Kabanata 57

1.5K 97 44
                                    

Pagsuko

Tuluyan nang nagdilim ang aking paningin,walang anu-anong naglakad paalis sa tabi ni Acong, narinig ko pa ang pagpipigil nito sa akin pero talagang sarado na ang aking tenga. Basta ang nais ko ay maialis si Tala sa kamay nang walang puso kong  tiyo-tiyuhan.

Ngunit hindi pa man ako nakakalayo  ay isang matipunong dibdib ang  humarang sa aking dadaanan.

"Padaanin mo ako Yano" walang ganang wika ko ngunit nanatili lamang itong nakaharang. Napahinga na lamang ako ng malalim at akma sanang tatakas sa kaniya nang mabilis nitong senyasan si Acong.  Kaya ang nangyari harang ko silang dalawa, siya sa harapan at si Acong sa aking likuran.

Stress na stress na lamang ako napasabunot sa aking buhok.

"Celestina pakiusap pagplanuhan  muna nating mabuti ang gagawin bago ka magpadalos-dalos" nagmamalasakit na wika ni Yano.

"Tama na iyan" mariing utos sa amin ni Señor Rafael, seryoso itong nakatingin sa akin. "Nakakaagaw na kayo ng atensyon, mabuti pa'y umuwi na tayo"

Hindi na ako nakapagsalita nang mariin din akong higitin nina Acong at Yano paalis sa lugar na iyon.





Walang palugit na sinabi Tiyo Ferdinand pero hindi ibig sabihin noon ay madami din siyang oras na inilaan para sa aking magiging desisyon.

Dalawang araw na ang nakakaraan  matapos ang pista pero ang mga huling salita nito ay pilit bumabagabag  parin sa aking isipan. Wala akong nagawa kundi mag-ikot ikot na lamang sa maliit na espasyo ng kubong pinagkulungan nila sa  akin.

Oo tama ang narinig ninyo, pagkauwi na pagkauwi namin mula sa plaza, wala ng nagawa sina Acong at Yano  kundi ikulong ako dito sa kubo, aniya nila kilala daw nila ako at hindi daw sila matatahimik hanggat hindi nasisiguro na natatali ako sa isang lugar kung kaya't hindi man daw nila naisin pero wala silang magagawa kundi ikulong ako hanggat walang napapagdesisyunan sa susunod  naming gagawing hakbang upang iligtas si Tala.

Masisisi ba naman nila ako kung mag-aalala ako ng lubusan para  sa aking kapatid lalo pa sa  pinagdadaanan nito aking natitiyak na mag-isa lamang itong tumatangis sa piitan at wala man lamang makaramay. Binibiyak ang puso ko at hindi ko maimahe ang kalungkutanng dinadala ni Tala.

Sandali akong natigil sa pag-ikot nang bumukas ang pintuan ng kubo, bumungad sa akin si Yano.

"Ipinapatawag ka na ni Señor Rafael upang mapag-usapan na ang magiging bago nating plano" pabatid nito at hindi na ako nag-atubiling tumakbo palabas ng kubo.



Nandito kami ngayon sa tabing dagat. Bigla kasing nakatanggap ng liham si Señor mula kay Lucio na ipinaguutos daw ng Gobernador na halughugin ang buong kabundukan kaya naman wala nang ibang pagpilian ang lahat kundi manirahan na lamang sa di kalayuang isla. Yun nga lang masyado itong disadvantage para sa akin lalo pa't kailangan muna ng bangka bago makarating sa Valencia unlike before na lalakarin lang na tanging ang problema lamang ay ang layo nito kahit pa takaw sa oras.

Kasalukuyang abala ang lahat sa pakikinig sa sinasabi ni Señor Rafael pero ang isip ko ay lumilipad kung saan-saan.

Hindi kami kumpleto at nasa bilang lamang na pito kaming naririto ngayon sa pagpupulong dahil sabi ni Señor ay sila na daw ang bahalang magpakalat sa aming mga kasamahan ang mapapag-planuhan ngayon.

"Binibini Celestina nakikinig ka ba?"

Bigla akong natauhan sa kaniyang pagtawag sa akin kaya naman muling nagbalik ang aking atensyon sa kanila. Nagtataka pang tumingin sa akin sina Acong at Yano.

"A-ano nga po ulit iyon Señor?" nahihiyang tanong ko pabalik, napapailing na lamang ito sa naging reaksyon ko.

"Ang sabi ko ano kamo ang masasabi mo sa ating plano?"

Camino de Regreso (Way back 1896)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon