Kabanata 1

4.6K 137 62
                                    

Alipin

Sariwa at preskong hangin ang tanging maririnig sa paligid habang pinagmamasdan ko ang mga bituin sa kalangitan na siyang pumapalibot sa buwan. Nagpakawala ako ng isang malakas na buntong hininga bago sinimulang tungain ang tuba (alak) na kinuha ko lamang kanina sa kubong tinitirhan namin.

Tahimik ang paligid, sariwa ang hangin, maaliwalas sa pakiramdam na tanawin, tamang-tama lamang na view para sa mag-isang nag-iinom tulad ko!

Hindi ko napigilang mapapikit matapos lagukin ito at talagang gumuguhit ang pait nito sa aking lalamunan. Mas papait pa ba ito kesa sa nangyari sa buhay ko?

Dama ko ang pagbabanta ng tubig sa aking mga mata kung kaya muli tumungga ako ng alak. Tsk.

Ilang buwan na ba ang nakakalipas? Halos mag-iisang taon na nga ang nakakaraan matapos ang masalimuot na nangyari sa aking nakaraan pero heto't sariwang-sariwa pa rin sa akin lahat ng alaala at maging ang sakit na dulot nito ay nandidito pa rin. Halos araw-araw akong pinapatay ng mga pangyayaring iyon!

Pinilit ko namang magpakatatag pero talagang nakalaan na yata ang buhay kong magdusa habambuhay.

Bahagya akong napalingon nang maramdaman kong may umupo sa aking tabi halos 1 metro ang layo sa aking kinauupuan. Bahagya kong pinunasan ang aking mga mata nung tumingin ito sa akin pagkatapos sa hawak-hawak kong tuba. Umiling-iling naman ito nilipat na lamang ang tingin sa kalangitan. Wala kaming imikang pinagpatuloy ko na lamang ang pag-inom.

Lumipas ang isang oras at paubos ko na ang tuba at medyo nakaka ramdam na rin ako ng pagkahilo pero siya nanatili lamang tahimik na nakaupo at hinayaan ako sa aking ginagawa. Napatawa na lamang ako dahil marahil nasanay na ito sa araw-araw kong drama sa buhay. Kumbaga mas magugulat pa siya kung darating ang isang araw na hindi niya ako makikitang hindi tumutungga ng alak haha.

Yeah yeah Guys! Alam ko na hindi mainam para sa isang tulad kong Binibini ang maglasing at araw-araw tumutungga ng alak. But I dont hella care anymore! Ito ang kailangan ko, sa loob ng ilang buwan alak ang naging kasangga ko.

Muli kong pinagmasdan ang mga bituin sa kalangitan ngunit nagmistulang gumagalaw ang mga ito at parang nado-doble na ang tingin ko sa mga ito. Hindi ko na napigilan ang pag-agos ng luha ko.

Hanggang kailan ba ako masasaktan ng ganito? Nakakapagod na! Gustong-gusto ko nang sumuko. Sa araw-araw pakiramdam ko nabubuhay lamang ako para maramdaman ang sakit dito sa kaloob-looban ng aking dibdib. Mas nanaisin kong bumalik na lang muli sa dati kong buhay sa hinaharap. Maging Celestiel Serna na walang pakielam sa bagay-bagay kesa sa ganito na puno ng poot at pasakit ang nangyayari sa akin.

"Tapos ka na?" agad kong pinahid ng kamay ang aking pisngi. Hindi ko ito sinagot sa kaniyang katanungan sa halip ilang lagok pa ang ginawa ko sa alak na hawak-hawak.

"Tama na iyan. Bukas na ang umpisa ng iyong trabaho sa Casa Villadiego" wika nito. Hindi ako sumagot.

"Babalik na muna ako bukas sa Valencia" dagdag pa nito. Di ko naiwasang mapangiti ng mapait sa pangalan ng bayan na kanyang binanggit. Damn memories!
Tumango lamang ako bilang pagsagot dito kahit na pupungay-pungay na ang aking mata.

Hindi na ito muling nagsalita pa at pawang naninigurado na lamang ito na uubusin ko na lang itong boteng hawak ko bago umuwi sa amin. Huh, still the man with few words.

Ilang sandali pa'y lupaypay na akong napatayo at muntikan pang matumba kung hindi lamang niya ako naalalayan kaagad. Atleast he's still maginoo.

Inayos ako nito sa pagkakatayo bago dahan-dahang umaktong aakayin na ako ngunit bumitiw muna ako sa kaniya bago natatawa siyang pinasalamatan. "Thank you" saad ko at nagsalute pa sa kaniya.

Camino de Regreso (Way back 1896)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon