Kabanata 6

1.8K 93 28
                                    

Bagong Heneral


'Mind over matter'

Iyan ang paulit-ulit kong sinasa-isip habang tinatahak namin ang daan patungong  Casa Villadiego.

Paniguradong mukhang tanga na ako ngayon dito habang naglalakad dahil samu't-sari ang aking naiisip. Damn overthinking is not really helpful.

Mamaya makikiusap ako kay Amelia na kung maaari'y sa casa na lamang nila ako magtrabaho. Alam ko naman na imposible gayong tinutulungan niya si Nila sa pagpapatakbo ng Hotel de Kalilaya. Wala namang masama kung susubukan. Hindi ba?

Sana lang talaga na nasa akin ang swerte sa araw na ito. Hopefully please!

"Ano iyang ginagawa mo. Nananalangin ka ba?" natatawang tanong sa akin ni Cypriano.

Goodness, di ko namalayan na napatigil na pala ako sa paglalakad habang naka tingin sa kalangitan at naka-'Amen' pa ang aking dalawang kamay.

Sinimangutan ko na lamang siya para hindi mahalata ang pagkakapahiya ko. Patay malisya na lamang ako naglakad palayo sa kaniya at tumabi na lamang kay Tala.

Bakit ba kasi kailangan pa niyang sumama rito? Kung wala lang trabaho si Acong hindi ako papayag na ihatid kami ng kumag na ito. Tsk.

"Ate paano mo napapatawa si Kuya Yano?" casual na tanong nito. Napataas ang aking kilay.

"Aba e malay ko sa kaniya. Emosyon niya iyon kung kaya hindi ko alam kung kailan sya tatawa o hindi. Baka nagkataon lamang na trip niya akong inisin"

"T-trip? Ano iyon?" Naguguluhang tanong pa nito. Napakamot na lamang ako sa ulo. Hays kainaman paliwanagan na naman.

"Parang hilig ganun" natatawang sagot ko na lamang sapagkat di ako sure. Haha. Mabuti't di na siya nagsalita pa.

Di kalaunan narating na namin ang Casa Villadiego. Pansamantala kaming tumigil muna sa isang kanto ang layo dito.

"Salamat po sa paghatid sa amin Kuya Yano" masayang aniya nito dito. Tumango naman ito at ngumiti dito bago ginulo ang buhok nito. Nahiya naman si Tala dito kung kaya namumula ang pisngi nitong napayuko. Kinikilig amp!

"Kailan ang alis mo?" pag-aagaw ko ng atensyon dito. Baka mahimatay ng wala sa oras itong si Tala dahil sa kaniya e.

"Bakit pinapaalis mo na ba ako sa inyo?" nagdra-dramang tanong din nito. Taasan ko nga ng kilay.

"Tinatanong kita ng ayos kaya sanay wag mo naman akong sagutin ng isa pang katanungan"

Natatawa naman itong tumingin ulit sa akin bago may binulong sa hangin na hindi ko naman narinig bago sumagot. "Bukas po Señora. Bakit may nais po ba kayong ipagbilin?" Tilay nanlalaki ang butas ng aking ilong sa kaniyang tinuran sa akin. Señora? Eto pala talaga ang malakas ang trip! Hanep.

"Ewan ko sa iyo" sagot ko dito at naglakad na papalayo. Narinig ko na naman ang mahina niyang pagtawa. Mga tatlong hakbang palang ang nagagawa ko nang muli ko itong lingunin.

"Maraming salamat ulit at mag-iingat ka" saad ko bago mabilis ng tumalikod ulit sa kaniya. Alam ko namang hindi rin siya tutugon sa aking sinabi kung kaya pinagpatuloy ko na ang paglalakad tungong casa Villadiego. Napansin kong hindi ko kasunod si Tala. Aish. Bahala nalang siyang sumunod.

"Oh Irina kamusta ka na? Ang tagal ka na naming hinihintay bumalik. Ayos na ba ang iyong pakiramdam?" bungad sa amin ni Manang Fe. Kasalukuyang nagdidilig ito ng halaman sa labas ng casa.

"Ayos na po ako Manang Fe. Salamat po at pasensya na sa abala" tugon ko dito. Nakangiti naman itong tumango sa akin.

"Mag-iingat ka sana sa susunod at talagang kahit si Amelia ay alalang-alala sa iyo. Ano nga ba ang nangyari at wala man lamang akong ideya kung bakit ka nagkasakit?" pang-uusisa pa nito subalit sa halip na sagutin ang kanyang katanungan ay nilihis ko na lamang ang usapan.

Camino de Regreso (Way back 1896)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon