Kabanata 40

1.5K 82 68
                                    

Pagbalik sa Hacienda de la Serna

Hindi ko naiwasan ang kagalakan sa aking puso habang pinagmamasdan ang Lawa ni Saria. It felt surreal, nakabalik na nga talaga ako!

Nakangiti pa ako habang dinadama ang preskong hangin. Muling nanumbalik sa akin ang alaala naming dalawa noon dito ni Lucio, nung kapanahunang maestro ko pa siya haha.

Subalit agad ding nawaglit ang ngiti sa aking nga labi nang lingunin ko ito. Simula kanina, kahit nung nasa kalesa kami ay hindi man lamang ako nito pinapansin.

"Lucio" pag-aagaw ko sa atensyon nito kaso hindi ito nagpatinag at nanatili pa rin ang mata sa lawa.

"Uy Lucio" sinubukan kong mas lambingan ang tono subalit nakailang tawag pa ako ay hindi pa rin ako nito nilingon naiirita tuloy akong umisod papalayo sa kaniya.

"Bakit mo pa ako dinala dito kung hindi mo rin naman pala ako papansin?"

Di ko naiwasang magtantrums sa kaniyang harapan. Mantakin mo ba naman na excited ako sa ideyang muli kaming magkikita at magkakasama tapos ngayon eto na, hindi ka naman papansinin! Sige nga sinong matutuwa aber?!

Sa sobrang inis ko tumalikod ako sa kaniya habang pinagkrus ko pa ang aking dalawang braso sa may dibdib. Mukha tuloy akong spoiled brat.

"Senyorita" biglang nanlalambing na tawag nito. Tinaasan ko ng kilay kahit na hindi niya nakikita reaksyon ko.

"Senyorita"

Mas lalo pa itong lumapit at naramdaman ko ang pagyakap ng kaniyang braso sa aking beywang at ang ang kaniyang baba ay ipinatong niya sa aking balikat.

Che! Hindi ako madadala sa panlalambing! Tama Estiel wag marupok!

"Pambihira ako ang dapat magalit tapos sa huli, ako parin pala ang manunuyo" rinig kong aniya pa nito sa sarili pagkay mas lalong ibinaon ang kaniyang mukha sa aking leeg.

"Paumanhin Senyorita at sanay pansinin mo na ako. Masyado lamang akong nadala ng aking damdamin at hindi ko naiwasang manibugho habang nakikinita na may ibang bisig na yumayakap sa iyo tapos maririnig ko pa ang mga panunukso nila sa inyong dalawa ni Luis. Sinubukan ko namang respetuhin ang inyong usapan ngunit hindi ko talaga maatim na may ibang lalaking itinutukso sa iyo, dapat ako lamang. Alam mo kung gaano ako kadamot at talagang ipagdadamot kita maski kay Cypriano o kay Luis pa. Dapat ako lamang ang lalaking nararapat para sa iyo" masinsinang aniya pa nito na kinalambot ng aking puso.

Kung tutuusin may kasalanan nga rin naman ako dahil pansamantala ko siyang nakalimutan nang makita ko sina Raquelita kanina. Bakit ko ba nakalimutan kung gaano siya kapossesive at kaseloso? Aish minsan pala hindi rin masarap sa pakiramdam ang maging maganda. Charot!

Dahan-dahan ko siyang hinarap at bahagyang kumalas sa pagkakayakap sa aking beywang. Nakangiting hinawakan ko ang kaniyang pisngi

"Lucio kaibigan ko lamang si Luis. Hindi ba't naikwento ko na sa iyo na silang dalawa ni Raquelita ang tumulong sa amin noon na maitakas si Ina? Kaya wala kang dapat ikaselos, dahil kahit ilang lalaki pa ang lumapit sa akin, sa huli sa iyo lamang ako babalik at ang mga bisig mo lamang ang aking kusang yayakapin."

Agad naglabasan ang kaniyang mapuputing ngipin at halatang kinilig sa aking mga sinabi. Hays Lucio kakaloka ka!

"Talaga?" tuwang-tuwang tanong pa nito na kala mo'y touch na touch pa siya sa aking sinabi.

Pambihira kala mo naman babago-bago kami e ilang cheesy words na ba ang binitawan namin sa isa't-isa? Pero kumsabagay kahit naman sa kaniya hanggang ngayon hindi nawawala ang kakiligan ko tuwing kami'y magkasamang dalawa.

Camino de Regreso (Way back 1896)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon