2. Hello, Zara!

1.1K 97 37
                                    

Chapter 2: Hello, Zara!

Landon

Kinabukasan no'ng umaga, naisipan kong gumala sa buong loob ng subvision gamit ang bisikleta na ipinahiram sa akin ni Tito Ferdy. Gusto kong i-familiarize itong subdivision at mai-excersice manlang din ang buong katawan ko. Siyempre, tumutol pa si Mama sa paggagala ko dahil baka raw mapahamak ako pero napilit ko rin siya, 'yon nga lang kinailangan kong isama si Kuya Cody. Kung sakaling may mangyaring hindi maganda sa akin, siya na ang bahalang umasikaso sa akin. Good thing, dalawa ang bisikleta ni Tito.

"Landon!" tawag sa akin ni Kuya Cody. Itinigil ko ang pagbi-bisikleta at lumingon sa kanya.

"Bakit?"

"May nakita akong kakaibang daan sa likod ng Club House. Tara, tingnan natin kung anong meron doon."

Napakunot ako ng noo. "Paanong kakaibang daan?"

"Tuyong lupa lang at parang papuntang sa dulo ng subdvision na ito."

"Sige, tara!"

Inikot ko ang bisikleta ko para sundan siya. Ewan ko kung ano 'yong tinutukoy niya dahil hindi ko naman iyon napansin kanina no'ng dumaan kami doon.

Nang pagkarating namin, napansin kong hindi nga iyon sakop na ng kalsada at tuyong lupa lang daanan. Halatang malubak ito. Nakabungad sa amin 'yong napakatahimik na paligid at nagtataasang mga puno.

"Sundan natin itong daan!" sambit ni Kuya Cody. Hindi na ako nakatanggi pa dahil nagpedal na agad siya papasok ng kakahuyan.

Siguro ito na 'yong likod ng subdivision. Wala kasing mga bahay-bahay at puro puno na lamang ang makikita. Hindi ko maiwasang mamangha sa ganda ng hitsura nito. Paikot-ikot lang 'yong paningin ko para mabusog 'yong mga mata ko. May nagtataasang mga puno, berdeng-berdeng ang kulay ng mga dahon at napakalamig naman ng simoy ng hangin na nagmumula sa mga halaman.

"Kuya Cody!" tawag ko sa kanya.

Tumigil siya at humarap sa akin. "Bakit?"

"Puwedeng akayin na lang natin itong bisikleta, medyo mabato na rito at delikado na."

"Sige."

Sa palagay ko, malayo-layo na rin 'yong nabibisisikleta namin simula no'ng pumasok kami rito kanina. Naisipan kong bumalik na nga lang kaso halata kay Kuya na interesadong puntahan 'yong pinakadulo ng daan kaya minabuti kong hayaan ko na lang. Kapag ako nanuno rito, malilintikan itong si Kuya sa akin.

Sinimulan na namin akayin 'yong mga bisikleta namin. Sobrang tahimik talaga ng lugar at tanging ingay lang ng kuliglig ang umaalingawngaw. Gusto ko 'yong lugar na ganito. Mas masarap maggitara at magsulat ng kanta kung ganito katahimik ang paligid. Sayang lang dahil hindi ko dala ang gitara ko.

"Landon! May Hanging Bridge, oh!" Sinundan ko 'yong daliri ni Kuya kung saan siya'y may itinuturo. "Puntahan natin!"

Agad nang tumakbo si Kuya papunta doon kaya nakitakbo na rin ako. Ang dami niya talagang nakikita. Itinumba na lamang namin 'yong mga bike namin sa may damuhan.

"Woah."

Ayan ang salitang kusang lumabas sa bibig ko nang sinimulan na namin lakaran 'yong Hanging Bridge.

Gawa sa punong kahoy at lubid ang tulay. Sa unang lakad namin, kakaunti pa lamang ang mga butas sa kahoy ang makikita ngunit nang makarating kami sa kalagitnaan, doon na dumami ang mga butas at mayroon ding iilan na ang mga bungi-bungi ng piraso ng kahoy kaya nagmumukhang delikado na rito. Sa hitsura nito, sa palagay ko, mukhang abandonado na itong Hanging Bridge. Ilog ang pinagkokonektahan ng tulay, sa unang tingin ko rito, naakala kong wala itong tubig dahil sa malalaking bato na nakausli pero kung titingnan ito nang mabuti, may mababaw na tubig na umaagos.

wish i could see your smileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon