30. Is This The Right Time To Admit?

425 27 9
                                    

Chapter 30: Is This The Right Time To Admit?

Landon

Pagkarating na pagkarating namin sa tapat ng bahay namin, pagkababa ko pa lamang sa sasakyan at unang apak ko pa lamang sa kalsada ay walang pasabi kila na Mama na dumaretso na agad ako sa bahay ni Zara imbes sa bahay muna namin. Alam naman nila 'yong rason kung bakit doon ako unang pumunta kaya hindi na nila ako pinigilan pa.

"Tao po. Zara!" masigla kong tawag sa pangalan niya at sunod-sunod na pagkatok sa pintuan ang ginawa ko. Hindi mabura-bura ang malawak na ngiti sa aking labi dala ng pagkasabik na makita siya ulit.

"Zara! Nandito na ako! Miss mo ba ako?" tawag ko ulit sapagpat walang tumutugon sa una kong tawag. "Ay. Oo nga pala," sabi ko sa sarili ko nang bigla akong may naalala. Napasimangot ako at napakamot ng ulo.

Hapon nga pala ngayon at ngayon 'yong mga oras kung kailan nagtatrabaho si Zara sa Mall, kaya kahit anong tawag ko sa pangalan niya, siguradong walang mangyayari kasi wala naman siya diyan sa loob.

Suot-suot ang nakasimangot na mukha nang napadesisyunan kong umuwi na lang sa bahay namin. Kailangan kong maghintay ng mga ilang oras hanggang mag-10 PM para tuluyan ko na siyang makita. Nakakadismaya man pero wala akong magagawa. Nakakainis.

"Oh, ba't nandito ka na agad?" tanong sa akin ni Mama nang makita niya akong pumasok sa loob ng bahay namin.

"Naalala ko pong hapon pala ngayon, baka nasa trabaho pa po siya," malumanay kong sagot at umupo na lang sa sopa.

"Ay, ganoon ba? Sayang naman."

Saktong napatingin ako kay Tito Ferdy nang makita ko itong bumaba ng hagdan, nakatingin ito sa akin at wari ko'y narinig niya ang sinabi ko. "Baka lang naman, 'di ba? Noong binibisita ko kasi siya rito, ang sabi niya sa akin, madalas siyang tumamabay sa Hanging Bridge nang mga ganitong oras kapag rest day niya. Malay mo nandoon siya ngayon dahil wala pala siyang trabaho at kaya wala rin siya sa bahay niya. I-check mo muna."

Napatango ako ng ulo.

"Sige na, Landon. Baka nandoon nga 'yong hinahanap mo, pumunta ka na," sambit naman ni Mama.

"Paano po 'pag wala?"

"E di, wala. Hintayin mo siya hanggang mamayang gabi. Poblema ba iyon?" natatawang sagot ni Tito Ferdy.

"Inip na inip na ako, Tito. Ayaw ko nang maghintay. Mas mabuting pumunta na lang ako doon para makasigurado. Sige na po." Agad na akong tumayo at naglakad palabas ng bahay.

-

Hindi ko alam kung bakit pero pinaghalong kaba at pagkasabik ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung para saan 'yong kaba pero siya 'yong mas namumutawi ngayon kaysa sa pagkasabik ko. Naisipan kong magbisikleta na lang papunta doon para mas madali akong makarating at para mas madali rin akong makauwi kapag wala naman siya doon.

Hindi pa ako tuluyang nakakarating sa Hanging Bridge pero napakunot ako ng noo at napatigil nang may matanaw akong babae sa hindi kalayuan. Naglalakad ito pabalik kaya pasalubong ang direksyon naming dal'wa. Nakatungo ang ulo nito at nakasilid ang mga kamay niya sa mga bulsa ng suot niyang dilaw na jacket habang ang hoodie naman no'n ay nasaklob sa ulo niya. Sa hubog ng katawan niya, sa maikling puting short at sa dilaw na hoodie jacket na suot niya, mabilis kong nakilala na si Zara ito kahit hindi ko manlang maaninag ang mukha niya.

Nagsimulang kumabog nang matindi ang dibdib ko. Nag-ipon muna ako ng hangin para bumuntong-hininga bago nakangiting muling nagpidal ng bisikleta palapit sa kanya. Alam kong hindi niya pa ako napapansin dahil tila, parang naglalakad siya sa kawalan o wala sa sarili.

wish i could see your smileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon