18. PTSD

534 35 7
                                    

Chapter 18: PTSD

Landon

"Zara Guererro has a Post-Traumatic Stress Disorder o PTSD kung tawagin. Isa siyang Psychiatric Disorder na nabubuo dahil sa mga traumatic event na nararanasan ng isang tao and in her case, the traumatic event she experienced was physical assault. Tulad ng kuwanto niya sa akin, simula no'ng pagkamatay ng lola niya, sunod-sunod na 'yong pananakit sa kanya ng nanay niya kasi siya ang sinisisi sa pagkamatay nito. Sa palagay ko, matagal nang merong PTSD si Zara dahil dumating na sa point na nag-attempt na talaga siyang magpakamatay. And this symtoms may include the flashbacks, memories, nightmares or etc, that can be triggered on her mind. Kapag nag-iisa kasi siya at aksidenteng naalala iyon, doon na mabubuo ulit 'yong trauma niya at doon na ulit siya iiyak. Pero base sa mga ikinuwento niya sa akin, patuloy pa rin daw siyang bininubugbog ng nanay niya kaya habang tumatagal, mas lalong lumalala ang kundisyon niya. Pero sabi niya ulit sa akin, bumubuti rin naman ang pakiramdam niya sa mga sumusunod na araw pero hindi pa rin maaalis doon na may trauma pa rin siya. At iyon ang kailangan nating ayusin," sabi ni Dra. Vedes, isang pyschiatry.

Napalunok ako ng laway at napaawang ang bibig.

Si Tito Ferdy lang 'yong kasama ko para ipatingnan 'yong kalagayan ni Zara ngayong araw. Pero hindi namin kasama si Zara ngayon dito sa loob ng clinic kasi tapos na 'yong psychotheraphy niya kasama si Dra. Vedes kanina. Kasalukuyan na lamang ipinapaliwanag sa amin ni Dra. kung anong klaseng sakit ang mayroon si Zara. Nasa lobby ngayon si Zara at hinihintay kaming lumabas.

"Dahil meron siyang PTSD, hindi maiwasang makakuha rin siya ng ibang mental health problems which is, depression and anxiety at suicidal thoughts and actions. Pakiramdam niya, mag-isa na lang siya at iniwan na siya ng lahat ng taong mahalaga sa kaniya kasi wala raw siyang halaga-sabi niya. Pakiramdam niya rin, napag-iiwanan na siya ng mundo. Habang tumatagal, palagi niyang sinisisi ang sarili niya kung bakit siya iniiwanan ng mga taong mahal niya. Palagi na lang daw siya 'yong may mali. But other than that, tinanong ko siya kung anong gagawin natin sa nanay niya. Sagot niya, wala raw kasi mahal niya raw ang nanay niya at ayaw niyang makulong ito."

"Ayan din po 'yong sabi niya sa amin," sambit ni Tito Ferdy.

"Pero Doc, ano po 'yong maitutulong namin para kay Zara?" tanong ko naman.

"I'd recommend to provide a regular therapy sessions every month and we can also give her a medicine para umayos 'yong chemical imbalance in her brain. Pero ang pinaka mahalaga pa rin na solusyon ay iparamdam niyo sa kanya na may kasama siya, hindi siya nag-iisa at may halaga siya sa mundo. Basta, pasayahin niyo lang siya. It such a big help for her, kahit wala siyang pamilya pero nandiyan kayo upang suportahan siya. Huwag na huwag niyo siyang pipilitin na ipakulong 'yong Mama niya kasi siguradong sasama ang loob niya sa inyo at sisisihin na naman niya ang kaniyang sarili katulad ng pagsisi niya sa pagkamatay ng lola niya. Wala rin iyon saysay para mapagaling siya."

Tumango-tango lang kami ni Tito Ferdy bilang pagsang-ayon.

"Moreover, palagi niyo siyang kumustahin. Mahalagang mailabas niya sa inyo ang kinakarga niyang bigat. Marami pa siyang sinabi sa akin kaso mas maayos kung sa kanya niyo na lang mismo malalaman 'yong mga problema niya. Kailangan mai-express niya ang mga nasa loob niya kasama kayo. Kung maaari, libangin, aliwin at ilayo niyo sa kanya ang lahat ng bagay na nakakapag-paalala sa pananakit sa kaniya ng nanay niya. Pero huwag kayong mag-alala, kasama rin naman iyon sa treatment namin, because we will teach her how to face them, one by one. Enough na 'yong nandiyan kayo pero upang maka-sure, kailangan natin trabahuin ang professional health. Sisikapin namin mawala 'yong trauma niya everytime na maaalala niya 'yong physical assault sa kanya no'ng nanay niya. Be positive, mawawala rin itong trauma niya. Gagawin namin ang lahat."

-

"Nagugutom ka ba? Gusto mo magmeryenda muna?" tanong ko kay Zara nang hindi natingin sa kaniya. Nakahiga lamang siya sa kama. Samantalang ako, nakahiga rin pero sa isang sopa na medyo malayo sa kaniya. Kauuwi pa lang namin.

Actually, tapos na ang dalawang araw niyang day off sa trabaho pero pina-excuse muna namin siya ng dalawang linggo para makapagpahinga muna sa bahay. No'ng una, hindi siya pumayag kasi kaya naman daw niyang magtrabaho kahit ganito na ang kalagayan niya kasi nakaya naman daw niya noon pero hindi ko siya pinagbigyan. Sinabi niya rin sa akin, wala pa rin siyang balak mag-resign kahit ayun ang ninanais ng Mama niya. Sa ibang araw ay tutulungan ako ni Tito Ferdy na mag-asikaso ng papel upang idulog ang kalagayan ni Zara sa mga nangangasiwa patungkol sa mental health sa bansa, isang samahan na kung ay naglalayong katulad namin na nangangailangan ng tulong at magawan ng paraan ang sakit niya, mapagkukuhanan ng sapat pera para sa kaniyang theraphy.

"Wala akong gana."

Alam kong galit pa rin siya sa akin kasi hindi ko siya pinayagan magtrabaho ngayon. "Nauuhaw ka ba?"

"Hindi."

"Gusto mong pumuntang Hanging Bridge?"

"Hindi rin.

"Eh, anong gusto mong gawin?"

"Magtrabaho," matigas niyang pagkakasabi.

Napakamot ako ng ulo. "Hindi nga puwede. Baka mapahamak ka. Ang kulit, eh."

"Sayang kasi 'yong kikitain ko doon. Sayang 'yong oras ko ngayon kung wala akong ginagawa."

"Hindi nga puwede."

"Landon, please. Kailangan ko nang magtrabaho. Hindi ko kakayanin 'yong dalawang linggo na pananatili rito sa bahay."

"Zara, huwag kang makulit."

Narinig ko siyang bumuntong-hininga.

Lumipas ang ilang segundo pero hindi na ito nakipagpatalo pa. Maya-maya pa'y narinig ko itong humihikbi-hikbi. Napatingin ako sa direksyon niya pero nakatalikod ito sa akin. Bigla akong kinabahan. Umiiyak ba siya dahil sa akin? Marahas akong napahilamos ng mukha. Bwiset, dalawang oras pa lang nakalilipas no'ng pumunta kaming phychiatrist, napaiyak ko na agad siya?

Tumayo ako at naglakad palapit sa kanya.

Huminga ako nang malalim bago hawakan ang braso niya para himasin. "Naiyak ka ba?" tanong ko pero hindi niya ako sinagot, sa halip mas lalo pa siyang humagulgol. "Lagot," bulong ko pa.

Bigla akong nataranta kaya agad akong kumuhang tissue para punasan 'yong luha niyang tuluy-tuloy sa pag-agos. "Shh. Tahan na, Zara."

Inalalayan ko ito para umupo sa kama at isandal ang likod sa pader. "Sorry na. Huwag ka nang umiyak. Shh."

Bigla tuloy akong nagsisisi sa mga sinabi ko at kung bakit hindi ko siya pinayagan magtrabaho ngayon. Hindi ko naman inaakala na iiyakan niya iyon. Nag-aalala lang naman kami para sa kalagayan niya. Para sa kanya rin naman ito, eh. Saka, sumusunod lang ako sa bilin nina Mama at Tito Ferdy.

"Sorry talaga, Zara. Sana maintindihan mo kami." Tuloy lang ako sa paghagod ng likod niya para pakalmahin siya.

"Sana maintindihan niyo rin ako! Kailangan kong magtrabaho. Kailangan na kailangan! Ayaw ko na rito. Gusto ko nang tumakas kay Mama. Ayaw ko nang masaktan! Ayaw kong nang mabugbog! Gusto kong magkaroon ng ordinaryong buhay. Gusto ko nang umalis! Gusto ko nang lumaya! Gusto ko nang mag-aral. Ayaw ko na rito. Nasasakal lang ako rito. Napapagod na ako! Gusto ko nang umalis! Ayaw ko na rito. Ayaw ko na! Sawang-sawa na akong maging miserable! Naiintindihan niyo rin ba iyon?!"

Nagulat ako nang bigla niyang sabununtan ang sarili niyang buhok kaya marahas kong hinawakan ang magkabila niyang braso para pigilan siya. Hingal na hingal din siya dahil sa mga sinabi niya. Ang bilis ng tibok ng dibdib ko dahil sa kaba.

"Ano bang sinasabi mo?"

Tumingin siya sa mga mata ko. "Ayaw ko na rito. Kailangan kong magtrabaho. Sinisikap kong magtrabaho para buuin 'yong 75,000 at makatakas na kay Mama. Gustong-gusto ko nang lumipad papuntang Canada at doon mamuhay nang payapa! Nandoon na 'yong buhay ko. 'Yon buhay na matagal ko nang inaasam. Ayaw kong aksayin 'yong bawat oras ko rito, gustong-gusto ko nang tumakas. Please? Pagtrabahuin mo na ako," humihikbi niyang pagkakasabi.

Napaawang ang bibig ko at napabagsak ang balikat. "C-Canada? A-Aalis ka? B-Ba't ngayon mo lang sinabi?"

----------

wish i could see your smileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon