Epilogue

906 32 11
                                    

Epilogue

[Play 'Sandali Lang' By Hulyo]

Before You Die

Page 1

Uhmm . . . Hi?

Charot. Ibinigay sa akin ni Landon itong notebook. Ang ganda nga, eh. Kulay dilaw at ang cute ng hitsura. Kaso hindi ko naman alam kung anong ilalagay ko rito sa notebook na ito pero sabi sa akin ni Landon, gawin ko na lang daw na diary. Isulat ko raw lahat ng gusto kong isulat para maibsan kahit papaano 'yong lungkot na nararamdaman ko.

Pero paano? Wala namang nangyayaring kakaiba sa bawat araw ko. Paano ko itong gagawing na diary? Eh, tuwing umaga, ang ginagawa ko lang naman ay pumupuntang Hanging Bridge, kakain ng almusal at tanghalian, maliligo at pagkatapos niyon, aalis na para magtrabaho at uuwi na lang ng gabi para makapagpahinga. Ganiyan lang naman ang ginagawa ko madalas. Maliban sa bugbugin ako ni Mama.

Pero paano kung . . . Ikuwento ko na lang kaya 'yong mga nararamdaman ko no'ng una kaming nagkita ni Landon. Saka, sinabi rin niya sa akin na sinusulatan niya 'yong notebook niya ng mga bad memories at good memories niya. Pero ayaw ko naman gumaya at isulat din 'yong mga masasalimuot na pangyayari at mga mangyayari pa lang sa buhay ko ngayon. Ayaw kong maalala pa iyong mga 'yon kapag nabasa ko ulit itong notebook na 'to balang araw. Saka, wala rin naman akong good memories. Kung mayroon man, iisa lang. 'Yon ay 'yong pag-bobonding palagi namin ni Lola noon, no'ng hindi pa siya pumapanaw. Ayaw ko rin naman gumawa ng bucket list, gaya rin ng sabi ni Landon kasi ang iisang hangarin ko lang naman ay makalipad na sa Canada. Nandoon ang magandang buhay ko. Hindi na ako makapaghintay na makapunta na roon at maipagpatuloy ang pag-aaral kasama si Tita, pati na rin ang pamilya nito.

Pero siguro, okay na 'yong ideya ko na gawaan ko na lang ito ng kuwento naming dalawa ni Landon. Simula sa kung paano kami nagkita hanggang matapos sa huli namin pagkikita kapag nakaalis na ako. Sana sipagin akong magsulat.

-

Page 2

Paano ko ba sisimulan?

No'ng una kasi kami nagkita, naisipan ko lang sundin 'yong sinabi ng mga katrabaho ko sa akin na pumunta raw ako sa harapan ng Mall, at magsabit ng karatula sa leeg na may nakasulat na 'I'm depressed, can I get a hug?' Baka raw kasi makatulong 'yon sa akin kahit papaano. Baka raw maging epektibo sa nararamdaman ko kapag may yumakap sa akin na ibang tao. Lalo na't sa mga oras na iyon, kabubugbog pa lamang sa akin ni Mama. Alam ng mga katrabaho ko ang lahat ng mapapait na nangyayari sa akin at gaya ng pamilya ni Landon, nais din nilang kasuhan si Mama pero ayaw ko. Kasi nga, mahal ko si Mama. Mahal na mahal kahit sakit 'yong isnusukli niya sa akin.

Tanggap lang ako nang tanggap ng sakit. Kawawang Zara.

Ano ba 'yan . . .

Naiiyak tuloy ako. Nakakahiya pa man din dahil katabi ko lang si Landon ngayon dito sa tulay pero mukhang hindi naman niya ako napapansin kasi abala siya sa pagsusulat ng kanta niya. Ayaw kong makita niya akong umiiyak.

So, balik tayo sa istorya, day off ko kasi no'n at no'ng nilapitan ako ni Landon, aaminin ko bumilis 'yong tibok ng puso ko. Oo! First time iyon. Kinabahan ako bigla na ewan. Paano ba naman, ang guwapo niya kasi. Saka, naiilang din ako no'ng tinitigan niya pa muna ako bago niya ako binigyan ng senyales na yakapin siya. Nakasuot nga pala ako ng face mask no'n para takpan 'yong pasa sa gilid ng labi ko at para makasiguradong walang kung sinuman ang makakilala sa akin. No'ng niyakap niya ako, sobrang higpit. Grabe, akala mo'y matagal na kami magkakilala. 'Tapos, 'yong napakabangong amoy ng katawan niya. Hays . . . Ang sarap singhutin.

wish i could see your smileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon