7. Finding Inspiration

660 51 41
                                    

Chapter 7: Finding Inspiration

Landon

Sumisikat pa lang ang araw ay nandito na agad ako sa Hanging Bridge. Sinabihan ako ni Kuya na may last slot pa raw sa Song Writing Contest kaya ibig sabihin, nakahabol pa ako.

Dala ko ang gitara kong asul at ang notebook na pagsusulatan ko ng kanta. Siympre, pati 'yong bag ko kung nasaan 'yong gamot ko. Dala ko rin 'yong kulay dilaw na maliit na notebook na ibibigay ko kay Zara mamaya kapag dumating na siya.

Pinanood ko muna ang unti-unting paglitaw ng araw na nahaharangan ng mga nagtataasang puno, bago ako magsisimulang magsulat. Tanging kuliglig lang ang naririnig ko sa paligid at ang ihip ng hangin na tumatama sa dahon na nagmumula sa mga puno. Malamig pa ang simoy ng hangin, dulot na napag-iwanan ng lamig ng gabi.

Nang tuluyang lumitaw ang araw, huminga ako nang malalim at naghanap ng inspirasyon para masimulan na ang aking obra.

"Ano kayang klaseng inspirasyon ang paghuhugutan ko rito para sa kanta ko? Sakit ko? Pamilya ko o 'di kaya'y..." Napangiti ako sa sarili ko nang maalala ko ulit siya. "... Si Zara," halos bulong ko na lamang na pagkakabanggit sa pangalan niya.

Nakangiti ako habang tumatango-tango sa sarili. Tama. Siya na lang ang lalahadan ko sa kantang ito.

Mga ilan minuto pa bago ako nag-isip ng pamagat ng kanta. Humugot ako mula sa mga nangyari sa aming dalawa. Inalala ko ang mga sinabi niya at kung ang hitsura niya.

'Aayusin Kita'

Iyan ang pamagat na napagdesisyunan ko. Ilan minuto akong nakatulala at nag-isip naman kung paano ko masisimulan ang kanta. Nang makaisip na ako, agad ko iyon isinulat.

-

Nais kong maglakbay
Sa dating ikaw
Hawakan lang ang aking kamay
Ako ang iyong magiging bantay

Asaan na ang tunay na ikaw?
Gusto kong makita
Kahit sa isang segundo lamang

-

Dalawang stanza pa lang ang nasisimulan ko pero inabot na ako ng isa't kalahating oras. Hindi ako makapag-isip masyado. Ewan ko ba kung bakit. Pero pakiramdam ko, gusto ko nasa tabi ko siya para mas ganahan akong mag-isip at magsulat.

Tapos na rin akong uminom ng gamot na pang-7:30 AM.

"Anong ginagawa mo?" Napangiti ako sa sarili nang marinig ko na ang boses ni Zara. Nasa isip ko lang siya kanina, tapos ngayon nandito na agad siya.

Lumingon ako sa kanya. Malaube pa rin ang pasa nito at unti-unti nang nababahaw ang mga guhit ng sugat niya sa mukha. Ibang-iba na ang aura nito kumapara kahapon. Mabuti naman.

"Nagsusulat ng kanta. May sasalihan kasi akong song writing contest."

"Sabi na nga ba, talented ka. Marunong kang kumanta, maggitara at magsulat ng kanta. Lodi."

"Hindi lang ako marunong, magaling din."

Kumurba ang ngisi nito sa labi. "Ang yabang mo."

Napatawa ako.

"Patingin!" Agad kong isinarado ang notebook ko at inilagay ito sa likuran ko. Bawal niyang malaman na para sa kanya 'yong kantang isinusulat ko. Baka kung ano pa ang maaari niyang maisip.

wish i could see your smileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon