Kabanata 38

1.4K 91 46
                                    

Ang Pagbabalik sa Valencia

"Salamat sa Diyos, ang tagal ko kayong hinahanap halos libutin ko ang buong Pilipinas makitalamang kayo tapos sino mag-aakalang na sa dinami-dami ng lugar dito lang pala kita matatagpuan sa tapat ng bahay ng aking asawa?" lumuluhang aniya nito, kumalas ako sa pagkakayakap niya.

"Asawa?" nagtatakang tanong ko.

"Mabuti pa'y sa loob tayo mag-usap dahil sobrang dami kong katanungan sa iyo pamangkin"

Bago pa man ako makapag-react ay hinila na ako nito papasok ng mansyon. Pero ang isipan ko ay naiwan sa palaisipang asawa niya so Heneral Ferdinand? E di ba dalaga pa rin siya tulad ng sinabi niya nung huli namin siyang nakausap sa Mercado halos isang taon na rin ang nakakaraan?!

Tumigil kami sa balkonahe ng kanilang bahay. Naupo ako sa katapat niyang upuan at doon nagsimula siyang magkwento.

"Sisimulan ko ang aking kwento matapos nung huli nating pagkikita sa Mercado  de Clase Superior (Market of the High Class)" panimula nito at tumango naman ako sa kaniya.

Kung inyong matatandaan ang Mercado ay matatagpuan sa Valencia kung saan namin siya nakita nina Ate Flor at Ate Lia nung araw na nagpapagawa siya ng kaniyang wedding gown at doon ko nakilala itong si Tita Florentina o Tiya Flora na siyang nag ma-may ari ng tahian. Noon ko din nalaman na itong si Tiya ay nakababatang kapatid ni Ama ngunit may hindi sila pagkakaunawaan kung kayat kahit kailan simula nung nagbalik ako sa kapanahunang ito ay never ko siyang nakitang napadpad man lamang sa aming hacienda.

"Matapos din ng araw na iyon, kinailangan kong umalis at magtungong Espanya. Hindi din ako nakadalo  ng kasal ng iyong Ate Lia dahil sa hindi namin pagkakaunawaang dalawa ni Kuya Frederico. Nawalan ako ng balita simula nun at habang nasa Espanya ako doon kaming muli nagtagpong dalawa ni Ferdinand hanggang sa nagpakasal kaming dalawa"

"Nagtagpong muli?" tanong ko at agad naman itong tumango.

"OO  iha, hindi mo pa nga yata alam ang istorya ng kabataan namin nina Kuya Frederico. Hala sige aking ikwe-kwento sa  iyo ngayon din" tumayo ito naglakad hanggang sa may parilya (grills) at doon sinariwa ang ihip ng hangin habang nakapikit.

"Sina Kuya Frederico, Orlando at Ferdinand ay magkakaklase noon simula elementarya hanggang sa nakapagtapos bilang Heneral. Ang matalik na kaibigan talaga ni Kuya ay si Orlando habang si Ferdinand ay matalik niyang katunggali sa lahat ng bagay pero kahit ganun dahil kay Orlando ay naging magkakaibigan parin silang tatlo. Minsan nagawi sa aming tahanan si Ferdinand noon at aaminin ko na siya ang kauna-unahang Ginoo na nagparamdam ng kaniyang damdamin sa akin bagay na tinutulan ni Kuya Frederico, nirespeto naman ito nito kung kayat kahit na nasa wastong gulang na ako ay hindi pa rin ako nagawang ligawan man lamang ni Ferdinand hanggang sa matapos ang kasal nina Kuya Frederico at Eleanora ay nagpasya na itong mamuhay at magpadestino na lamang sa España bilang Heneral doon" malungkot na kwento nito na kinagulantang ko. Like Fudgie bar!!

Gaano kaliit ang mundo na si Heneral Ferdinand pala ay kaibigan ni Ama kaya pala ganoon sila kalapit ni Heneral Orlando sa isa't-isa!! Pero hindi kaya nito alam na ako ay anak ni Ama?

"Tiya kaya po ba kayo may hindi pagkakaunawaan ni Ama ay dahil sa pagtutol niya sa inyong dalawa ni Heneral Ferdinand?" tanong ko pa na nakakuha ng kaniyang atensyon.

"Hindi Ija. May iba pang rason" diretsahang tugon nito.

"Ano po iyon?"

Pinakatitigan muna ako nitong maiigi bago nagsalita.

"Dahil sa nalaman ko ang kaniyang pinakatatagong sikreto. At iyon ang tungkol sa iyong totoong katauhan Celestina, na ikaw ay anak niya sa ibang babae" napalumod laway na lamang ako "Hindi ko maatim ang panloloko niya kay Eleanora at sa buong pamilya ninyo. Ilang beses kong pinagtangkaang ipagtapat ito sa inyo ngunit ayaw ko ring pangunahan si Kuya Frederico kung kayat inilayo ko na lamang ang sarili dahil hindi ko kaya ang pagtatago niya sa totoo mong pagkatao" mapait na dagdag pa nito. Hindi ako nakaimik. Bakas ang galit sa kaniyang ekspresyon.

Camino de Regreso (Way back 1896)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon