52. 11:11 PM

722 21 14
                                    

Chapter 52: 11:11 PM

Nangingibabaw ang walang tigil na sigaw ni Zara sa pangalan ni Landon sa buong piligid. Binabalot na siya ng matinding kaba at pag-alala. Maliban diyan, wala pa ring awat ang pag-agos ng mga luha niya sa kaniyang mga mata at habang tumatagal, pahina na rin nang pahina ang pagsigaw niya dahil unti-unti na nanglulumo ang kaniyang katawan. Kahit anong lakas kasi ng sigaw ng dalaga, dismaya siyang walang natatanggap ni-isang tugon mula kay Landon.

Nanglambot ang mga tuhod niya kung kaya't siya'y dahan-dahang napaluhod sa tulay. Para siyang bata kung humagulgol. Bahagya siyang sumilip muli sa ilalim ng tulay, dilim lang ang tanging nakikita niya at hindi niya naaninang ang katawan ni Landon dahil sa sobrang lalim ng ilog.

"Hindi ito puwede . . . " umiiling niyang sambit sa sarili.

Pagkaraan ng ilang segundo, tila ba'y hinugot na ang buong katinuan niya kung kaya't sinubukan niyang tumayo nang diretso. Sinubukan niya ring tumigil sa pagluha pero hindi pa rin ito nagpapatinag.

Humugot siya nang malalim na hininga at tumingala sa kalangitan. Napalunok siya ng laway nang walang pagdadalawang-isip na simulan na niyang isampa ang kaniyang isang paa sa lubid. Sandali siyang umupo sa ibabaw ng lubid na ito kahit mukhang delikadong-delikado na itong ginagawa niya. Naupo siya roon dahil nais niya munang langhapin ang malalakas na hangin na humahagaspas sa kaniyang buhok at mukha bago ituloy ang binabalak niyang gawin. Marahan siyang napapikit at dinama ang hangin.

Tulayan na siyang nawala sa kaniyang sarili. Inuutusan siya ng isipin niya na sumama kay Landon. Nagbabalak din siyang tumalon sa ilog.

Pagkamulat niya, tatalon na sana ito ngunit sa hindi malaman na pagkakataon, napapitlag na lamang siya nang may biglang humawak sa magkabilang bewang niya at braso, marahas siyang binuhat ng dalawang taong ito papasok ulit ng tulay.

"Ano ba?! Huwag niyo akong pigilan!" bulyaw ni Zara. Muling tumagas ang mga luha niya habang nagpupumiglas sa mahigpit na hawak nina Tito Ferdy at Kuya Cody sa kaniyang mga braso't bewang. Hindi niya namalayan ang biglang pagdating ng mga kapamilya ni Landon dito sa tulay.

"Zara, puwede pa naman natin 'tong pag-usapan. Huwag mong gawin iyan," mahinahon na pakiusap sa kaniya ng nanay ni Landon sa may bandang tabihan ni Kuya Cody. Nandito rin pala siya.

Tila, natigilan bigla si Zara nang marinig ito. Napatingin siya rito pero maliit din siyang napayuko ng ulo. Natigilan siya hindi dahil sa sinabi nito, sapagkat dahil sa himig ng boses na iyon. Sa isip-isip, hindi niya alam kung paano niya maipapaliwanag sa pamilya ni Landon ang masamang sinapit nito.

"Asaan ba si Landon?" tanong naman ni Kuya Cody. "Akala ba namin, nandito siya?"

Sandaling namutawi ang katahimikan.

Tila, umatras ang boses ni Zara kung kaya't hindi niya magawang makapagsalita.

Ibinaling niya ang tingin niya sa kawalan para mag-ipon ng lakas. Wala siyang ideya kung paano siya magsisimula. Natatakot siya sa mga magiging reaksyon nila. Natatakot siya na baka kamuhian siya ng mga ito. "S-Sorry po." Sa wakas, naglakas-loob na siyang magsalita subalit hindi niya alam kung paano dudugtungan naman iyon, dahan-dahan siyang napaluhod ulit dahil muli siyang nanghihina. Niluwagan na rin nina Tito Ferdy at Kuya Cody ang pagkakahawak dito. Kampante na sila na hindi na ito ulit magtatangkang pang tumalon.

"A-Anong ibig mong sabihin, Zara?" kinakabahan na tanong ni Tito Ferdy. Lumuhod din ito para pantayan ang dalaga at hawakan ang ibabaw ng balikat nito.

Nangangatog ang mga kamay ni Zara nang ituro niya ang ilalim ng tulay, kung saan parteng nahulog si Landon. 'Yon na lamang ang puwede niyang gawing paraan para masabi ang tunay na nangyari sa binata. Takot na takot talaga siya. Doon, mas lalo pang lumakas ang kaniyang paghagulgol habang nakayuko.

wish i could see your smileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon