Kabanata 20

1.6K 95 46
                                    

Biglaan


Pagkamulat ng aking mata agad kong napagtanto kung nasaan akong lugar. Akma na sana akong tatayo ng isang kamay ang pumigil sa akin.

"Hindi ka pa maaaring kumilos" aniya sabay balik sa kaniyang ginagawa. Napansin ko ang isang lamesa na pinagpapatungan niya ng kaniyang med kit.

"N-nasan si Amelia?" 

"Lumabas sandali sapagkat siyay kasalukuyang kinakausap ng heneral" tugon nito na kinatigil ko. Magka-usap sila ni Lucio! Marahil ay alam na nito ang nangyari sa amin sa pamilihan kanina.

"Ano ba talaga ang nangyari sa inyo ni Binibining Amelia at dumating kayo sa punto na sinasaktan ng mga kriminal? Mabuti na lamang at kaagad ko kayong nakita dahil kung nagkataon, baka hindi lang daplis sa balikat ang iyong tinamo" aniya pa nito.

"Ikaw ang nagligtas sa amin?" pag-uulit ko dito at tumango naman siya "I-ikaw din ba yung nagpaputok ng baril kanina?" tanong ko pa. Agad naman itong umiling.

"Hindi. Nagkataon na kasama ko ang isa sa guardiya personal namin dahil wala ang iyong Kuya at inutusan ko ito na bantayan muna ang aking bunsong kapatid" agad kong nakuha ang kaniyang paliwanag.

"Salamat Doktor Hector" pasasalamat ko dito. 

"Tungkulin ko bilang doktor ang sumagip ng buhay kung kayat magpasalamat ka talaga na nandoon ako nung mga oras na iyon" 

Dahil nayayabangan ako sa kaniyang sinagot ay nanahimik na lamang ako habang ito ay nagfocus sa paglilinis ng aking sugat sa braso. Akala ko kanina daplis lang ngunit ngayon napagtanto ko na malaki din pala ito at di nagkataon na daplis lamang.

Kakaiba talaga iyong kriminal na lalaking iyon, hindi ko akalain na sa bilis ng aking pag-iwas ay magagawa pa rin ako nitong sugatan.

Naagaw ang aming atensyon ng bigla bumukas ang pintuan. Pumasok si Amelia at kasunod nito ang seryosong si Lucio.

"Irina! Kamusta na pakiramdam mo? Ano masakit ba ang mga sugat mo?" sunod-sunod na tanong nito.

"Ayos lamang ako Amelia kaya wag ka ng mag-alala pa. Ikaw ayos ka lamang ba?" tanong ko pa dito. Naluluha naman itong sumagot.

"Oo ayos lamang ako ngunit higit akong nag-alala sa iyo. Wag mo nang uulitin ang ginawa mo kanina halos atakihin ako sa puso sa sobrang pag-aalala na mapahamak ka" 

Natatawa na lamang akong pinispis siya sa likuran upang pakalmahin. 

"Wag mo akong alalahanin kaya ko ang aking sarili. Ikaw ang mag-iingat sa susunod Amelia" biglaang seryosong sabi ko pa. Kitang-kita ko ang takot sa kaniyang mga mata.

"Iyan kaya ka napapahanak Binibini dahil sa sobra mong katapangan" biglang extra ni Hector. Sinamaan ko ito ng tingin.

"Kung hindi ko ginawa ang bagay na iyon, baka naging bitag na nila kami sa mga sandaling ito. Hindi ko pinag-sisishan ang aking ginawa. Mas kaya kong tiisin ang sugat na ito sa aking braso kesa mahuli ng mga kriminal na iyon" matapang na tugon ko dito.

"Kahit na, isa ka paring Binibini! Hindi marapat kung ikaw ay makikipag-away sa mga kagaya nilang sanggano" aniya pa.

"At anong nais mong gawin ko Ginoo, hayaan silang apihin kami? Hindi maaari iyon! Kailanmay hindi ako pabor sa ideyang tanging kalalakihan lamang ang nararapat lumaban dahil maski kamiy isang hamak na binibini lamang sa inyong paningin, kamiy may kakayanan ding lumaban kahit papaano" hindi talaga ako paawat sa kaniya. Gender equality ang aking pinaglalaban.

"Hindi naman iyan ang aking punto Binibini. Ang sa akin lamang ang mga kagaya mong babae ay dapat pinapaubaya na lamang sa aming mga lalaki ang ganitong suliranin" di ko napigilan ang matawa ng mapait

Camino de Regreso (Way back 1896)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon