51. Please, Listen To Me!

509 22 10
                                    

Chapter 51: Please, Listen To Me!

Landon

Mariin akong napapikit at kasabay niyon, mas bumilis pang dumaloy ang aking mga luha sa aking mukha. Dahan-dahan kong ikinuyom ang aking mga kamao at pagkatapos, nilabanan ko ang nangangatog kong mga tuhod para makayanang tumayo.

"Kasalanan mo 'to!" walang galang kong bulyaw sa babaeng kasama ko ngayon sa loob ng silid. Matatalim na tingin ang ibinibigay ko sa kaniya.

Tulad ko, nakatulala rin siya sa mga dugo na nakakalat sa banyo ni Zara at hindi magawang makapagsalita dala ng gulat ngunit napapitlag siya nang bigla ko siyang pinagtaasan ng boses. Dahan-dahan siyang napaupo sa tabihan ng kama at napayuko ng ulo, umiling-iling ito habang nakasapo sa kaniyang noo.

"Hindi puwede 'to . . . " bulong niya sa kaniyang sarili subalit malinaw ko pa rin itong narinig.

Dinuro ko siya gamit ang isa kong daliri. Umaapaw ang puso ko sa galit. "Niminsan hindi ko pa sinusubukang hindi gumalang sa mga matatanda pero ito, hindi ko 'to palalampasin. Kapag nalaman kong may nangyaring hindi maganda kay Zara, kulungan na talaga ang babagsakan mo!"

Hindi siya tumugon at nanatili lang siyang nakayuko ang ulo. Hindi na siya nakipagtalo kagaya kanina. Tila, ramdam kong nawawala na siya sa kaniyang sarili. Sa isang iglap, 'yong mataray na ekspresyon sa kaniyang mukha, mabilis na napalitan ng gulat at kaba. 'Yong nakakatakot na awra niya, unti-unting tumatakas sa katawan niya.

Humakbang agad ako para puntahan sa alam kong posibleng lugar kung nasaan man si Zara ngayon pero bago ko muna lagpasan ang nanay niya, muli ko siyang tiningnan at pinangliitan ng mga mata.

Bahagya ko munang pinunasan ang luha ko sa kanang mata ko gamit ang likuran ng palad.

"Alam kong magalang akong tao at hindi ako palamura. Pero ikaw, nararapat kang sabihang putang*na niyo po."

-

Halos maubusan na ako ng lakas habang matulin na tumatakbo papunta sa Hanging Bridge. Tagaktak na ang aking pawis sa buong katawan at hindi na alintana ang matinding pagod. Tila, ang walang awat kong mga luha ay nakikisabay na rin sa pag-agos ng aking pawis at 'yong iba, lumilipad na sa hangin. Kauuwi ko pa lang galing sa Hospital at hindi pa ako maiiging nakakapagpahinga. Alam ko na mabilis akong mapagod at madaling manghina ang buong katawan ko dahil sa sakit ko, ramdam na ramdam kong umaatake na iyon sa akin ngayon. Umiikot na ang aking paningin at kinakapos na ako sa bawat paghingang ibinubuga ko pero hindi ko ito hahayaan na maging hadlang upang mailigtas ko si Zara.

Kailangan niya ako. Malakas ang kutob kong nasa kapahamakan na naman ang kaniyang pag-iisip. Ibidensiya na 'yong iniwan niyang bakas sa kaniyang banyo kanina, nakakalat kasi rito ang maraming dugo sa sahig at sa lababo. Duda kong naglaslas na naman siya ng pulsuhan at malakas ang kutob kong hindi lang iyon ang ginawa niya dahil sa dami ng dugo, baka hiniwa rin niya iba pang parte ng katawan niya. Nalaman kong sa likuran siya ng bahay dumaan para tumakas dahil pansin kong nakabukas ang pintuan roon. Halata rin na hindi alam ng nanay niya na umalis siya.

Nasa kalagitnaan ako ng pagtakbo nang sumigaw ako nang malakas para mapawi ang kapaguran. Sandali akong tumigil para habulin ang hininga ko, hinawakan ko ang magkabilang tuhod ko para mag-ipon ng kaunting lakas at pagkatapos niyon, muli akong nagpatuloy.

Halos matalapid na ako at madapa. Pero hindi ko na pinagtutuunan ng pansin ang mga gasgas sa aking tuhod at paa. Umiinda man ang kirot niyon, wala akong pake.

Habang papalapit pa lamang ako sa tulay, nakahinga ako nang maluwag nang matanaw ko siyang nakatayo roon. Sigurado akong siya iyon dahil sa kaniyang hitsura at sa hugis ng kaniyang katawan. Tanging kuliglig lamang ang ingay na namumutawi sa kapaligiran at liwanag lang ng buwan ang pumapawi sa kadilim.

wish i could see your smileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon