49. She Is Fine Now

398 19 0
                                    

Chapter 49: She Is Fine Now

Landon

Gising na gising pa rin ang diwa ko hanggang abutin na ako sa pagsikat ng araw. Pilitin ko man matulog pero gumugulo naman sa isipan ko si Zara. Hindi pa rin mawala-wala ang pag-aalala ko para sa kaniya. Ganoon talaga, mahirap matulog kapag alam kong may hindi magandang nangyayari kay Zara. Kaya ang naging bunga, magdamag akong tahimik lamang na nakatulala sa labas ng bintana. Hindi ako nagpapanggap na tulog kapag sinisilip ako ni Mama pero hinahayaan niya lang din naman akong gising.

Alas diyes ng gabi, nakaalis sina Tito Ferdy at Kuya Cody para komprontahin ulit ang Mama ni Zara. Ngunit hindi ko maintindihan na hanggang ngayon, hindi pa rin sila nakakabalik. Isa rin ito sa dahilan kung bakit hindi ako makatulog, kailangan ko ng updates mula sa kanila.
Ayaw matahi-tahimik ng buong kaluluwa ko. 

"Tao po." Rinig kong bumukas ang pintuan pero hindi na ako nag-abalang tumingin pa roon. Biglang bumukas ang ilaw. "Heto na po 'yong almusal ni Landon."

"Sige, ilagay mo na lang diyan. Salamat." Sa himig na boses ni Mama, halatang kagigising pa lang niya. 

Narinig ko ang pagsarado muli ng pintuan. 

"Landon? Kain ka na."

Hindi ako tumugon o lumingon manlang kay Mama.

Wala akong ganang kumain at magsalita.

"Six na ng umaga, kailangan mo nang kumain dahil may iinumin ka pang gamot."

Tinaggal ko ng oxygen mask ko. "Ayos lang po ako," sagot ko nang hindi natingin sa kaniya.

"Kahit na. Hindi matutuwa si Zara kapag naggaganyan ka dahil sa kaniya." Hindi ko ulit siya pinansin. "Banyo lang muna ako, saglit."

Pagkatapos niyang magbanyo, rinig kong hinila niya ang overbed table palapit sa akin.

"Dali na, anak. Harap ka sa akin," sambit niya pero hindi ko siya sinunod. "Landon, ano ba? Pinagbigyan na nga kita na hindi matulog buong nagdamag, hindi ka pa kakain ngayon? Hindi pupuwede iyan. Paano ka lalakas niyan kung ganyan ka?"

"Kapag nandito po si Zara."

Rinig kong humugot siya nang malalim na hininga. Pinipili niyang maging kalmado kahit alam kong medyo naiinis na siya sa akin. "Puro ka na lang Zara. Isipin mo muna 'yong sarili mo. Bilis na, kailangan na kitang pakainin."

"Ayaw ko nga po."

"Huwag nang makulit."

Hindi ako sumagot.

Sandaling katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Diretso pa rin ang tingin ko sa kawalan. Kahit anong pilit niya sa akin, wala talaga akong ganang kumain ngayon.

"Kung hindi ka pa nagugutom, sige, mamaya ka muna kumain at kapag na-late kang uminom ng gamot, hindi ko kasalanan kung may mangyaring hindi magan—"

"Ah!" daing ko nang makaramdam ako ng kaunting kirot sa loob ng ulo ko. Agad akong napahawak dito.

"Oh, bakit?" agad na tanong sa akin ni Mama. Nabitawan niya ang hawak niyang kutsarita kaya nalaglag ito sa sahig.

"Ahhhh!" daing ko pa nang mas lalong sumipa pa ang sakit sa ulo ko. Ano bang nangyayari?

"Landon! Huwag kang magbiro. Bakit ba?!" nag-aalang tanong sa akin ni Mama. Nakatayo lamang ito sa gilid ko. Hindi malaman kung ano ang gagawin.

"'Ma, aray ko! 'Ma, ang sakit ng ulo ko! Aray! Ah!" mangiyak-ngiyak kong daing sa kaniya habang madiin na nakahawak sa magkabilang gilid ng ulo ko. Kusa nang tumagas ang mga luha sa aking mukha. Yong malalambot kong binti ay tila nabuhayan dahilan para mapapadyak ako sa higaan ko dahil sa sobrang sakit talaga nito.

wish i could see your smileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon