Paglayo
"Doktor bakit ganun wala namang sakit sa hika ang aking kapatid ngunit kanina halos hindi na siya makahinga? Mabuti't nadala namin siya kaagad dito" narinig kong tanong ni Acong. Nanatili lamang akong nakapikit.
Muli kong nararamadaman ang sakit sa aking puso nang maalala ang nangyari kanina. Bakit kailangan ko pang makaligtas? Dapat nawala na lamang ako kesa maramdaman ang sakit na ito!
"Naghalo-halo ang emosyon ng pasyente marahil masyado siyang nagagalak tapos biglang kabaliktaran ang nangyari at yun ang posibleng naging dahilan. Maaari ring sobra siyang nabigla kung may nalaman man siyang sikreto o matapos ninyong ibunyag ang katotohnan sa kaniya at di niya iyon kaagad matanggap kaya hindi naging wasto ang kaniyang paraan ng paghinga dahilan upang kapusin siya nito. Mabuti nga at nadala ninyo siya kaagad dito dahil hindi rin biro ang nangyari sa kaniya" tugon naman ng isang boses lalaking tinawag niyang doktor.
"Ano po ang dapat naming gawin sa ngayon?"
"Ilayo niyo muna siya sa anumang bagay na nagpapabago sa kaniyang emosyon. Base sa aking napapansing kalagayan ng iyong kapatid tilay siyay may dinaramdam na malaking problema. Kung sakaling kaya ninyong ayusin ay ayusin ninyo dahil ayon na rin sa iyong naikwento na nangari na ito noon sa kaniya. At baka sa pagkakataong ito ay tuluyan siyang sumuko at mapagod lumaban sa sakit na nadarama"
Di naglaon narinig ko ang pagsarado ng pinto. Naramdaman ko ang paglapit ni Acong sa akin at hinawakan pa nito ang aking kamay.
"Pakiusap magpakalakas ka Tinang. Ayokong mangyari na naman ang nangyari noon sa iyo, Pakiusap." nanghihinang aniya nito at ramdam ko ang pagpatak ng kaniyang luha sa aking kamay na kaniyang hawak-hawak.
Eto na naman ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata kahit pa nakapikit ako. Hindi ko alam kung bakit maski pagmulat ng aking mata ay aking kinatatamaran marahil hindi pa talaga ako handang harapin ang problemang kinahaharap ko ngayon.
Naramdaman ko ang pagpunas nito sa aking pisngi.
"Pakiusap ikaw na lang ang meron ako, hindi ko kakayanin kung pati ikaw ay iiwan ako" muling aniya ni Acong na tuluyan ng nagpadurog muli sa aking puso.
Pagod na pagod na ako sa lahat ng bagay, masaktan, umasa at mabuhay. Bakit paba ako binuhay kung kaakibat naman nitoy puro sakit at paasakit sa akin. Hindi ako sobrang lakas dahil nanghihina din ako at may mga oras na hindi ko na rin kinakaya ang lahat ng nangyayari sa akin.
"Pakiusap Tinang wag ka na munang mag-isip ng kahit na ano, iyan ang bilin ng iyong doktor" nangungusap na bilin sa akin ni Acong pagkahatid sa aking silid.
"Hindi pa daw dumarating sina Tiya kaya tayo lang ang nandito sa bahay. Ayaw kitang iwan ngunit kagaya ng sabi mo nais mo namang mapag-isa. Sige hahayaan kita basta kapag may kailangan ka katukin mo lamang ako sa aking silid kaagad" huling kabilin-bilinan pa nito na tinanguan ko na lamang. Nagda-dalawang isip pa ito kung aalis o ano ngunit sa huli nabigat ang paa nitong lumabas ng pintuan.
Hindi ko alam kung ilang oras ang tinagal ko kakatitig lamang sa kisame. Kabilin-bilinan ng doktor na wag akong mag-iisip ng kahit na anong problema ngunit paano ko naman iyon gagawin kung ang bigat dito sa aking dibdib ang nagpapaalala sa akin nito?
Naisipan ko na lamang na tumayo upang buksan ang bintana, sa ganun makalanghap na rin ng sariwang hangin. Doon ko lang din napagtanto na gabi na pala.
Kasasabi lang ng doktor pero ngayon heto na naman sa masaganang pagpatakan ang luha sa aking mga mata.
Kung nagkataon na hindi kami nahabol nina Acong at Yano kanina, disisanay kasal na kami ngayong dalawa ni Lucio.
BINABASA MO ANG
Camino de Regreso (Way back 1896)
Ficção HistóricaIkalawang Libro. Noon akala ko simple lamang ang buhay, basta humihinga ka at nakakain ng tatlong beses sa isang araw ay ayos na. Pero nung mapunta ako sa sinaunang panahon, namulat ang aking puso't-isipan. Lahat ng aking nasaksihan trahedya, kasawi...