Kabanata 35

1.7K 89 74
                                    

Hiwalayan

May ngiti sa mga labing umalis kami sa lugar na iyon at dumiretso pauwi ng bahay.

"Oh ano tuloy na ba ang kasalan? Kailangan ko na bang magpatahi ng susuotin?" bungad na sunod-sunod na tanong sa amin ni Acong. Kapwa kaming nagkatinginang dalawa ni Lucio at natatawang tumango sa kaniya.

"Ay sus kung makangiti kayong dalawa kala nyo namay hindi nagdrama ng isang linggo" iiling-iling na komento pa nito na nagpaiwas tingin sa aming dalawa. Napansin ko sa may tabi si Tala na nahihirapan sa pagdidikit ng apoy kaya naman agad akong nagpaalam dito sa dalawa upang lapitan ito.

"Marco nais ko sanang magpaalam kung maaariy dito muna ulit ako tumuloy" narinig kong saad dito ni Lucio. Saktong naupo na ako sa tabi ni Tala at kinuha ang dalawang bato sa kaniyang kamay.

"Ate buti nalang dumating ka, kanina pa ako nahihirapan diyan" maktol nito na tanging tinaguan ko na lamang bago ibinalik ang atensyon sa pakikinig kina Lucio at Acong.

"Ayos lang naman sa akin kaibigan at walang problema, basta bawal pa rin kayong magratig ni Tinang hanggat hindi kayo kinakasal." paalala pa nito.

"Alam ko iyan at wala rin akong balak na ibang gawin kundi maghintay sapagkat siyay aking nirerespeto higit pa kanino. Ang nais ko lamang ay makasama siya buong maghapon at tanging siya ang masisilayan sa pagmulat at pagpikit ng aking mata" tugon nito sabay sulyap sa gawi ko. Di ko naiwasan ang pag-iinit ng aking pisngi kaya naman agad akong nag-iwas tingin kahit na nangingiti at pinagkiskis na lamang ang dalawang bato upang makagawa ng apoy.

"Uy si Ate kinikilig" pambubuyo pa sa akin ni Tala habang kinikiliti ako sa tagiliran.

Tanggalang iyan daig pa namin ang teenager na kakaamin lamang ng nadarama sa isa't-isa!

Akala ko matapos ang mga nangyari, magkakaroon ng lamat ang relasyon namin ni Lucio ngunit nagpapasalamat ako na hindi iyon nangyari, sa halip pinadama niya sa akin na siya parin ang nag-iisang Ginoong minahal ko ng tunay at hindi iyon kailanman nawala sa kaniyang katauhan.




"Dito ko ipinalibing ang kanilang labi, nais pa sanang ipatapon na lamang sila ni Ama sa Ilog ng mga patay ngunit ako ang nagdesisyon na mabigyan man lamang sila ng maayos na puntod" malungkot na pabatid sa akin ni Lucio matapos ako samahan sa bundok kung saan nakalibing sina Aling Iska, Mang Mando at mga kasamahan nila.

Walang pag-aatubili akong lumapit sa puntod ng mga ito na tanging kawayang naka-krus lamang ang pagkakakilanlan.

"Hindi ko alam kung sino sa kanila ni Ama ang nagsasabi ng totoo kung kaya't matapos mong sabihin sa akin ang nalaman mula sa mga ito ay di ako nag-atubiling magpa-imbestiga at lumalabas na sila nga ay pamilya ng mga taong sumugod kay Ama nung nasa lalawigan palang kami ng Laguna. Nang dahil sa mga ito muntikan na siyang mapahamak kung kayat natural lamang na mapatawan sila ng karampatang parusa" saad ni Lucio pagkalapit sa akin at kapwa kaming nakatitig sa puntod.

Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking kamay kaya naman malungkot akong tumingin sa kaniya.

"Nais kong humingi ng tawad kung nadismayado ka sa aking ginawa. Batid kong hindi makatao ang aking nagawa kay Mang Mando" bakas ang pagsisisi sa tono nito.

"Ngunit Senyorita nais ko ring iyong mabatid na sa buhay natin mahirap mahanap ang hustisya. Balik-baliktarin man ang sitwasyon, silay nagkasala pa rin at natural lamang kay Ama na silay ipahanap hanggang sa matugis nang tuluyan sapagkat hindi niya nalalaman ang kilos ng mga ito. Nagkataon lang na ang mga taong ito ay nadamay sa sitwasyong ito" dagdag pa nito. Nanatili akong tahimik at hinayaan lamang siyang ilabas ang kaniyang saloobin.

"Sa buhay hindi lahat ng hinahangad natin ay naiibigay sa atin sa madaling paraan. Sabi nga nila, madali pang mamatay kesa hanapin ang hustisya sa buhay na mayroon tayo" huling saad nito na lubusang nagpaunawa sa akin kung ano ang nais niyang ipabatid.

Camino de Regreso (Way back 1896)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon