Kabanata 24

2K 101 135
                                    

Pagkabigla

Panibagong araw, panibagong kasiyahan ang namutawi sa aking umaga. Simula pagbukas ng aking busilig ay may mumunting ngiting hindi ko mapigilan ang sumilay sa aking mga labi.

Damn that Lucio effect on my system!

"Kay ganda ng umaga, may ngiti sa mga labi na hindi mapigilang mamutawi🎶"

Bumungad sa akin si Tala na kasalukuyang nag-luluto ng almusal at may pagkanta pang nalalaman. Hindi naman lingid sa aking kaalaman na ako ang pinaparinggan niya sa kaniyang awitin.

Pero masyado akong masaya kaya naman balewala sa akin kahit anong gawin niya hahaha.

Inabala ko na lamang ang aking sarili sa pagtitimpla ng kapeng barako. Nangingibabaw ang pait pagkahigop ko pa lamang dito subalit hindi ito naging dahilan upang mapawi ang ngiti sa aking mga labi. Waahh. Bakit pakiramdam ko ang ganda ng lahat at maging ang kapeng pinagkaitan ng tamis ay nagmistulang singlasa ng tsokolate sa mga sandaling ito?!

Hibang ka na Estiel!

"Mahal na Senyorita luto na po ang almusal" istorbo sabi ni Tala habang isa-isang nilalapag ang mga pagkain sa aking harapan.

See kahit daing na tuyo ay nagmistulang salmon sa aking paningin. Deputres talaga ganito ba kapag inlove?? Mukhang high kahit hindi naman nakatira ng drugs. Omy kaya pala nasasabihan silang sabog!! Luh di kaya mukha na rin akong sabog dahil kay Lucio??? De joke lang, landi ko lang! Aish

"Wow ang sarap naman ng almusal" saad ni Acong habang mabilis ng tumabi sa akin. Halatang kaliligo lamang nito.

Matapos kumain, nagpresinta kaagad ako na maghugas ng pinggan bagay na kinapagtaka ng dalawa.

"Ano ayaw nyo ba? Mas pabor yun sa akin" natatawang tanong ko kaya naman agad silang tumanggi inihatid pa ako sa mismong harapan ng bangerahan upang simulan ng maghugas ng pinggan.

Pasalamat talaga sila at masaya ako. Pakiramdam ko kahit malaking problema ay hindi tatabla sa akin. 

Isang oras bago sumapit ang tanghalian, ako na rin ang nagpasyang magluto. Natuwa pa ako sapagkat madami kaming stocks ng pagkain plus yung biniling baboy at manok ni Acong kanina sa katayan. Naisipan ko tuloy na magluto ng dalawang putahe for a change. Sa huli pastil na manok at asadong baboy sa pinya ang napagpasyahan kong lutuin.

Panay ang pag himno ko habang hinahalo ang niluluto.

Napansin ko ang paglapit ni Tala sa akin habang sinisilip ang aking niluluto. Naglipat-lipat ang tingin nito sa akin na parang may inuusisa.

"Ate kakaiba ka ngayong araw na ito" di na napigilang komento nito. Sandali kong tinigil ang paghimno at tinanong siya.

"Panong iba?" 

"Parang sobrang aliwalas ng awra mo ngayon at tilay nagniningning ang iyong mga mata kahit walang dahilan" gulong-gulong saad nito habang pilit kinilatis pa ang buo kong mukha.

Hindi ko napigilan ang paghagikgik bagay na mas lalong kinagulo niya.

"Hay naku Tala ang dami mong napapansin. Wag mo na muna akong istorbohin dito at si Acong nalang muna ang kausapin mo" saad ko pa na kinasimangot nito.

"Umalis nga si Kuya Acong kanina pa pagkadala niyang karne ng manok at baboy"

"San naman kaya yun nagtungo?" tanong ko pa at tanging pagkibit-balikat ang naisagot nito sa akin.

"Ate bakit dalawang putahe ang niluluto mo, may okasyon ba?" takang tanong na naman nito matapos kong ahunin ang pastil at ilagay sa mangkok.

"Wala naman. Naisip ko lamang na kesa masayang ang karne ng baboy ay maigi pa'y lutuin na lang din natin ito" 

Camino de Regreso (Way back 1896)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon