Kabanata 26

1.9K 104 86
                                    

Pagkabisto

Pasado alas-12 nang madaling araw ngunit gising na gising pa din ang diwa ko. Kinikilig kong niyapos ang unan bago tumagilid ng pwesto. 

Masyado nang malalim ang tulog ni Tala habang ako ito hindi parin nawawala sa aking isipan si Lucio. Waaahhh yung kiss!!!

Sobra-sobrang pagtitiis ang ginawa ko wag lang makagawa ng ingay. Like Omg the feeling is too good to be true na akala mo'y wala ng problema sa buong mundo!

Kinabukasan, maaga akong nagpaalam kay Nila na uuwi muna sa amin at sinabi ko na lamang na babalik din ako kaagad sa hapon.

Excited na excited ako at hindi na maintindihan kung ano ang uunahin kong lutuin para kay Lucio mamaya. Kagaya kasi ng plano ko ay ininvite ko ito sa bahay upang maibigay na sa kaniya ang iba ko pang regalo para sa kaniya hihi!

Wala akong sinayang na oras at sinimulan ng lutuin ang dalawang potaheng ayon sa pagkakaalala ko ay paborito ni Lucio habang ang isa ay paborito ko naman hahah.

Bago magtanghalian, ay natapos ko na lahat ng gawain at nakapag-ayos na rin ako ng aking sarili. Si Lucio na lang talaga ang hinihintay. 

Nilapitan ko pa ang bagay na pinakang-handog ko talaga sa kaniya, kinikilig ko itong pinispis.

Ilang saglit lang ay nakarinig na ako ng pagkatok sa pintuan. Sandali ko munang pinasadahan ng tingin ang sarili sa harapan ng salamin bago nakangiting pinagbuksan ito.

Isang makisig na Heneral na may hawak na basket of fruits ang aking nabungaran. Mas lumawak ang ngiti sa aking nga labi.

"Magandang tanghali mahal kong Senyorita" nakangiting bati nito. Waaaahhhhh oxygen!!!

"Magandang tanghali din sa iyo aking Heneral" kinikilig na tugon ko at ramdam ko na naman ang paru-parong nagliliparan sa loob ng aking tiyan.

"Ah pasok ka" saad ko at nilakihan ang awang ng pintuan. "Mabuti pa'y kumain na muna tayo ng tanghalian" saad ko pa habang higit-higit siya sa aming kusina.

Pawang nabigla ata ito sa set up na ginawa ko. Pano ba naman sinarado ko lang ang lahat ng bintana kaya sobrang dilim at yun ang purpose ng romantic candle sa gitna ng aming maliit na lamesa.

Akala ko mauuna na itong maupo yun pala iniangat nya ang silya upang paupuin ako doon bago siya naupo sa aking tapat. Susme masyado naman ata siyang maginoo!

Isang tunog gamit ang daliri ang ginawa ko at sa isang iglap lumabas si Acong  dala na ang mga pagkaing niluto ko.

"Salamat kaibigan" natatawang saad ni Lucio matapos nitong ilapag ang pagkain sa lamesa.

"Walang anuman" nakangiting saad nito bago mabilis ng tumalikod ngunit bago pa man ito makalayo ay narinig ko pa ang sinabi nito.

"Kung paano kasi ako napunta sa ganitong sitwasyon. Pambihira!"

Mahina akong natawa sa kaniya hanggang sa tuluyan na itong lumabas ng kusina. At ilang saglit lang si Tala naman ang lumabas na may bitbit na plauta (flute).  Naupo ito sa isang tabi bago sinimulan nang tumugtug ng isang romantikong tugtugin.

Nakangiting binalik ko ang aking atensyon kay Lucio na pawang humahanga sa nangyayari.

"Sanay magustuhan mo ang ikalawa kong regalo sa iyo" nakangiting saad ko bago ako na mismo ang naglagay ng kanin at ulam sa kaniyang plato.

"Paano mo nalaman na ito ang paborito kong pagkain?" tanong nito.

"Nasabi sa akin noon ni Raquelita" pag-amin ko dito natatawa naman ito habang napailing-iling pa. Gets ko na na ang tumatakbo sa isip niya ay kung gaano kadaldal si Raquelita hahaha.

Camino de Regreso (Way back 1896)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon