11. You Are Blushing

553 48 20
                                    

Chapter 11: You Are Blushing

Landon

Pagkatapos akong gupitan ni Kuya, agad na akong pumuntang Hanging Bridge para makita si Zara. Napangiti ako nang maabutan kong nagsusulat siya sa notebook na ibinigay ko sa kanya. Nilapitan ko siya sa bandang likuran niya at himala dahil hindi niya manlang naramdaman ang presensiya ko, abalang-abala sa pagsusulat.

Alam kong magagalit siya kapag tiningnan ko ang sinusulat niya pero hindi ko mapigilan ang sarili sa pagiging interesado kong malaman, bahagya akong sumilip-silip sa notebook niya. Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko ang pangalan ko. Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko gamit ang aking mga kamay pero malinaw na malinaw na nakasulat talaga ang pangalan ko. Kumurba ang nakakalokong ngiti sa aking labi. Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa tabi ng tainga niya. "Bakit nakasulat d'yan ang pangalan ko?"

Napapitlag ito at napatigil sa pagsusulat. Agad niyang isinarado ang notebook at niyakap ito. Napatayo siya at gulat na gulat na tumingin sa akin. Halos lumuwa na ang mga mata nito nang makita niya ako. "K-Kanina ka pa ba nand'yan?" nauutal niyang tanong.

Nakangiti akong umiling. "Hindi naman, kaya huwag kang mag-alala. Pangalan ko lang ang nabasa ko."

Napasapo siya ng noo at maginhawang huminga. "Totoo? Hindi mo ako niloloko?"

"Oo nga. Ba't ba, nababalisa ka? Ano bang isinusulat mo tungkol sa akin?" Hanggang ngayon, hindi maalis-alis ang pilyo kong ngiti.

"B-basta. Secret iyon. P-private. Akin na lang iyon." Nagsimulang pagpawisan ang noo nito, halatang kabang-kaba siya.

"Patingin nga." Humakbang ako palapit sa kanya pero humakbang din siya patalikod.

"Ayaw ko nga!" Mahigpit niyang niyakap ang notebook niya.

Mas lalong lumawak ang ngiti ko. "Sus, crush mo ako, 'no? Kaya nakasulat name ko d'yan."

Nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya at napalitan ng nakakadiring tingin sa akin. Ewan ko pero ang cute niyang tingnan, lalo na't namumula ang malalaki niyang pisngi. "Hindi, ah. Assumero. Ang kapal ng mukha mo."

Bahagya akong natawa. "Sigurado ka? Hindi ako naniniwala," natatawa kong sabi. "Pabasa nga ako ng sinusulat mo para maniwala akong hindi mo talaga ako crush."

"Bawal nga!"

"Zara, alam kong talented ako, katulad ng sabi mo at aminado akong guwapo ako. Hindi na ako magtataka na nagustuhan mo ako."

Mas lalong kumunot ang noo nito. "Ang yabang mo, alam mo 'yon? Hindi kita gusto." Binato niya ako ng ballpen at tumama iyon sa balikat ko, sasaluhin ko sana ito pero hindi ko nagawa kaya tuluyan itong nalaglag sa tulay.

"Weh? Hindi nga? Peks man? Mamatay man? Mamatay man mga mahal mo sa buhay? Bawal magsinungaling. Pinapanood ka ni Papa God."

"Mamatay ka man."

Sandali akong napasimangot pero natawa rin ako agad. "Aray. Ang harsh no'n." Napahawak ako sa dibdib ko na kunwaring nasaktan.

"Tsk."

"Pero bakit namumula ka?" puna ko sa namumula nitong mukha. Patuloy lang ako sa pang-aasar. Napaawang ang bibig niya at napahawak sa dalawa niyang pisngi.

"Hindi nga?"

"Oo nga."

Umayos siya nang pagkakatayo at diretsong tumingin sa akin. "Okay, fine. Gusto kita."

Natigilan ako. Uminit ang mukha ko. Pakiramdam ko, lahat ng dugo ko sa katawan ay napunta sa mukha ko. Sigurado akong namumula na ito. Ewan ko pero ang lakas ng tama no'n sa akin.

wish i could see your smileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon