6. Suicidal Thoughts

689 63 51
                                    

Chapter 6: Suicidal Thoughts

Landon

"Shh. Tahan na," sambit ko habang hinahagod pa rin ang likod nito upang pakalmahin. Ilan minuto rin kaming nanatiling magkayakap sa isa't isa. "Huwag ka nang umiyak. Ayaw kong naiyak ka."

"Nakakainis kasi." Napakunot ako nang bigla na itong umimik. Sa wakas, nagsalita na rin siya pero hindi ko maintindihan kung bakit iyon ang sinabi niya.

"Alin ang nakakainis?"

"Bwiset kasi 'yong pinanood kong Titanic. Tragic 'yong ending kasi namatay si Jack. Ayan tuloy, hindi na ako matigil-tigil sa pag-iyak." Agad akong humiwalay ng yakap sa kanya at gulat na tiningnan siya.

"Iyon ang dahilan kung bakit ka naiyak?"

"Oo." Nagpupunas na ito ng luha niya gamit ang panyong ibinigay ko sa kanya noon.

"Totoo?" gulat ko pa rin pagtatanong. Akala ko, naiyak siya dahil sa mga sugat at pasa niya sa mukha. Halos mamugto na ang mga mata niya para lang sa isang movie? Hindi ko in-expect.

"Oo nga."

"Eh, bakit ganyan hitsura mo? Parang nabugbog ka na naman."

"Alin? Itong mga pasa ko?" Tumango ako bilang sagot. Puno pa rin ako ng pagtataka at gulat. Napabuntong-hininga siya. "Tang* ko kasi kanina, nahila ko kasi nang malakas 'yong pinto kaya tumama sa mukha ko. Nakakainis." Ipinako nito ang tingin nito sa ibang direksyon at wari ko'y iniiwasan niyang tumama ang tingin niya sa akin.

Sumeryoso ang mukha ko. "Hindi ako naniniwala. Sabihin mo sa akin 'yong totoo."

"E di, huwag kang maniwala."

Humugot ako nang malalim ng hininga at napakamot ng ulo. Halata naman sa kanya na nagsisinungaling siya. Base sa rason niya, hindi ako nakumbinsido. Dahil lang sa simpleng pinto, halos mabugbog na ang mukha niya? Alam kong meron pang mas malalim na dahilan. Kahit halos dalawang linggo ko na siya nakikila, pakiramdam ko meron siyang mga sikretong itinatago sa akin. At iyon ang misyon ko para sa sarili ko, kailangan kong malaman iyon mga iyon.

Hindi na ako sumabat pa at hinayaan na lang siya. Kung ano man 'yong rason niya, malalaman ko rin naman iyon eventually. Pero sa ngayon, hayaan ko muna siyang itago at magsinungaling sa akin. Ayaw ko muna siyang pilitin, lalo na't katatapos niya lang umiyak.

Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang bottled water ko. Pasalamat na lang siya dahil saktong nagdala ako ng tubig.

"Inom ka, baka nauuhaw ka kakaiyak." Iniabot ko sa kanya 'yong tubig at kinuha naman niya ito. Pagkatapos niyang uminom, nagsimula na naman siyang matulala sa kawalan. Katahimikan na naman ang umalingangaw sa pagitan namin at tanging tunog ng kuliglig ang naririnig namin.

Ilan sandali pa'y nagsalita na ito. "Landon," tawag niya sa pangalan ko. "Naisip mo ba minsan, takasan na lang ang problema?" matamlay niyang pagtatanong.

Napakunot ako ng noo. Napangiti ako at bahagyang tumawa. "Hindi. Kasi kahit ano man gawin mo, hindi mo pa rin matatakasanan iyon."

"Kahit kamatayan na ang nag-iisang solusyon para matakasan iyon?"

"Iyan ka na naman, eh. Kamatayan na naman ang iniisip mo." Napakamot ako ng ulo. "Dahil lang sa problema, magpapakamatay ka? Alam kong depressed ka pero hindi iyon ang nararapat mong gawin. Ang sarap-sarap at ang saya kayang mabuhay."

"Sa iyo oo, masaya. Sa akin kasi kahit kailan, hindi," matigas nitong pagkakasabi. Natigilan ako. Expected ko naman na isasagot niya iyan sa akin dahil sa depression niya pero hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng pagkabahala sa kanya. "Kailan pa naging masayang mabuhay nang mag-isa lang? Kailan pa naging masaya na iniwanan ako ng lahat kasi tingin nila, isa akong malaking disappointment, failure at walang halaga?"

wish i could see your smileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon