Kabanata 13

1.8K 142 64
                                    

Tulak ng bibig, Kabig ng dibdib

"Hiwalayan mo ang iyong nobyo at bumalik ka na sa akin"

Sa mga sandaling ito isa lang ang napatunayan ko, at iyon ay nagbago na nga siya. Kailanmay hindi ganito ang nakilala kong Lucio.


Isang ngiting nakaka-insulto ang sinukli ko sa kaniya. Nagpapatawa ba siya?

"Hindi mo alam ang iyong sinasabi" wika ko sa kaniya.

"Hindi ako hihiling ng isang bagay lalo na kung hindi ko ito pinag-isipang mabuti" sagot naman nito.

Napapakit ako ng mariin at hindi ko naiwasan ang pagkuyom ng aking kamao.

"Nahihibang ka na ba Lucio?" di na ako makapagpigil. Parang anytime sasabog ako sa galit.

"Kung iyon ang iyong naiisip ay marahil nahihibang na nga ako" pag-surrender nito na may ngisi sa labi.

"Nagbago ka na nga. Hindi na ikaw yung Lucio na nakilala ko noon" aniya ko dito. Bahagyang na napaltan ang ekspresyon nito kahit pa pilit pinanatiling kalmado ang sarili.

"Ngayon palang sinasabi ko sa iyo Ginoo na hindi ako sang-ayon sa iyong kondisyon. Kung ayaw mong pagbigyan si Amelia ay mauunawaan ko ngunit kung nais mo lamang siyang saktan ay mas makakabuti kung ngayon pa lamang ay tigilan mo na kami" diretsahang sabi ko bago mabilis ng naglakad paalis sa lugar na iyon.

Pagkabalik ko sa Casa Villadiego ay agad kong nakita si Amelia na nag-aabang habang lumawak ang ngiti sa mga labi nung nakita akong bumaba ng kalesa.

"Ano Irina naabot mo ba sa kanya ang liham? Anong sabi?" salubong na tanong nito.

Pinakalma ko naman muna ang aking sarili dahil hanggang ngayon kumukulo parin ang dugo ko sa mga pinagsasabi sa akin ni Lucio lalo na iyong kondisyon niya.

"Naibigay ko mismo sa kanya ngunit hindi na ako nagbigyan ng pagkakataong maka-usap pa siya ng matagal dahil masyadong abala ang heneral" tanging saad ko.

"Ganun ba?" medyo nalungkot ito. "Ay hayae na nga. Basta ang importante tinanggap niya ang sulat" dagdag pa nito bago inaya na ako papasok sa loob.

Kasalukuyang nag-aayos ako ng gamit sa silid ni Amelia habang ito ay nakaupo at nakatanaw sa labas ng bintana habang nakahalumbaba sa hampasimano.

"Nabasa na kaya niya?" tanong nito.

Nagpatuloy ako sa pagliligpit ng kaniyang mga saya.

"Darating kaya siya bukas? Anong gagawin ko kung sakaling hindi niya ako paunlakan?" dagdag pa nito sa tonong nagpapanik.

Sandali akong natigilan at hindi alam ang dapat sabihin. Maski ako ay di sigurado kung sisipot pa siya bukas gayong hindi ako sumang-ayon sa kaniyang kondisyon.

Nanatili akong tahimik at pinagpatuloy na lamang ang ginagawa. Bahala na siya sa buhay niya!

Kung hindi man siya dadalo bukas ay mas maiigi na rin iyon upang hindi na umasa pa si Amelia sa kaniya kahit na batid kong masasaktan ito. Hindi ako nakakaramdam ng guilt dahil sa hindi ko napagbigyan ang kagustuhan ni Lucio dahil pagbalik-baliktarin man ang sitwasyon, masasaktan at masasaktan namin si Amelia anut-ano pa man ang aking maging desisyon at kung sakaling pumayag man ako sa ninanais ni Lucio, mas gugulo at magiging komplikado lamang ang sitwasyon.

Madaling araw nung tumulak na kami sa pamilihan. Kaming dalawa ni Tala ang isinama ni Manang upang mamili ng putahe para mamaya. Darating na kasi si Don Rodolfo at inaasahan din nito na mamaya din ihaharap ni Amelia ang Ginoong napupusuan which is dapat si Lucio.

Camino de Regreso (Way back 1896)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon