47. What's Happening To Me?

390 22 1
                                    

Chapter 47: What's Happening To Me?

Landon

Sa mga sumunod na araw bago ang therapy ko, abala na ulit sila Mama sa paghahanap ng blood donor. Sa Internet man iyan, sa mga kamag-anak namin, naghahanap talaga sila sa iba't ibang paraan. Ayon kasi kay Dra. Medina, kakailanganin ng maraming bag ng dugo at platelet ang aking katawan sapagkat malaki raw ang tsansa na bumaba ang count blood cell, hemoglobin at platelet ko pagkatapos ang proseso ng therapy dahil maaari raw silang madamay sa pagpatay ng cancer cells ko. At kapag bumaba iyon, maaaring mas manghina pa ang buong katawan ko. Normal lang naman daw iyon. Naghahanap sila Mama ng blood donor dahil wala na raw available ngayon sa Blood Bank.

Samantalang si Kuya Cody naman, tuwing gabi na lang siya nakakadalaw sa akin dahil sa bagong trabaho niya. Araw-araw din siyang umuuwi para maglaba ng mga uniporme niya.

"Ano bang type mo?" tanong sa akin ni Zara. 

Type kita.

Natawa na lamang ako sa sarili ko dahil sa iniisip ko pero wala akong lakas na loob para sabihin iyan sa kaniya.

"Anong nakakatawa? May mali ba sa tanong ko?"

"Wala. Pero type O positive ako."

Bumilog ang labi niya. "Oh, same pala kayo ni Mama."

Naalala ko na naman 'yong nakita ko sa envelope no'ng sa unang pasok ko sa kuwarto niya. Tama siya. O positive nga rin ito.

"Gusto mo, kausapin ko siya para mag-donate rin siya ng dugo sa iyo?" nakangiti niyang sambit.

Napakunot agad ako ng noo. Tunog pa lang, hindi na magandang ideya iyon. "Ha? Ano? Hindi na kailangan, Zara. Marami na naman yata nakokolekta sila Mama. Saka, hindi ganoon kadali iyon para lumapit ka pa sa kaniya. Kilala mo naman 'yong Mama mo, 'di ba?"

"Sabagay . . ."

-

Isang araw bago ako sumabak, tumambay muna kami ni Zara sa Garden. Nakasakay ako sa wheel chair at siya ang nagtutulak sa akin. Sa katunayan niyan, kaya ko talagang maglakad mag-isa pero si Zara iyon, eh. Nagpapanggap lang ako. Gusto kong maramdaman na inaalagaan niya talaga ako. Sa pamamagitan ng pag-alalay. Datapwat, inaalagaan niya naman talaga ako tuwing may ginagawa o wala sila Mama sa Hospital. 

Umupo siya sa isang bench habang nakatabi naman ang wheel chair ko sa kaniya.

"S-So, dito pala kayo nagkuwentuhan ni Yala noon, noong abutin kayo hanggang umaga?" nag-aalinlangan niyang tanong sa akin habang inililibot ang paningin sa buong paligid. Ramdam kong nahihiya siya sa tanong niya. Ngayon pa lang kasi siyang nakapunta rito kahit ilang beses na namin napag-planuhan iyon, minsan kasi ay tinatamad kami o 'di kaya'y umuulan.

Maliit akong napangisi.

"Paano mo nalaman?"

"Kay Kuya Cody."

Oo nga pala, sinumbong nga pala ako ni Kuya Cody na may kabit daw ako.

"Oo."

"Masaya ba siyang kasama?" Hindi siya makatingin sa akin nang diretso.

"Oo. Madaldal kasi."

"Ah, ganoon ba? Ako? Madaldal din ba ako?"

"Medyo?"

Saglit kaming binalutan ng malaking katahimikan. Ngunit dinig kong napasinghap siya.

"Saglit! May ibibigay nga pala ako sa iyo ngayon. Ipinabili ko pa 'to kay Kuya Cody kanina!" May kinuha siya mula sa supot na pansin kong kanina niya pa dala-dala ngunit hindi lang ako interesado sa loob niyon. "Heto!" masigla niyang pagkakasabi at iniwagayway sa harapan ko 'yong mga hawak niya.

wish i could see your smileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon