Kabanata 14

1.8K 124 30
                                    

Muling Pagsugal


"Irina sunog na ang manok" biglaang saad ni Manang Fe sa akin na nagpabalik sa aking ulirat. Nagpapanik kong hinalo ang manok na mejo natusta na. Shit!

Baka magmukha itong fried chicken imbes na pastil ah! Aish!

"Ija ikaw ba ay may dinaramdam? Kung sakaling may problema ka ay maaari mo akong sabihan upang ikay aking madamayan" ani ni Manang Fe. Nahihiya naman ako ditong tumingin.

"Aba e halos isang linggo ka nang ganiyan. Lutang at di makakilos ng ayos. Kung nais mong magpahinga muna kahit ilang linggo ay papayagan kita tutal wala naman dito si Amelia" dagdag pa nito.

Noong isang araw kasi umalis sina Amelia at Don Rodolfo upang umuwi muna sa Sugbu (Cebu). Sa susunod kasi na linggo ay death anniversary daw ng ina nito. Nais pa nga sana ako nitong isama mabuti't hindi pumayag si Don Rodolfo at dumito na lamang daw ako.

Kahit papaano ay nabawasan ang aking problema dahil sa totoo lang hindi ako makakilos dito sa bahay lalo pa't kapag kasama ko si Amelia. Kinakain ako ng guilt at pakiramdam ko isa akong traydor na kaibigan. Sa kabila ng kabutihang idinulot niya sa akin tapos sa huli sasaktan ko lamang siya.

Minsan na ako natraydor ng pinagkakatiwalaan kong kaibigan at ayaw kong maranasan ni Amelia ang sakit na aking nadarama.

Isa pang problema ay ang mga sinabi ni Lucio, walang araw na hindi ko pino-problema iyon. Isang napakalaking konsumisyon ang dinulot niya sakin. Pero kahit ganun, hindi ko ipagkakaila na kahit papaano ay may tuwa sa aking puso. Yun nga lang kinakain ako ng guilt at puno ng what ifs ang aking isipan.

Sa huli napagdesiyunan kong magpaalam kay Manang Fe na magbabakasyon muna ako ng ilang linggo sa amin. Kailangan kong mag-isip at magdesisyon ng mabuti. Hindi maaari yung ganito na magpapadala na naman ako sa bugso ng damdamin. Iba na ang kondisyon noon at ngayon kaya dapat seryosohin ko ang tungkol sa bagay na ito.

Isang linggo na ang nakakaraan simula nung huling pag-uusap namin ni Lucio, hindi naging malinaw ang lahat at bukod pa doon tilay nagkaroon sila ng matinding pagtatalo ni Amelia kinabukasan ng araw ding yun.

Ayon kay Amelia nagalit ito dahil hindi niya nilinaw ang balak na pagpapakila dito sa kanyang ama at bukod doon ay wala silang usapan tungkol sa kasal. Lubha daw itong nagulat dahil sa hindi inaasahang salubong ni Don Rodolfo dito at maging ang pagpupumilit na makilala ang buong pamilya nito ay wala sa plano.

Ang balak lang daw noon ni Lucio ay dumalaw kay Amelia bilang nag-aalalang kaibigan. Kung kaya't hindi nito naiwasang magalit sa ginawa ni Amelia.



"Paano ba iyan hanggang sa muli kong pagbabalik nalang dito. Aalis na ako at baka maiwan ako ng barkong aking sasakyan" paalam ni Yano sa akin. Kasalukuyan ko itong inihatid hanggang sa sakayan.

"Mag-iingat ka at kung may problema... h-handa na akong makinig ano pa man ito" nahihiyang sabi ko dito na kinabigla niya ng kaunti.

"Kung iyan ang iyong pasya ay makakaasa ka. Sige na, mag-iingat ka rin pagbalik sa inyo" huling saad pa nito bago naglakad na palapit sa barkong sasakyan pauwi ng Valencia.

Hinintay ko ito hanggang sa tuluyan ng umandar ang barkong lulan nito. Agad akong lumapit sa kalesa na kasalukuyang nirentahan niya sa araw na ito upang maghahatid rin sa akin pauwi.

Mag-isa lamang ako sa bahay pagkauwi dahil nakaalis na si Yano kanina, si Tala ay may pasok sa Casa Villadiego dahil ako lang ang pinahintulutan ni Manang since tagapagsilbi naman daw ako ni Amelia at ngayon nasa Sugbu naman ito kaya ayos lang. Habang si Acong ay kasalukuyang nasa trabaho sa mga oras na ito at mamaya pang hapon ang balik nito.

Camino de Regreso (Way back 1896)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon