Aayusin Kita
Landon Edward Santos
(Nick_Black02)Nais kong maglakbay
Sa dating ikaw
Hawakan lang ang aking kamay
Ako ang iyong magiging bantayAsaan na ang tunay na ikaw?
Gusto kong makita
Gusto kong maramdaman
Kahit sa isang segundo lamangOhh . . .
Asaan ang ligaya sa iyong mga mata?
Na tila, naging salungatPipilitin kang ayusin
Kahit sinisira ka nila ulit
Huwag matakot
Naniniwala akong kaya kitang baguhin
Kahit anong mangyari
Kahit ako'y mahulog pa
Sa iyoSa mundong puno ng parusa
Sa akin ay dapat ika'y aasa
Sa mundong puno ng dilim
Ako ay nagmimistulang bituwinAsaan na ang tunay na ikaw?
Gusto kong makita
Gusto kong maramdaman
Kahit sa isang sugundo lamangPipilitin kang ayusin
Kahit sinisira ka nila ulit
Huwag matakot
Naniniwala akong kaya kitang baguhin
Kahit anong mangyari
Kahit ako'y mahulog
Sa iyoIlilipad tayo ng eroplanong papel sa himpapawid
Magsasaya tayo na tila'y ito na ang huli nating sandali
Kumapit ka nang maghigpit
Heto na
Malapit na tayo
Nakikita ko na ang liwanag sa iyong mukha
Pero baking ganoon?
Unti-unti ring nawala?Ohh . . .
Paano ko mababago ang mundo?
Paano tatapalan ang sugat na tuloy sa pag-agos?
Mahirap pero hindi ako titigilDahil . . .
Pipilitin kang ayusin
Kahit sinisira ka nila ulit
Huwag matakot
Naniniwala akong kaya kitang baguhin
Kahit anong mangyari
Kahit damdami'y hindi napigilang malaglag
Sa iyoOh . . .
Marami kang halaga rito
Huwag mong kalilimutan iyan
Sirain ka ng mundo,
Nandito naman ako
Para ayusin ko
Ikaw ang uunahin kaysa sa sariliAayusin kita
Simula sa iyong puso
Papunta sa iyong labi
Para makita ang iyong mga ngiti------
Guys! Meron na siyang tono pero hindi ako singer kaya hindi niyo mapakikinggan iyon. Hahaha. Comment naman po kayo ng reaction sa kantang ginawa ko? Thank u.
BINABASA MO ANG
wish i could see your smile
Teen Fiction"Aayusin ko muna ang sandata ko. Aayusin ko muna ang ngiti mo dahil 'yon ang magiging sandata ko sa laban ko." - Landon Date Started: April 14, 2020 Date Finished: September 14, 2020 [Tagalog] -- A Novel written by Nick_Black02 Book Cover: Credits t...