44. That's Not Good For Your Health!

330 20 3
                                    

Chapter 44: That's Not Good For Your Health!

Landon

"Tara na, uwi na tayo. Pero daan muna tayo sa pinakamalapit na convenience store, bili tayo ng maiinom. Nauuhaw na ako, eh," matamlay kong yaya kay Zara nang hindi natingin sa kaniya. Hindi ko na siya hinintay pang tumugon dahil agad na akong naglakad palayo. Baka kasi makita pa kami ni Mama rito na sinusundan siya. Bagaman, nandoon pa rin siya sa tapat ng bahay ni Tito at nananatiling nakaluhod pero alam kong uuwi na rin siya maya-maya lang.

Binalot kami ng matinding katahimikan habang naglalakad. Para nga akong naglalakad sa kawalan, wala kasi ako sa katinuan ngayon. Blankong-blanko ang utak ko.

"Ayos ka lang?" nahihiyang tanong sa akin ni Zara. 

Napatigil ako. Napalunok ako nang dalawang beses ng laway nang harapin ko siya. 

Natagalan pa ako bago nakasagot. "Oo nama—" tatanggi na sana ako pero hindi ko na napigilang mapaluha ulit. Sunod, mabilis niya akong niyakap at hindi ko na maintindihan ang sarili para matagpuan na nagsisimula na akong humahagulgol sa balikat niya. 

Pesteng luha, akala ko tapos na akong umiyak pero hindi pa rin pala. Naaawa kasi ako kay Mama. Kapag pumipikit ako, nakikita ko kung paano siyang nagmamakaawang manglimos ng pera kay Papa para sa pampagamot ko habang nakaluhod siya sa harapan nito. Hindi niya kailangan gawin iyon  Wala na akong ideya kung ano na ang sunod na paraan na gagawin nila para mapagaling ako, kung saan na sila huhugot pa ng pera.

Pera. Pera. Pera. Puro na lang pera. 

"Bakit kasi sa buhay, pera palagi ang problema?" bulong ko sa kaniya. 

Hindi siya sumagot.

Ilan segundo kaming nagyakapan bago ako kumalma at humiwalay agad sa kaniya. Medyo nakakaramdam na ako ng hiya dahil nababasa ko na pala gamit ng luha ko ang kaniyang damit. Nakipagtitigan muna siya sa akin ngunit mabilis din siyang umiwas. May inilabas siyang bagay mula sa bulsa niya at dahan-dahan iyon ipinahid sa dalawa kong pisngi. 

"Tahan na. Alam mo ba itong panyo, isa 'to sa ibinigay mo sa akin noong umiiyak ako at mukhang ikaw naman ang may kailangan nito ngayon," sambit niya. Hinayaan ko lang punasan niya ang mukha ko habang taimtim lang siyang tinititigan.

Hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya. "Tara na." Tinanguan niya lang ako. Hindi ko na binitawan ang kamay niya nang magsimula na kaming maglakad. "Ngiti ka nga," nakangisi kong utos sa kaniya. 

"Bakit naman?"

"Malakas ang epekto sa akin ng ngiti mo, gumagaan bigla ang pakiramdam ko kahit papaano."

Nag-aalinlangan pa siyang sundin ang hiling ko pero pagkaraan ng ilang segundo, ginawa rin niya. Nang ngumiti ito, hindi naman ako nabigo dahil kusang gumuhit sa labi ko ang isa ring ngiti. Hindi man ito 'yong ngiting nakakapagsabing ayos na ako pero ang mahalaga, nakakangiti ako at dahil iyon sa kaniya. Ibang-iba talaga ang dating niya sa akin.

-

Pagkarating namin sa convenience store, agad kaming kumuha ng malamig na tubig mula sa refrigerator ngunit napukaw ng paningin ko ang isang beer.

Napakagat ako ng ibabang labi. Mapanukso ito.

"Tara, bayaran na natin 'tong dalawang bote ng tubig," sambit niya. 

"Sige, mauna ka na. May titingnan lang ako."

"Sige . . ."

Pagkaalis niya, agad kong binuksan ang refrigerator kung nasaan ang beer na lumamon ng atensiyon ko. Pagkakuha ko, panandalian ko muna itong tiningnan at binasa kung ano man ang nakasulat sa labas nito. Napatango-tango ako sa sarili ko at huminga nang malalim.

wish i could see your smileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon