Kabanata 4

2K 98 29
                                    

Estranghero

"Ikaw Irina naranasan mo na rin bang umibig?" biglaang tanong ni Amelia out of nowhere "Nagkagusto ka na rin ba sa isang Ginoong mukhang suplado dahil sa malamig nitong paraang ng pagtingin?" at muntikan ko nang malumod ang buto ng pakwan dahilan upang masamid ako ng tuluyan! Gulay!

Agad naman itong lumapit sa akin upang abutan ako ng tubig at pinispis ang aking likuran "Ayos ka lang ba? Mukhang nabigla ata kita sa aking katanungan, pasensya na" nagu-guilty paliwanag nito.

Dali ko mamang iniinom ang tubig ng mahimasmasan "A-ayos lang" tugon ko sabay pinunasan ko ang aking mukha.

"Hay naku sino ba naman ang hindi mabibigla kung galing sa iyo ang ganiyang katanungan?" natatawang komento dito ni Nila.

Kasalukuyang andito kami sa isang kilalang panciteria sa bayan. Sa hindi malamang kadahilanan ay talagang dito pa ninais ni Amalia na kumain ng tanghalian. Kapansin-pansin tuloy na parang may hinahanap din siya dahil hindi pa rin nababawasan ang kaniyang pagkain at nakakailan na itong palingon-lingon gayong akoy tapos na at kumakain na ng pakwan.

"E kasi hindi ko rin maintindihan ang aking sarili e." nahihiyang sagot naman dito nito. Kunot noo ko itong tiningnan nang buong may pagtataka.

Bigla namang natawa ng malamya si Nila habang tinatakpan ang bibig ng kaniyang pamaypay. Nang tumigil ito napansin ata niya ang aking pagtataka.

"Hay naku Irina, sayang kasi umuwi ka na daw kaagad nung Sabado sa inyo. E etong si Amelia bumalik dito at saktong naabutan niya si Heneral Ferdinand at sa pagkakataong iyon kasama niya ang magiging bagong heneral sa bayan na ito" di pa natatapos itong magsalita nang pangunahan na siya magsalita ni Amelia.

"At di ka makakapaniwalang bata pa ang bagong Heneral! Halos kasing edadan lang natin at bukod doon napakakisig niya!!" kinikilig na saad nito.

"Kaya ba tayo andito dahil nagbabaka-sakali kang makikita ito ngayon dito?" tanong ko dito at tumango-tango naman ito na parang batang gusto ng kendi. Napa-irap na lang ako sa ere, basta lalaki talaga ang usapan active na active itong si Amelia.

Lumipas ang 2 oras at ni isang aninong naka suot uniporme heneral ay wala kaming nakita kaya naman halos lumapat na sa lupa ang nguso nito sa pagkadismaya hanggang sa bumalik kami sa hotel.

"O san ka pupunta? Di ka ba muna magpapahinga sa iyong silid?" nagtatakang tanong ni Nila dito nang balak nitong umalis kaagad.

"Maghahanap ako ng ibang sundalong pwedeng makausap at baka may makakapag bigay impormasyon sa akin kung nasan ang bagong heneral" mabilis na sagot nito bago iniwan na kaming dalawa ni Nila. Nagkatinginan kami parehas at kapway nagtaas balikat na lamang sa inaasta nito. Delikado ang isang iyon mukhang tinamaan!




"Pinsang buo talaga ako ni Amelia dahil ang nanay niya at ang aking ama ay magkapatid. 10 taong gulang ako nung akoy naulila kung kaya simula noon kinupkop na ako ni Don Rodolfo at tinuring na parang anak. Noong itinayo itong hotel de Kalilaya, dapat si Amelia talaga ang magpapatakbo nito tulad ng ninanais ni Don Rodolfo ngunit dahil nga sa masyadong laki sa layaw itong si Amelia, tinanggihan niya ang nais ng kaniyang ama. Kaya sa huli walang ibang pwedeng pagkatiwalaan ang Don kundi ako lamang. Mabuti na lamang at kahit isa akong babae ay pinag katiwala niya ito sa akin" pagkwe-kwento ni Nila sa akin. Parehas kaming nakaupo sa terrace ng hotel kung saan kitang-kita ang view ng buong bayan ng Kalilaya

"Ngunit muntikan ko ng masira ang kaniyang tiwala nang mag-asawa kaagad ako sa murang edad" bigla akong napatitig sa kaniya. May asawa na siya?

"O bakit nagtataka ka? Nasa tamang edad na naman tayo kaya ayos lang kung maisipan na nating mag-asawa. Yun nga lang sa kaso ko ang hindi nagustuhan ni Don Rodolfo ay ang pagpapakasal ko sa isang principales na halos doble ang tanda sa akin" pagpapatuloy pa nito.

Camino de Regreso (Way back 1896)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon