41. Kuya Cody

374 25 11
                                    

Chapter 41: Kuya Cody

Landon

Bandang ala sais ng gabi, pansin ko ang biglang pag-iiba ni Zara. Inaasahan ko naman na magiging malamig siya sa akin ngayon dahil sa hindi ko pagsuporta sa naging desisyon niya. Kabisado ko na siya, mabilis siyang magtampo pero mabilis din naman kung paano kuhanin ulit ang kaniyang loob, kaya nagsimula agad akong mag-isip ng magandang paraan para suyuin siya. Ayaw ko nang patagalin pa ito, gusto ko nang ayusin 'yong gusot na namamagitan sa aming dalawa. Baka hindi na naman kasi ako patulugin nito mamayang gabi kaiisip. 

Nang may mabuong ideya sa utak ko, agad akong lumabas ng bahay habang dala-dala 'yong garapon kung nasaan 'yong gagambang inaalagan ko. Nakakatuwang makita na buhay pa rin ito hanggang ngayon at mas lumalaki na. Ito 'yong naisip kong paraan, sana madala ko siya sa pamamagitan nito. Lumapit ako sa gawi ni Zara na tahimik lang na nakaupo sa may gutter at nagmuni-muni mag-isa, dumadampot-dampot ng mga tuyong dahon.

Kahit sa ibang direksyon siya nakaharap, hindi nakaligtas sa akin kung paano niya iginalaw ang mga eyeball niya palihis sa akin ngunit mabilis din naman siyang umiwas agad. Umupo ako sa tabihan niya at sinadiyang magdikit ang mga braso namin.

"Ang ganda ng ulap, 'no? Pinagsamang kulay orange at pink. Ang sarap sa mga mata," agad kong bungad pagkaupong-pagkaupo ko.

"Eh, ano naman ngayon?" tanong niya nang hindi natingin sa akin. Halatang may tampo nga.

"Pero mas maganda ka pa rin."

Pagkasabi ko ng mga salitang iyon, agad siyang napaharap sa akin habang nakaawang ang bibig at nakunot naman ang noo. Mukhang nagulat siya sa biglang pagbanat ko. Nang magtama ang mga paningin namin, agad ko siyang binigyan ng kindat sa kanang bahagi ng mata ko. "Yuck! E di, wow," simple niyang tugon at muling umiwas ng tingin sa akin.

Bahagya akong napatawa at napakamot ng sintido dahil sa inakto niya. Alam kong nakaramdam siya ng kaunting hiya dahil halata sa biglang pamumula ng mga pisngi niya.

Magsasalita na sana ako pero bigla siyang sumabat.

"Ano ba 'yang hawak mo?"

Palihim akong bumuntong-hininga. "Hindi mo na ba tanda 'yong ipinangako mo sa akin noon? 'Di ba, hahawakan mo 'yong gagamba ko kapag nagawa ko 'yong inuutos mo sa akin sa Mall?"

Napatingin ulit siya sa akin agad. "Ha? May sinabi ba akong ganoon?"

"Oo kaya!"

"Wala, ah!" matigas niyang pagkakatanggi. "Uutuin mo pa ako, eh."

"Hoy! Ang daya talaga nito," agap ko at napakamot pa ng ulo. 

"Wala talaga akong natatandaan, okay?"

"Pero tanda ko naman."

Humugot siya nang malalim na hininga. "Patingin nga muna ng gagamba mo." Inilahad ko sa harapan niya 'yong garapon.

"Kunin mo." Gaya ng utos ko, sinunod nga niya. Napangiti ako bigla. Inaasahan ko kasing hindi niya hahawakan 'yong garapon. Dahil tanda ko pa rin no'ng hinuli ko itong gagamba sa may Hanging Bridge at ipinakita sa kaniya, malma 'yong takot at arte niya pero ngayon parang walang kabakas-bakas.

"Ang laki ng gagamba mo, ah," puri niya. 

Kumurba ang mapanuksong ngiti sa aking labi. "Malaki talaga at mahaba pa."

"Oo nga, ang hahaba na nga ng mga galamay."

"Ano pa bang hinihintay mo? Hawakan mo na gagamba ko." Ngumuso pa ako. "May sinabi ka talaga sa akin noon. Kunwari ka pang hindi mo alam. Huwag kang mag-alala, mabait naman 'yang gagamba ko pero minsan, nagagalit nga lang." 

wish i could see your smileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon