37. A Bit Nervous

358 26 2
                                    

Chapter 37: A Bit Nervous

Landon

Sa loob ng trenta minutong nakatayo ako rito sa tapat ng Mall, nakakatuwang makitang may iilang pumapansin sa akin para dinggin ang simpleng yakap na hinihiling ko. May kanya-kanya pa nga silang ibinubulong sa akin para mapalakas pa 'yong loob ko sa sakit ko na ikigalak ko naman habang kayakap sila. Minsan, pabiro ko pa silang tinatanong kung 'guwapo po ba ako?'. Napapatawa lamang sila at um-oo rin agad. Masasabi kong masaya itong naging exprerience ko rito dahil unti-unti kong natatanggap 'yong mga hindi ko gustong parte ng mukha at katawan ko.

Sa isip-isip ko, oo nga naman, bakit kailangan kong ipagkait na ipakita itong kalbo kong ulo sa maraming tao? Ako ay ako. Hindi ko dapat ikinakahiya 'yong flaws ko. Husgahan man ng iba, marami pa rin ang makaka-appreciate nito. Saka, alam ko rin naman na balang araw pagkatapos kong gumaling sa sakit ko, babalik na ulit ito sa dati pero sa ngayon, kailangan ko munang mahalin kung sino man ako. Magandang lalaki ako sa paraan na ako lang ang may kayang magdala no'n kahit marami akong insecurities sa iba, panghahawakan ko pa rin ito, kasi obra 'to ng Diyos.

Sa hindi kalayuan, nang ibinaling ko kay Zara ang paningin ko, malawak akong napangiti sa kanya. Siguradong napapanood niya akong niyayakap ng ibang tao kanina at nababasa niya siguro sa hugis ng mga mata ko kung gaano nasusukat ang kasiyahan ko ngayon.

Malawak din siyang ngumiti sa akin at may kasama pang pag-thumbs up  gamit ang dalawa niyang kamay. Pansin kong wala na rin namang masyadong pumapansin sa akin ngayon at ayaw ko nang paghintayin pa si Zara doon kaya napagpasyahan kong magtungo na sa kanya.

"Saglit lang po Kuya, para sa iyo po." Hahakbang na sana ako nang may biglang may nagsalita na bata sa kanang tabihan ko habang nakahigit sa ibabang parte ng damit ko. Natigilin ako bigla at agad siyang hinarap. Dalawa pala silang batang lalaki at pansin kong may inaabot silang limang iba't ibang kulay na lollipop sa akin.

Agad akong yumukod para maihanay ko ang sarili ko sa kanilang dalawa at nakangiting tinanggap ang inaabot nila sa akin. "May paganito pa kayo, ah.  Pero salamat," natatawa kong sambit.

Pagkatapos, agad kong ibinuka ang dalawa kong braso para hayaan silang yakapin ako. Gulat at halos matumba na ako nang dambahan ako no'ng isang batang lalaki ng yakap. Napapangiti na lamang ako dahil sobrang higpit ng yakap niya sa akin na tila ba, kapamilya ko siya at parang uhaw na uhaw sa yakap.

Napakunot ako ng noo nang tumingin ako sa kasama niyang isa pang lalaki na humigit sa akin kanina na taimtim lang kaming pinapanood. "Hindi ka rin ba yayakap sa akin?" tanong ko sa kanya. "Dali na, yakapin mo na rin ako," pagyaya ko sa kanya.

"Hindi na po. Mas kailangan din po kasi iyan ng kapatid ko, eh," nakangiti niyang sagot. "May cancer din po siya, eh." Nag-iba ang mukha niya, may bahid ng lungkot.

"Totoo?"

Sa isang iglap, natagpuan kong humigpit na rin ang yakap ko sa batang kayakap ko ngayon. Hindi ko maiwasang mailaglag ang panga dala ng gulat. Kaya pala, ganoon na lamang ang ginawa niya sa akin kanina. Pareho pala kaming may pinagdadaanan na sakit, ang kaibahan nga lang ay bata pa siya para maranasan iyon. Ngayon ko lang napansin na may suot pala siyang berdeng beanie. Tulad ko, siguradong wala rin siyang mga buhok ngayon dahil sa side effect din ng chemotherapy.

Palihim akong huminga nang malalim. "Huwag kang mag-alala, gagaling ka, gagaling tayo. Malalagpasan natin 'to," bulong ko sa kaliwang tainga niya. Nanatili kaming magkayakap. Hindi ko maiwasan para hindi maawa sa kanya, imbes kasi na ine-enjoy niya ang pagkabata niya, heto siya, sumusubok na agad sa mabigat na laban. Hindi ito para sa kanya pero wala siyang magagawa, kun'di tanggapin lamang iyon.

wish i could see your smileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon