Muling Hamon ng Gobernador
"Pumahin Señor ngunit may nais sana akong isangguni sa inyo" bigla akong natigilan ng magsalita si Yano. Nakatutok lamang ang mga mata nito kay Señor Rafael na mukhang nabigla din sa pagsabat nito sa kanilang usapan.
"Ano iyon Cypriano?" tanong ni Señor Rafael at bakas sa tono nito ang pagod at pagdadalamhati.
"Kung inyong mamarapatin ay nais kong pag-isipan pa ninyo ng mabuti ang inyong binabalak" matapang na aniya nito na maging ako man ay kinapagtaka.
"Ano ang iyong ibig sabihin?" takang tanong ng Señor.
"Hindi ko nais na pangunahan kayo o ano pero sanay inyong pakaisiping mabuti na kung kikitilin lamang ninyo ng buhay ang heneral, ano ang mangyayari? Ang malaking hadlang sa ating plano ay ang Gobernador at mga opisyales ng gobyerno, mawala man ang heneral ay balewala lamang sa kanila ito. Kung kaya't aking iminimungkahe na bakit hindi natin gamitin ang ating alas laban sa kanila?" nakangising aniya nito. Hindi ako makapaniwala sa naririnig mula sa kaniya. Ano ba ang binabalak nitong si Yano?
"Paanong gawing alas at isa pa gaano ka nakakasiguro na magiging tapat sa atin ang heneral na iyan?" sunod-sunod na tanong pa nito.
"Ang Heneral na iyan ay minsan na rin naging kakampi ng pamilya de la Serna, nagkataon lamang na tapat siya sa kaniyang posisyon at sa gobyernong kaniyang pinagtra-trabahuhan. Pero kung sakali ay nais kong ako mismo ang humikayat sa kaniya upang sumali sa ating grupo. Aking sisiguraduhin na makukuha ko ang kaniyang katapatan sa atin at kung sakali mang hindi umayon sa atin ang plano, handa akong managot bilang kabayaran sa lahat" seryosong aniya pa nito.
"Y-yano" hindi makapaniwalang usal ko. Ngumiti lamang ito ng tipid sa akin bago muling tumingin kay Señor Rafael na ngayon ay tilay pinag-iisipang mabuti ang kaniyang sinabi.
"Bueno malaki ang aking tiwala sa iyo Cypriano. Basta siguraduhin mo lamang na makukuha natin ang kaniyang katapatan dahil oras na ilaglag tayo ng heneral na iyan, magkapatawaran na ngunit maghanda na kayo ng sariling hukay na paglalagyan ng inyong mga labi" huling wika ng Señor sa nagbabantang tono bago umalis at sumunod naman dito si Simon.
Kahit papaano ay naibsan ang bigat at pangamba sa aking dibdib pero hindi ko rin maiwasan na matakot para kay Yano. Agad ko itong hinigit upang kausapin ng walang nakakarinig sa amin.
"Anong kahibangan ang iyong iniisip at maging buhay mo ay iyong itinaya para lamang kay Lucio?" tanong ko sa hindi makapaniwalang tono.
"Para nga lang ba sa kaniya?" tanong nito na parang may nais pang tukuying iba. Nangunot ang aking noo at nagtatakang napatitig sa kaniya "Celestina hibang na kung hibang ngunit alam na alam ko ang tumatakbo diyan sa iyong isipan. Batid ko na hindi lamang si Lucio ang mawawala oras na patayin siya nina Señor, kundi pati ikaw sa amin" makahulugang aniya nito, hindi ako nakasagot dahil may parte sa akin ang hindi nakaiwas sa kaniyang sinabi. Tilay isang bombang sumabog ang katotohanan na ganoon na nga ako kahibang kay Lucio.
"Sa ngayon wala na tayong magagawa kundi ang hikayatin siya na sumapi sa ating samahan at ikaw lamang ang makakagawa noon" dagdag pa nito na pawang nakikiusap ang tono ng pananalita.
"Paano kung hindi siya pumayag? Mayado siyang tapat sa kaniyang tungkulin kaya imposible na mapapayag ko siya gayong halos kasuklaman niya ako sa ideyang isa akong kasapi ng mga rebelde" nanghihina kong patotoo. Kung may iba lamang sanang paraan.
"Bueno kung hindi madadala sa pakiusapan ay hindi rin ako magdadalawang isip na gawin ang lahat sa dahas" aniya pa nito na hindi ko lubos na naunawaan. Pero kahit ganun ay malaki ang tiwala ko kay Cypriano.
BINABASA MO ANG
Camino de Regreso (Way back 1896)
Historical FictionIkalawang Libro. Noon akala ko simple lamang ang buhay, basta humihinga ka at nakakain ng tatlong beses sa isang araw ay ayos na. Pero nung mapunta ako sa sinaunang panahon, namulat ang aking puso't-isipan. Lahat ng aking nasaksihan trahedya, kasawi...