8. Her Secret Job

587 49 11
                                    

Chapter 8: Her Secret Job

Landon

Kinakahapunan, nag-aalinlangan ako para sabihin kay Mama 'yong pagkasira ng gitara ko. Hindi dahil natatakot ako kasi baka pagalitan niya ako, kun'di nahihiya akong manghihingi ng pera sa kanya para sa pangpapaayos nito.

Kung maaari, kailangan maipaayos ko na agad itong gitara ko dahil bilang na lang sa daliri kung kailan ang deadline ng submission ng mga entry sa contest. Kailangan ko pang bigyan ng tono ang kantang isinulat ko at mag-eensayo pa ako. At ang gitara ang pinaka-importanteng sangkap ko ngayon.

Mga limang minuto na rin ako nandito sa hagdan at nagdadalawang-isip para puntahan si Mama. Nasa diner kasi silang dalawa ni Tito Ferdy at kasalukuyan nagkukuwentuhan. Napakagat ako ng ibabang labi ko at paulit-ulit na humuhugot ng malalim na hininga.

Hindi ko masisisi ang sarili ko kung bakit nahihiya ako kay Mama. Siya kasi 'yong gumagastos para sa Chemo ko at mga gamot ko, tapos kailangan ko pang manghingi ng pera ngayon. Ang kapal na ng mukha ko kapag ganoon. Alam kong maliit na halaga lang ang string kapag binili pero sa takbo ng buhay namin ngayon, bawat piso o bente ay mahalaga.

Nag-ipon ako ng lakas ng loob at agad naglakad palapit sa kanila pero natigil ako nang marinig kong binanggit ni Mama ang pangalan ko. Tumigil ako sa gilid ng pader kung saan sa likod nito ay nadoon sila Mama. Subukan ko man huwag makinig sa pinag-uusapan nila pero hindi ko maiwasan maging interesado, lalo na't nabanggit ang pangalan ko rito.

"Na-compute ko 'yong mga maaari nating gastusin sa pagpapagamot kay Landon."

"Anong naging resulta? Kaya ba natin bayaran?" tanong ni Tito Ferdy.

"Hindi ko alam, eh. Hindi ako sigurado kung kasya pa 'yong budget natin ngay—"

Hindi ko na narinig ang sinasabi ni Mama dahil napapitlag ako nang may pumingot ng tainga ko. "Anong ginagawa mo d'yan?"

"Aray, Kuya! Bitawan mo nga ako." Iniwakli ko ang kamay nito sa tainga ko. Ramdam ko ang pag-init nito dahil sa sakit at sigurado akong namumula na ito.

"Ano ba kasing ginagawa mo d'yan?"

"Wala lang."

"Eh, bakit ka nand'yan?"

"Kasi nga wala lang."

"Bakit wala lang?"

"Kasi wala, eh."

Marahas siyang napakamot ng ulo niya. Ramdam kong naiinis na siya sa akin. "Bahala ka nga d'yan."

"Saglit lang, Kuya." Maglalakad na sana siya palabas ng bahay pero tinawag ko siya.

Nagbabaka-sakaling meron siyang pera para magamit ko. Buo na ang pasya kong huwag na lang makiusap kay Mama para humingi ng pera kasi mula sa narinig kong pinag-usapan nila ni Tito, alam kong namomoblema na naman sila para sa gastusin. Ayaw kong makidagdag pa.

"Ano iyon?"

"May pera ka pa ba? Kahit 500 lang?"

"Para saan?"

"Bibili lang sana ako ng kapalit dito sa napiktal na string ng gitara ko. Please, pahingi muna." Pinakita ko sa kanya 'yong dalawang string na naputol. "Kapag kasi hindi ako nakabili agad ng kapalit, baka hindi ko kayang i-send agad 'yong entry ko sa tamang oras. Kailangan ko pang mag-pratice, eh."

Napatango-tango ito pero napasimangot din siya agad. "Sorry, Landon. Wala akong ipon. Alam mo naman na naghahanap pa lang ako ng trabaho ngayon. Hayaan mo, kapag may trabaho na ako at may sweldo na ako, ibibili kita ng bagong gitara."

wish i could see your smileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon