mahina pagdating sa kanya?

"Anong sabi mo? Cancer?" halos pabulong na tugon ni Zara sa akin ngunit sapat na upang marinig ko. Natigilan ako sa pagpupunas at dahan-dahan kong inangat ang ulo ko para tingnan siya nang diretso. Wala akong pakialam kung makita man niya akong luhaan. "Adik ka ba? Anong cancer?"

"Acute Myloid Leukemia."

"Landon. Totoo ba talaga iyan? Hindi mo ako jino-joke ngayon?"

Marahan akong tumango. Natanaw kong may isang patak na luhang tumulo sa kanang mata niya.

"E di, seryosong tuluyan mo nga akong iiwan?!"

"Ha? Anong sinasabi mo?" Napalunok ako ng laway. Bahagya akong humakbang nang isa palapit sa kanya. Sa hitsura ng mukha niya, agad kong natagpuan kung ano ang tinutukoy niya. Napailing ako ng ulo. "Siyempre, hindi. Hindi ako mamamatay agad. Huwag mo namang isipin iyan."

"Kaso cancer iyan, eh. Malalang sakit."

"Pero nagagamot naman!"

"Pero maraming hindi gumagaling diyan."

"Pero hindi ako mapapasama sa maraming iyon."

"Paano ka nakakasigurado?"

"Kasi hindi ako magpapatalo. At paano ka rin nakakasigurado na mamatay na ako? Gusto mo bang mangyari iyon?" Huminga ako nang malalim. Ramdam kong simikip ang dibdib ko. "Kahit dumating man ako sa puntong hindi ko na kaya, kakayanin ko pa rin. Kaya sana manlang, huwag mong isipin iyon."

Sandaling natahimik kaming dalawa pero nanatiling magkakonekta ang mga mata namin sa isa't isa at pareho kaming mga parang tang* na lumuluha pa rin.

"Kailan pa iyang sakit mo?" mahinang tanong niya ss akin.

"Halos isang na taon rin."

"Halos isang taon na pala," pabulong niyang ulit sa sinabi ko. Pagkatapos, pinunasan niya ang mga pisngi niya gamit ang dalawang palad niya at humugot nang malalim na hininga bago ipinagptuloy ang sasabihin. "Dapat, hindi mo na lang 'to itinago sa akin, 'di ba? Para naman alam ko na agad. Ano bang trip mo? Mas mabigat pala 'yong problema mo kumpara sa akin pero gusto mo pa rin akong tulungan at pasiyahin. Paano mo nagagawa iyon?"

Hindi ako nakasagot.

"Sige na. Sorry sa mga nasabi ko kanina. Uuna na ako."

Tumalikod na ito para umalis. Hindi ko na naisipan para pigilan pa siya dahil alam kong gulat at gulong-gulo pa siya sa mga mabilis na pangyayari. Kahit ako, hindi ko inaakalang ngayon ko na agad nasabi iyon. Pero ayos na rin, mas mabuting malaman na niya ngayon para hindi na ako mahirapan itago pa itong sikretong ito sa kanya.

-

Kinahapunan, laking gulat ko na lamang nang biglang dumating si Zara sa bahay namin para kumain, suot pa rin niya 'yong hoodie jacket niya. Hindi ko alam kung sinabihan ba siya nila Mama o kusa lang talaga siyang pumunta rito mag-isa. Siyempre, masaya sila Mama nang makita nila ito at makakasama nila siyang kumain ulit.

Kaso, ang problema nga lang ay ramdam kong pinalilibutan kami pareho ng awkwardness dahil sa mga nangyari kanina. Ewan ko pero hindi ko siya magawang pansinin dahil medyo nahihiya ako at alam kong ganoon din siya sa akin. Nagkakatamaan man ang mga paningin namin pero mabilis din siyang umiiwas.

wish i could see your smileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon