Kabanata 43

1.5K 85 61
                                    

Ang nakaraan ni Fabio

Hindi ako maaaring magkamali, malinaw na ikinwento sa amin ni Tala na ang kaniyang ama ay kailanmay hindi nagmalasakit sa kanila ni Aling Manda, sa halip na maging katuwang nila ay nagagawa pa nitong saktan sila.

Bigla akong natigilan at di alam kung ano ang magiging reaksyon sa narinig mula sa kaniya. Pero isa lang ang sigurado ako na sa mga sandaling ito nanginginig ang aking kamao na tumama sa mukha ng Don Victor na ito.

"BITAWAN MO AKO!" malakas na sigaw ni Tala at walang anu-anong itinulak ng malakas ang nasabing Ama.

"T-tala" hindi makapaniwalang reaksyon ni Don Victor dito.

"Wala akong Ama na kasing sama mo, kaya umalis ka na dito hanggat may natitira pa akong respeto sa iyo" mariing saad ni Tala at akma sana itong muling lalapit dito nang harangan ko siya.

"Narinig naman po ninyo ang sinabi ng aking kapatid, kaya mawalang galang na at umalis na kayo bago pa magdilim ang paningin ko" nagtitimping saad ko. Naramdaman ko ang paghawak ni Tala sa braso ko.

"Anong komosyon ang nangyayari dito?" bungad na tanong sa amin ni Acong na kadarating lamang. Itinuon ko muli ang atensyon kay Don Victor.

"Pakiusap po, umalis na kayo" muling pakiusap ko subalit matapang ito.

"Hindi! Kailangan kong makausap ang aking anak" pagpupumilit pa nito at pilit akong pinapaalis sa harapan ni Tala at doon na umextra si Acong.

"Ikaw ang Ama ni Tala?" mariing tanong ni Acong dito at halong galit at pagtataka ang namutawi dito. Kinakabahan akong lumapit sa kaniya dahil alam kong hindi maganda ang magiging salubong niya dito.

"Ako nga at ngayon din kukunin ko ang aking anak upang isama sa amin" sigaw nito at sa isang iglap ang kamao ni Acong ang tumama sa mukha nito dahilan upang mapasalampak ito sa lupa.

Hindi namin napigilan ang mapairit ni Tala dahil sa nangyari. Agad kong inawat si Acong ngunit masyado siya malakas at hindi ko kayang awatin mabuti na lamang at hindi nanlalaban si Don Victor.

"Acong tama na" nakikiusap na wika ko ngunit hindi ako ito nagpatinag.

"Makinig ka sa aking sasabihin Don Victor. Si Tala ay kapatid na namin at napamahal na siya sa amin kung kaya't hinding-hindi ninyo siya makukuha mula sa amin. Hindi ang isang katulad mo na mananakit tao!" malakas na sigaw nito kay Victor at akma na naman sanang susugudin ito mabuti't dumating na sina Tiya, mukhang abot hanggang loob ang kaguluhan namin.

"Anong nangyayari dito?" bakas ang galit sa tono ni Tiya habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa aming tatlong magkakapatid bago kay Don Victor na nakalupaypay parin sa lupa.

"Jusko Victor!" malakas na sigaw no Donya Veronica bago dinaluhan ang anak."Anong nangyari?" tanong pa nito habang masamang tingin ang ipinukol sa amin ni Victor. Putok ang kilay at nagdurugo ang tabi ng labi nito.

"Pakiusap pakipaliwanag sa amin ang nangyayaring kaguluhan dito!" galit na talaga si Tiya ngunit wala sa amin ang naglakas loob sumagot.

"Victor, ano't nananahimik kayo diyan? Ikaw ang higit na nakakatanda kung kayat ikaw ang magpaliwanag sa nangyari" saad ni Don Thomas sa kapatid at doon na nga nagsalita ito.

"Ina nahanap ko na ang nawawala kong anak" pabatid nito na kinatigil ng Donya.

"Nasaan?" di makapaniwalang tanong nito sa anak.

"Ayun siya" itinuro nito ang naka nakatungo lamang na si Tala sa aking tabi. "Ang aking anak" patuloy pa nito.

"Si Tala? E nakakabatang kapatid siya ni Celestina sa Ina" naguguluhang pagsabat ni Tiya sa kanilang usapan.

Camino de Regreso (Way back 1896)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon