Hotel de Kalilaya
Kasalukuyang nagdidilig ako ng halaman na nakapalibot sa Casa Villadiego nang isang kalesa ang naramdaman kong tumigil sa aking likuran dahilan upang lingunin ko ito.Isang bagong mukhang Ginoo ang bumaba mula dito at kung hindi ako nagkakamali, siya ang kinikita ng palihim ni Amelia tuwing tumatakas ito sa hatinggabi. At ito rin yung nakilala niya kahapon sa libing ng heneral.
"Magandang umaga. Naparito ako upang makausap sana si Binibining Amelia" nakangiting bati nito. Sandali kong ibinaba ang pandilig na aking hawak bago inaya siya papasok ng bahay. Sa salas muna ko muna siya pinaupo bago nagpaalam na tatawagin ko lang si Amelia na sa aking palagay ay natutulog pa rin.
"Uhh masyado pang maaga Irina. Inaantok pa ako alam mo naman madaling araw na akong nakauwi kanina" pagmamaktol nito habang hindi ko siya tinigilan sa pagtapik.
"May naghahanap sa iyo sa baba at kung hindi ako nagkakamali siya iyong Ginoo mo na katagpo kaninang madaling araw" saad ko dito at mabilis pa sa alas-kwatro itong bumangon sa nanlalaking mata.
"ANO? Anong ginagawa niya dito?? Sabihin mo antayin ako sa baba at mag-aayos lang ako" ani nito at mabilis nang nagtungo sa banyo. Iiling-iling ko na lamang inayos muna ang kaniyang pinaghigaan bago binalikan ang Ginoo at sinabi ko na rin dito ang pinasasabi nito. Sa salas ko na lamang ito pinag-antay.
"Sino ba yung lalaking iyon? Kilala mo ba Irina?" pang-uusisa ni Manang Fe habang parehas kaming abala sa paghahanda ng almusal nila Amelia.
"Hindi po Manang" simpleng sagot ko.
"Sana lamang magtagal pasiya ng kaunti para maabutan siya dito ni Don Rodolfo" ani pa nito. Sus pusta ko hindi yan magtatagal dito lalo pa't ayaw na ayaw ni Amelia na may dumadalaw sa kaniyang Ginoo lalo pa't hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang nais niyang mangyari.
Nang maging ayos na ang lahat, agad ko nang binalikan sila sa salas upang sabihang handa na ang makakain.
Pinakilala naman ni Amelia ang lalaki kay Manang Fe, subalit ang matanda ay mukhang strikto din pagdating sa manliligaw ng dating alaga. Tumango lamang ito dito pero habang kumakain ang dalawa, panay ang tanong nito dito.
"Taga saan ang iyong pamilya Raul?"
"Tubong Bulacan po ang pamilya namin ngunit ngayon dito na kami naninirahan" magalang na saad nito.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, nakikita kong maginoo at may respeto kang lalaki ngunit sanay magtagal ka pa dito upang makaharap ang ama ni Amelia. Iyon ay kung talaga seryoso ka dito sa aking alaga" bakas na bakas sa mukha ni Amelia ang pagka-disgusto sa sinabi ni manang dito samantalang ang ginoo ay natutuwang sumang-ayon sa nais nito.
Nang matapos silang kumain, nauna ng lumabas ng bahay ang dalawa upang doon mag-usap, balak ko sanang tulungan si Manang na magligpit ng pinagkainan nila ngunit pinigilan ako nito.
"Ako na ang bahala dito Irina. Mabuti pa'y bantayan mo ang dalawang iyon sa labas" kaya naman wala akong nagawa kundi sundin siya.
Sa likuran ako dumaan upang hindi makaagaw ng atensyon ng dalawa na seryosong-seryoso sa pag-uusap at mukhang may hindi pagkaka-unawaan.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo rito?" naiiritang tanong ni Amelia sa Ginoo.
"Mahal, syempre narito ako upang masilayan muli ang iyong kagandahang araw-araw bumibihag sa puso kong pihikan" mabulaklak na salita nito ngunit hindi man lamang umepekto dito.
"Hindi ko nagustuhan ang pagparito mo. Wala sa usapan natin ang pagpunta sa bahay ng isa't-isa!" nagmamaktol na tugon nito. Bahagyang nawala ang ngiti sa mukha ng ginoo at tuluyan ng lumapit dito. Ngunit mabilis na umiwas si Amelia sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Camino de Regreso (Way back 1896)
Historical FictionIkalawang Libro. Noon akala ko simple lamang ang buhay, basta humihinga ka at nakakain ng tatlong beses sa isang araw ay ayos na. Pero nung mapunta ako sa sinaunang panahon, namulat ang aking puso't-isipan. Lahat ng aking nasaksihan trahedya, kasawi...