Kabanata 19

1.8K 94 36
                                    

Kapahamakan


Ilang araw na rin ang nakakaraan matapos ang madamdamin naming pag-uusap ni Lucio. Sa huli pumayag din naman siya ngunit ang sabi niya oras na hindi masunod ang balak ni Amelia, ay hindi daw siya magda-dalawang isip na iharap ako sa lahat at ipakilala bilang kaniyang nobya.

Halong saya, kilig, galak at kaba ang aking naramdaman sa mga sandaling sinabi niya ang mga salitang iyon.

Sa ngayon iwinaglit ko muna ang naramdaman at nagfocus na lamang sa trabaho. Kasalukuyang nagsasalin ako ng tubig sa baso ni Amelia.

"Ama kailan na po mauumpisahan ang operasyon ni Manang?" tanong ni Amelia sa Ama habang nag-aalmusal silang dalawa sa hapagkainan.

"Pagkatapos ng kasal ninyo mismo" bigla akong napa-igtad sa sinagot ng Don.

"Ama napag-usapan na natin ang tungkol sa bagay na ito! Nais ko munang mas lubusang makilala ang Ginoo bago ako magpakasal sa kaniya at iyon din ang napagkasunduan namin" angal ni Amelia.

"Walang operasyong mangyayari hanggat walang kasalang nagaganap" aniya pa ng Don. Napaghigpit ang kapit ko sa pitsel na hawak-hawak.

"Ama kailangan nang maoperahan sa lalong madaling panahon si Manang. Kung iintayin mo pa ang kasalan baka may hindi magandang mangyari sa kaniya!" galit na saad pa ni Amelia.

"Anong nais mong imungkahi kung ganun?" madiin na tanong ng Don dito.

"Paoperahan mo na si Manang at tungkol sa kasal, nais kong maghintay pa ng kahit ilang buwan bago ito matuloy. Hindi pa ako handang talikuran ang buhay dalaga. Nais ko pang mas magkabutihan kami ni Heneral Lucio bago siya mapangasawa"

"Hindi ako makakapayag na patagalin pa ninyo ang kasal! Sa lalong madaling panahon, kailangan kasal muna bago ang operasyon"

"At ano Ama kung kailan wala na si Manang saka mo pa balak siyang pa-operahan? Para san pa pala ang pagpapakasal na ito kung mawawala rin naman pala si Manang?" nagmamaktol na tanong ni Amelia.

Sobrang sama ng pakiramdam ko dahil sa kanilang usapan. Tama nga ang hinala ko na tuso at tipong hindi magugulangan itong si Don Rodolfo. Kailangan naming mag-isip nina Amelia ng paraan upang mapasakay ito sa aming plano.

"Irina!" Sa sobrang tense ko hindi ko namalayang umaawas na pala ang tubig sa baso na aking sinasalinan. At sa kasamaang palad natapunan ko si Don Rodolfo, kaniyang baso na kasi ang aking sinasalinan after nung kay Amelia. Shocks!

"Mierda!" galit na saad nito. Dali itong tumayo at pinunasan ang natapunang damit. Agad na rin itong tinulungan ni Amelia sa pagpupunas.

"P-paumanhin po Don Rodolfo" natatakot kong saad.

"Ayusin mo naman ang trabaho mo. Binabayaran kayo dito ng sapat kaya't sanay ayusin ninyo ang pagsisilbi sa amin" galit na tugon niya. Napatungo na lamang ako sapagkat hindi ko alam ang dapat gawin.

"Ama wag mo namang singhalan si Irina. Hindi naman niya sinasadya ang nangyari" pagtatanggol pa sa akin ni Amelia.

"Ewan ko sa inyo! Mierda! Magbibihis muna ako" galit na asik pa nito bago padabog na tinapon ang pampunas sa lamesa.

Nangangatal ang aking kamay na binaba ang pitsel na hawak-hawak.

"Wag kang mag-alala Irina. Mamaya din ay lalamig na ang ulo ni Ama" saad pa ni Amelia sa akin. Subalit hindi man lamang ito nakatulong sapagkat pawang palaisipan pa rin sa akin ang sinabi ng Don na hindi matutuloy ang operasyon hanggat walang kasalang nagaganap! Shit!

Hindi maaari!

"Amelia paano ngayon ang iyong plano gayong mukhang hindi ninyo maiisahan ang iyong Ama?" nababahala kong tanong dito.

Camino de Regreso (Way back 1896)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon