40. I Won't Leave You

394 22 3
                                    

Chapter 40: I Won't Leave You

Landon

-------------------------

My Bucket List Before I Die

□ To overcome this Leukemia
□ To continue my Studies
□ Graduate College
□ To have a new better house with my Family
□ Find a better job
□ Meet at least one of my Idols (song writers or singers)
□ Tie dye Shirt
✔ Help someone in Need
□ Give something to Charity
✔ Drive a Car
✔ Try to sing in Karaoke
□ Try to drink Alcohol
✔ Have a Pillow Fight With Someone
✔ Adopt an Animal
✔ Watch a Sunset and Sunrise
✔ To Perform my composed song to many people
✔ Have a Pajama Party
✔ To Win a song writing contest
□ Play Hide and Seek with my Family
□ Go in beach
□ Let go a Floating Lantern.
✔ Watch Scary movie with my family

My Bucket List For Zara

✔ To see her Smile
✔ To comfort/help her
✔ To make her Happy again
✔ To make her feel that she's not Alone
✔ To get her from her depression
□ Give her a sunflower
✔ Introduce her to my Family
✔ Go Camping with her
□ Kiss her in the rain at least to her cheeks
✔ Composed a song which for her
□ Have a Simple Date
□ Perform my composed song in front of her
□ To Admit what I feel for her
□ To court her
□ To make her Mine
□ Have a wedding with her
□ Give to her my Virginity in the near Future
□ Travel around the world with her
□ Make her a mother with my 3 child

-------------------------

Kasama ko pa rin si Zara habang tumatambay ako rito ngayon sa Hanging Bridge. Kauuwi pa lang namin galing sa Hospital at dito kami agad dumaretso para magmunimuni sandali. Nasabi ko na rin kila Mama 'yong nangyari kay Yala. Tulad ko, bigla rin silang nagulat at nalungkot sa  sinapit nito.

Ipinaliwanag sa akin ni Nurse Jenny kanina kung paano napunta sa ganoong kalagayan si Yala. Sabi niya sa akin, huli na no'ng isinagawa 'yong operasyon sa binti niya, 'yong pagputol dito. Kaya ang nangyari, mabilis daw kumalat 'yong cancer cells sa buong katawan nito at hindi na nakakayanan nang gamutin pa ng chemo. Lahat daw ng maaaring gawin para isalba ang katawan ni Yala, ginawa na raw ng mga doktor pero walang nagiging proseso. Hanggang sa unti-unti na siyang manghina at dumating na sa puntong pagsuko. Wala na. Natalo na siya sa laban niya. Sadiyang araw na niya talaga.

Nakakalungkot lang isipin na wala kaming kaalam-alam sa nangyari. Nakakadismaya lang na walang nagsabi sa amin, miski mga magulang nito. No'ng isang liggo pa raw pala inilibing si Yala. Hindi manlang kami nakadalaw no'ng nakaburol siya para makita ko manlang ulit siya sa kahuli-hulihang pagkakataon.

Wala na rin naman ako magagawa, kung hindi tanggapin ang kamatayan niya. Ayos na rin naman siguro iyon kung natalo siya sa laban niya. Ang mahalaga, sa langit siya magtutungo. Doon, siguradong sasaya siya. Kumpleto ang bahagi ng katawan. Hindi na mahihirapan. Maginhawa. Walang iisipin na problema. Kasama na rin niya sina Kuya Moy at Ate Sela niya. Pero nandito pa rin 'yong kaisipan na marami siyang mahal sa buhay na iniwan, pati pangarap.

Nakatulala lamang ako sa kawalan at paulit-ulit humuhugot nang malalim na hininga. Sana, 'di ba, nagawa muna namin 'yong ipinangako namin sa isa't isa bago siya bumitaw? Para naman, mapasaya ko siya ulit at makapagpaalam ako nang maayos. Kahit halos isang buwan ko lang siya nakilala, masakit na rin iyon para sa akin. Sabagay, wala naman makakapagsabi kung kailan mawawala ang isang tao.

Napapitlag at napatingin ako kay Zara nang isinandal niya ang kaniyang ulo niya sa ibabaw ng balikat ko. Kanina pa pala kami hindi nagkikibuan. 

"Bakit?" tanong ko sa kaniya. 

wish i could see your smileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon