Singsing
Ano daw, si Don Thomas Izquedor na ang gobernadorcillo sa Valencia!?
Muling bumalatay ang sakit sa aking ulo mula sa nalaman.
"K-kailan pa?" nanghihina tanong ko.
"Halos 5 buwan na rin ang nakakaraan" tugon ni Yano pagkay nauna nang tumayo ngunit bago pa man makaalis ay may ipinayo pa ito sa akin.
"Pakiisipan mong mabuti Celestina"
Agad na itong naglakad papalabas ng kusina, naiwan kaming dalawa ni Acong na pawang hindi pa rin makapaniwala sa nalaman.
Nanatiling palaisipan sa akin ang mga nalaman pati ang desisyon kung ibebenta pa ba ang Hacienda de la Serna gayong sa pamilya Izquedor lang naman pala ito mapupunta kapag nagkataon.
Ilang araw na akong aburido at pawang walang maisip na dapat gawin, sinasabi ni Acong na wag na wag daw akong papayag na si Don Thomas ang makakabili ng hacienda. Naisip ko rin, wala na bang ibang maaaring maging buyer?
"Binibini tumingin ka naman sa dinadaanan mo" galit na angal sa akin ng isang matandang babae. Sa sobrang okupado ng aking isip ay di ko nalamayan na nabangga ko na pala ito.
"Naku pasensya na po Ale. Hindi ko po sinasadya" nahihiyang ani ko sabay dampot ng nalaglag niyang bayong. Tumango na lamang ito sa akin na tinanggap ang bayong bago naglakad na papalayo sa akin.
Doon nagbalik ako sa wisyo, like My God Estiel! Nasa kalagitnaan ka ng pamilihan tapos lutang habang naglalakad! Parang tanga lang!
Huminga muna ako ng malalim bago nagfocus na lamang sa dapat gagawin. Kailangan ko kasi bumili ng iuulam namin para mamayang tanghalian.
Nasa kasagsagan ako ng pamimili nang marinig ko ang pagtawag sa aking ngalan.
"Celestina" nang lingunin ko ito ay si Dayanara lang naman pala. Sandali kong tinigil ang ginagawa bago nilapitan ito.
Halos ilang araw na rin ang nakakaraan nung huling enkwentro ko sa kanilang pamilya at matapos din nung araw na iyon ay hindi pa kaming nagkikitang muli ni Lucio.
Aking nauunawaan na may sarili siyang nilulutas na problema sa pamilya at maging ako ay may sarili ring problema sa hacienda.
"Anong kailangan mo sa akin Dayanara?" walang gana kong tanong.
"Wag tayo dito mag-usap. Sumunod ka sa akin" saad nito bago tumalikod na kaagad. Para akong tupang sumunod sa pastol. Tss.
Sa isang parang kami tumigil, likurang bahagi ng pamilihan. Sumilong ito sa ilalim ng punong mangga at agad naman akong lumapit sa kaniya.
"Ano na naman ang iyong sasabihin sa pagkakataong ito?" matapang na tanong ko na kinangisi niya. Napailing na lamang ako sa napagtanto nawala na ang dating maamo niyang mukha.
"Talagang pinanindigan mo ang pagiging walang delikadezang Binibini" nanunuyang panimula nito. Sobra-sobrang pagtitimpi ang aking ginawa.
"Kung naparito ka na naman para ulitin ang panlalait sa akin, sinasabi ko sa iyong nagsasayang ka lamang ng laway. Buo na ang desisyon namin ni Lucio at kahit ilang masasakit na salita pa ang ipaulan mo sa akin ay hindi na ito mababago pa"
Napaltan ng pagkaseryoso ang kanina lamang ay nakangisi niyang mukha. Batid kong nagagalit ito sa akin.
"Naparito ako upang may itanong sana sa iyo" pag-iiba nito ng topic. Napataas kilay naman ako sa kanya.
"Ang Hacienda de la Serna," panimula nito na kinaseryoso ko. "sa inyo pa rin ba?" pagpapatuloy nito.
"Bakit gusto mong malaman?" tanong ko habang masinsinang tinitingnan ang kaniyang reaksyon.
BINABASA MO ANG
Camino de Regreso (Way back 1896)
Historical FictionIkalawang Libro. Noon akala ko simple lamang ang buhay, basta humihinga ka at nakakain ng tatlong beses sa isang araw ay ayos na. Pero nung mapunta ako sa sinaunang panahon, namulat ang aking puso't-isipan. Lahat ng aking nasaksihan trahedya, kasawi...