Kabanata 18

1.8K 112 82
                                    

Buhay o Pag-ibig


Nung araw ding yun, nakauwi kami ni Tala sa bahay. Nabigla pa nga sina Acong at Yano dahil nakauwi daw kami kahit hindi pa naman ngayon araw ng Sabado.

Ako ang naatasan sa paghuhugas ng pinggan matapos naming maghapunan. Sa sobrang lutang ko, may isang tasa akong nabasag. Nung natapos ko ang paghuhugas saka ko lamang ito itinapon sa basurahan.

Dahil wala naman na akong gagawin sa bahay kung kayat tumambay na lang muna ako sa tapat ng bahay.

Hindi ko naiwasang mapangiti dahil sa nasisilayang magandang tanawin, dahil nakatira kami sa paanan ng bundok ay kitang-kita ang paglubog ng araw.

"Malalim na naman ang iyong iniisip aking natitiyak ikay may problema" biglaang saad ni Yano sa malalim na tagalog. Bahagya na lamang akong natawa sa pagiging makata niya.

Bakit ba tuwing may ganito akong problema itong tao na ito ang lagi kong nakakasama? 

"Yano kung ikaw ang papipiliin, ano ang mas mahalaga buhay o pag-ibig?" tanong ko dito. Ilang minuto din itong nag-isip ng kasagutan.

"Nakadepende iyan sa tao at sa sitwasyon" tugon nito. Napa 'ha?' na lamang ako sapagkat hindi ko siya maunawaan.

Naupo naman ito sa tabi ko, isang metro ang layo sa akin bago muling nagsalita.

"Ganito kasi iyan, kung pag-ibig ang iyong pipiliin, para saan pa kung wala naman na ring buhay. Hindi ba't buhay ang pag-ibig? Gayundin naman para saan pa ang buhay kung hindi mo naman maka-kamtam ang pag-ibig na inaasam-asam? Hindi bat para ka naring namatay sa lagay na iyon?" 

Napakamot na lamang ako sa noo dahil mukhang mas nagiging magulo ang lahat. Aish

"Ang labo naman" natatawang komento ko.

"Ganun naman talaga sa mundong ito. Lahat magulo, lahat komplikado" second demotion na tugon naman nito.

"May alak ka ba jan?" biglaang tanong ko at natawa naman ito sa akin.

"Mukhang may balat ka talaga sa puwet. Ikaw yung tipong hindi nawawalan ng problema. Masyado ka yatang malakas kung kaya't lagi kang sinusubok ng tadhana" aniya. Napa-irap na lamang ako sa ere.

"Ang tinatanong ko kung may alak, hindi ko sinabi na may problema ako" mataray na sabi ko pa.

"Mukhang may swerte ka pa rin pala kahit papaano. Ayan na ang hinahanap mo" saad nito sabay turo sa parating na si Acong na may dala-dalang isang supot at alak na mukhang lambanog.

"May inuman pala kayo. Sali ako" saad ko at tanging pagtawa lamang ang naging sagot nito.Tsk




"Hoy Tinang! Kami lamang ni Yano ang mag-iinuman. Hindi ka kasali" pagsuway sa akin ni Acong. Dito sila nakapwesto sa may bakuran ng aming bahay. Hindi ko ito pinakinggan at pinag patuloy na lamang ang pagsasalin ng alak sa aking dala-dalang baso. 

"Hayaan mo na. Konti lang naman" tugon ko.

"Kebabae mong tao, lasingera ka! Isusumbong kita kay.." mabilis kong ibinaba ang bote ng lambanog at pinanlakihan siya ng mata. Lecheng ito ibubuking pa ata ako dito kay Yano!

"Ah e isusumbong kita kay Ate Flor!" Kakamot-kamot sa batok na pagpapatuloy pa nito. Mabuti't naunawaan niya. 

Napa-ismid na lamang ako sa kanilang dalawa ni Yano. Naupo na ako sa isang tabi habang sila naman ay ipinagpatuloy na ang kwentuhang kabalbalan. Tss. Boys and their stories! Duh!

"Mabait naman ang aking bagong amo na si Hector, yun nga lang masyadong mausisa. Pakiramdam ko sa isang maling kilos ko lamang ay mabubunyag na kaagad ang totoo kong pagkatao" pagbibida ni Acong na nagpatawa sa akin ng bahagya.

Camino de Regreso (Way back 1896)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon