4. Who Is Zara Guerrero?

806 77 32
                                    

Chapter 4: Who Is Zara Guerrero?

Landon

Umagahan, napagdesisyunan kong tumambay sa Hanging Bridge para libangin muna ang sarili sa pamamagitan ng pag-gigitara. Katulad ng naisip ko noong pumunta ako rito, perfect 'yong surroundings na ganito. Tahimik lang, para mas ma-feel ko 'yong pagtugtog.

Mag-isa lang akong pumunta rito, sa katunayan niyan, ginamit ko 'yong advantage na wala sina Mama't Tito sa bahay ngayon dahil kasalukuyan silang may inaasikaso para makuha 'yong pera na pinagbentahan ng bahay. Kapag kay Mama kasi ako nagpaalam, siguradong ibabantayan niya ulit ako kay Kuya Cody. Mabuti na lang, pinayagan ako ni Kuya na pumunta rito nang mag-isa. Mag-ingat lang daw ako.

Sa gilid ng tulay ako pumuwesto dahil medyo delikado kapag sa gitna, halata na kasi ang pagiging marupok ng mga kahoy na nagsisilbing apakan doon.

Sinimulan ko nang pasadahan ng daliri ang kuwerdasan ng gitara at ipinikit ang aking mga mata. Dinadama ang bawat tunog na nagmumula rito. Nagsimula na akong kumanta ng paborito kong awitin; With A Smile ng Eraserheads. "... Lift your head, baby, don't be scared... Of the things that could go wrong along the way. You'll get by with a smile. You can't win at everything but you can try ..."

"Sabi na nga ba, ikaw iyon." Agad kong iminulat ang mga mata ko dahil sa narinig kong boses. Nagulat ako nang makita ko si Zara na nakatayo sa gilid ko. "Hi," walang sigla na pagbati niya sa akin at umupo sa tabihan ko.

Medyo nahiya ako dahil narinig niya ang mala-Daniel Padilla kong boses. Isinawalang bahala ko na lang ang hiya ko dahil mas nagtataka ako sa sinabi niya.

"Good Morning!" nakangiti kong bati . Tumingin siya sa akin, 'yong mga mata niya ay katulad pa rin kagabi. Wala pa rin ningning at saya. Siguro, inaantok pa siya.

"Good Morning din," matamlay niyang pagkakabati. Inalis na niya ang tingin niya sa akin at itinutok sa harapan niya. "Ang ganda pala ng boses mo."

Bahagya akong napatawa dahil sa hiya pero nakuha ko pa rin magmayabang nang pabiro. "Kaya nga, eh. Totoo iyon. Marami nang nagsasabing maganda talaga ang boses ko."

Saka, ayaw ko ring magpaka-humble. Kung talagang nagandahan siya sa boses ko. Aba, kailangan kong pagsang-ayunan iyon.

Nadismaya ako nang hindi manlang ito tumawa kahit ngiti na maliit, wala. Dahil sa dismaya, itinigil ko na rin ang pagtawa ko. Awkward. "Landon, hindi mo ba ako natatandaan?"

Kumunot ang noo ko. "Huh?"

Huminga siya nang malalim at pansin kong ipinasok niya ang kamay niya sa loob ng bulsa niya, may kung ano siyang inilabas siya rito. "'Di ba, sa iyo ito?"

Nagulat ako nang makita kong hawak niya 'yong panyo na ibinigay ko sa babaeng niyakap ko no'ng sa Mall. Kinuha ko iyon at tiningnan, hindi ako nagkamali ng hinala dahil akin talaga ito.

"Paano napunta ito sa iyo?" nagtataka kong tanong. "I-Ikaw iyon?"

Nagulat ako dahil sa naisip ko. Posibleng bang tama 'yong hinihinila ko? Tinakpan ko ang bibig nito gamit ang palad ko. May suot siyang mask noon kaya kalahati lang ng mukha nito nakikita ko.

Kaya pala no'ng una ko siyang nakita rito sa Hanging Bridge, pansin kong kapareho niya 'yong mga mata nito. Nakasuot siya ng dilaw ngayon at nakasuot din siya ng kaparehong kulay noon. Naiintindihan ko na, kaya pala may suot siyang mask noon dahil may pasa siya.

Panandalian akong natigilan dahil sa gulat. Huwaw, nice. Small World.

"Ako nga iyon, Landon." Tumingin ito sa ibang direksyon. "Ako 'yong babaeng niyakap mo. 'Yong babaeng may suot na karatula sa Mall. 'Yong babaeng nakadilaw na damit. 'Yong babaeng pagod nang lumaban. 'Yong babaeng pinapanalangin na mamatay na. 'Yong babaeng kaunti na lang, susuko na. 'Yong babaeng sinalo na lahat ng malas. 'Yong babaeng wala nang direksyon ang buhay. 'Yong babaeng pakiramdam niya, mag-isa na siya. 'Yong babaeng pakiramdam niya palagi siyang mali. 'Yong babaeng walang nagmamahal sa kanya," seryoso niyang pagkakasabi pero nakita kong tumulo mula sa mga mata nito ang luha niya.

wish i could see your smileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon