12. I Got Frozen

544 44 12
                                    

Chapter 12: I Got Frozen

Landon

Bahagya kong nilalaro-laro at iniikot-ikot ang tangkay ng rosas sa aking dalawang daliri. Muli akong nandito sa harapan ng bahay ni Zara at hinihintay ang pag-uwi niya. Valentine's day ngayon at ayaw kong matapos itong araw na ito nang hindi ko manlang siya nakikita at nababati. Hindi ko kasi siya napuntahan sa Hanging Bridge kanina at hindi ko rin siya naihatid sa trabaho niya dahil napag-check up ako. Kaya ngayon, nakasuot ako ng white polo at simpleng short dahil balak ko siyang bigyan ng mapupulang tatlong rosas at tatlong bar ng matatamis na tsokolate.

Kinusot-kusot ko ang mga mata ko dahil medyo nakakaramdam na ako ng antok. Ewan ko pero kahit inaantok na ako, ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. At hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Ibibigay ko lang naman itong mga ito at babatiin siya ng 'Happy Valentine's Day'.

"Huy, Landon?" Napatigil ako sa pagkusot ng aking mga mata nang marinig ko siyang magsalita. Nandiyan na pala siya. Nangatog bigla ang mga binti ko na hindi ko malaman ang dahilan. "Bakit nandito ka sa tapat ng bahay ko?"

"P-para sa iyo." Inilahad ko sa kanya 'yong mga rosas at 'yong mga tsokolate. Bakit ako nauutal? Bakit ngayon pa ako nahihiya sa kanya? Kumurba ang malawak kong ngiti at napalunok ng laway. "Happy Valentine's Day."

Tinanggap niya naman ang mga ito. "Salamat. Happy Valentine's day rin." Halata na pagod siya ngayong araw, mula sa mapupungay niyang mga mata. Nadismaya ako dahil wala manlang humagispis na ngiti sa kaniyang labi. Akala ko, makikita ko na iyon ngayong gabi.

"Good night."

"Good night din."

Naglakad na siya patungo sa pintuan at balak nang pumasok sa loob pero nanatili ako nakatayo at naghihintay, nag-aabang, nagbabaka sakaling ngumiti siya. Okay na sa akin, kahit pilit na ngiti lang ang gawin niya. Basta, gusto ko lang talaga siyang makitang nakangiti ngayong gabi. Alam kong masyado akong atat pero hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili.

Balak na sana niyang pumasok sa loob ng bahay pero napansin niyang hindi pa ako naalis sa puwesto ko. Deretso pa rin ang tingin ko sa kanya. Napakunot siya ng noo. "Bakit ayaw mo pang umuwi? May sasabihin ka pa ba?"

"Wala ka manlang ngiti d'yan?"

Napahawak ito sa tabihan ng pintuan at nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. "Sorry," At bahagya siyang umiling nang maliit.

Napabagsak ako ng balikat at napasimangot. "Isa lang, please?" Ngumuso pa ako para makumbinsido ko siya.

Napakagat siya ng ibabang labi niya at maliit na umiling ulit.

Napasimangot ako pero ngumiti rin agad. Napakamot ako ng ulo. "Dali na. Gusto ko lang talaga kasing makita kung napapasaya manlang ba kita sa isang simpleng ngiti mo lang at gusto ko rin makita kung gaano ka kaganda kapag ngumingiti. Kahit isang ngiti lang, Zara. Kahit pilit, tatanggapin ko. Makita lang kitang nakangiti."

"Sorry talaga." Napaawang ang bibig ko nang dahan-dahan niyang isinarado ang pinto.

Napasinghap ako at binasa ang ibabang labi ko gamit ang laway. Punong-puno ako ng pagkadismaya. Hindi pa rin ako gumagalaw sa puwesto ko, bagkus humarap na lang sa pinto niya. "Sige, Zara, okay lang. Huwag kang mag-alala. Marami pa namang araw, mapapatawa at mapapangiti rin kita sa huli. Ayos lang kahit hindi ka muna ngumiti ngayon kasi maganda ka pa rin naman sa paningin ko kahit nakasimangot ka," bulong ko. Tila, pintuan ang kausap ko.

Huminga ako nang malalim at napagdesisyunan na maglakad na lang pabalik ng bahay. Bahala na kung marinig man niya ang sinabi ko. Mas mabuti nga iyon, eh.

wish i could see your smileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon