36. Let's Boost Up Your Confidence

435 26 0
                                    

Chapter 36: Let's Boost Up Your Confidence

Landon

"Parang ang tahimik mo yata? Pero kahit na tahimik ka... nahuhuli ko pa rin na sinusulyapan mo ako," biglang sambit ni Zara sa akin kaya bigla akong kinabahan. Tama siya, hindi ko naman masisisi ang sarili ko para hindi iwasang gawin iyon.

Nandito na kami sa loob ng sasakyan ni Tito Ferdy at kasalukuyang patungo sa kung saan man; na wala akong ideya kung saan nga ba. Pareho kami ni Zara na nakaupo sa backseat.

Natagalan pa ako bago ko siya lingunin. Kumunot ang noo ko. "Nang-aasar ka ba?"

Lumapad ang ngiti niya. "Sus..."

Napakamot ako ng sintido. "Eh, ano naman ngayon kung sinusulyapan kita? Masama ba iyon? Bawal ba? Ipapakulong mo na ba ako?" Bahagya siyang napatawa. Buwiset, pati pagtawa niya, ngayon ko lang narinig. "Nakakapanibago ka kasi bigla. Hindi pa ako sanay sa aura mong ganyan."

Pasimple siyang naasimangot. "Ayaw mo ba?"

"Hindi, ah! Gusto ko, siyempre. Ang tagal ko ring kayang hinintay 'yan," agad kong sagot na nagpangiti sa kanya. "... Bagay naman pala sa iyo 'yong ganyan na nakaayos. Dapat matagal mo nang ginawa 'yan para hindi ako mailang nang ganito sa iyo ngayon."

"Weh? Ikaw pa itong naiilang? 'Di ba, dapat ako 'yong maiilang kasi maya't maya mo akong tinitingnan? Landon, ayos lang naman sa akin kahit titigan mo ako, eh. Alam ko naman na napapasaya kita kahit sa ngiti ko lang."

Napaangat ang kanan labi ko. "Sigurado ka? Alam mo, nag-iba ka lang ng ayos mo ngayon, naging assumera ka na."

"Hindi. Sadyang may nabasa lang kasi ako."

"Ha? Alin? Anong pinagsasabi mo?"

"Wala."

"Kinikilig ako sa inyong dalawa." Napatingin kami kay Tito Ferdy nang bigla itong sumingit.

Napaayos ako bigla ng upo.

Sa halip na pansinin namin ang sinabi ni Tito Ferdy, tahimik naming ibinaling pareho ang mga atensiyon namin sa labas ng bintana. Alam kong nadala lang kami pareho ng hiya. Sandaling nakalimutan namin na kasama pala namin si Tito ngayon at siya nga pala 'yong nagmamaneho nitong sasakyan. Siguradong narinig niya ang mga nakakalokong bangayan namin ni Zara.

"Oh, ba't bigla kayong tumahik dal'wa?" natatawang tanong niya sa min pero hindi ulit namin siya pinansin. Ngunit, nang dumaan ang pansamantalang katahimikan, muli itong nagsalita. "Oo nga pala, Landon. Bukas, tuturuan kitang magmaneho nitong sasakyan. Gusto mo ba iyon?"

Agad akong napalingon sa kanya at hindi mapigilang magkaroon ng liwanag ang mukha. "Oo naman, Tito! Bakit hindi?"

"Oh, sige. Gising ka nang maaga bukas, ah? Turuan kita."

"Yown!"

Narinig kong bahagyang napatawa si Zara dahil sa naging reaksyon ko. 'Yong sinabi kasi ni Tito Ferdy ay kasama 'yon sa bucket list ko kaya hindi ko na mapigilang hindi maitago ang pagkasabik. Nagwala bigla ang buong sistema ko sa katawan at tila, gusto nang magbukas. Iisipin ko pa lang na nagmamananeho na ako ng sasakyan, sobrang bigat ng kasiyahan ang makukuha ko doon. Malalagyan ko na ulit ng isa pang check ang bucket list ko. Ayos! Dumadami na sila. Marami na akong maipapakita kay Yala.

-

"Hindi mo pa sinabi sa akin kung saan tayo pupunta, dito lang din pala sa Mall," natatawa kong sambit kay Zara.

Tumigil siya sa paglalakad kaya tumigil din ako bago niya ako linungin at ngumiti sa akin. "May ipapagawa kasi ako sa iyo."

Biglang nablanko ang mukha ko.

wish i could see your smileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon